Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

9-Venus

GROUP 6: LOLA BASYANG (India)


Strategy: Live Dramatization
Leader: Concepcion, Jess Laurence L.
Assistant Leader: Ricafranca, Nikka Ella
Secretary: Paringit, Renz Christian
Members: Andaya, Rujin Dave
Bulala, Gemma Mae
Domingo, Romar Angelo
Samiling, Chezka
Characters:
Lola Basyang- Nikka Ella Ricafranca
Mga Bata- Jess Laurence L. Concepcion
Renz Christian Paringit
Andaya, Rujin Dave
Bulala, Gemma Mae
Domingo, Romar Angelo
Samiling, Chezka
Script:
Unang Tagpuan: Umaga sa Bahay
Renz: La! Pagtitimpla ko lang po kayo ng kape ah.
Nikka: Oh sige apo, salamat.
Renz: *exit*
*Natitirang mga bata enter*
Nikka: Mga apo! Gusto niyo bang magkuwento ako?!
Mga bata: Sige po!
*Nikka kunin ang libro mula sa baul*
Jess: Wow! Ang laki naman niyan.
Bulala: Kaya nga eh. Siguro sobrang daming kuwento diyan sa loob niyan.
Domingo: Di na ako nagtataka kung bakit siya Malaki.
*Renz enter*
Renz: Lola! Sandali lang po, eto na ang kape niyo.
Nikka: Pagpalain ka ng Panginoon, apo.
Samiling: La! Simulan niyo na po ang kuwento!
Nikka: Sige, ang kuwento natin ay pinamagatang Ang Panahon ng Tanso
Andaya: Bakit po siyang tinawag na Panahon ng Tanso?
Nikka: Dahil sa panahong ito unang natagpuan at ginamit ang tanso o bronze.
Mga bata: Ahh!!
Nikka: Sa lugar ng Timog Asya, particular sa lambak-ilog ng Indus bandang 2,500 sa panahong bago dumating
si Kristo. May dalawang pinakatanyag na lungsod ng kabihasnang Indus ang Harappa at Mohenjo-Darro.
Napapaligiran ito ng Himalayas at malalawak na disyerto. Ang mga karaniwang pangkabuhayan ng mga tao rito
ay ay ang pagsasaka. Ang imbakan dito ay isa sa mga mahahalagang gusali dito. Ang mga tao dito ay
pinaniniwalaang unang nagtanim ng bulak kung saan nanggagaling ang bulak na ating ginagamit sa
kasalukuyan. Sila din ay mga artisan, at gumagawa ng palayok, estatwa, kasuotan, at palamuti. Ngunit alam
Page 1 of 3

9-Venus
niyo ba kalaunan ay bumagsak din ang mga kabihasnang Indus at ito daw ay maaring dulot ng malaking sakuna
na lumipol sa mga taga-Indus tulad ng lindol, o ang pagbabago ng ilog dahilan upang madiligan ang mga
taniman sa lambak ng Indus, o ang pananalakay ng mga Aryan. At sa pangkat na ito, nagmula ang isang bagong
kabihasnang Indian.
*Nikka flashes picture*
Nikka: Oh, mga apo eto ay ang Mohenjo-daro at ito ang mapa nito.
Mga bata: Wow lola! Ang laki po pala ng mga lugar na iyan.
Nikka: Siyempre, apo at hindi lang iyan maunlad din ang mga tao dito may mga maayos na tinitirhan, trabaho,
at mga namumuhay ng matiwasay. Pero dahil sabi nga nila ang lahat ay may katapusan ang kabihasnang ito ay
hindi rin nagtagal.
Jess: Lola, diba po ang mga Aryan din ay nakaimpluwensiya kung paano mamuhay ang mga taga-India tulad ng
Pilipinas ng manakop sa atin ang mga Kastila, Hapones, at Amerikano.
Nikka: Tama ka diyan, apo. Nakaimpluwensiya rin ang mga Aryan sa mga taga India.
1. Ang mga Aryan ay pinamumunuan na ng isang raja.
2. Mas pinairal sa India ang pagpapangkat-pangkat ng tao na tinawag na sistemang caste.
3. Nakikipagkalakalan din ang mga Indian sa ibat ibang bansa.
4. Umusbong at naipalaganap nila sa India ang relihiyong Hinduism, Buddhism, at Jainism
5. Sila rin ay nagpalaganap sa India ng Sanskrit.
Jess: Ang galing naman ibig sabihin mas nagkaroon ng sari-saring uri ng mga kultura at paniniwala ang India sa
pagsakop ng mga Aryan.
Nikka: Magaling apo ko, sige na mamaya may ikuikuwento ulit ako sa inyo sa India din ito nangyari pero bago
yun maligo muna kayo at ang babaho niyo na amoy ko na kayo mula ditto.
Jess: Weh si lola! Joke time, sige na po. Mamaya na lang po ulit.
*mga bata kaway*
Pangalawang Tagpuan: Bago matulog.
*Mga bata enter*
Nikka: Mga apo! Gusto niyo ba ng bedtime stories?!
Mga bata: Sige po lola!
Gemma: Yan po ba yung kadugtong nung kaninang umaga?
Nikka: Oo, Gemma.
Renz: La sandal lang po, gusto niyo po bang ipagtimpla kita ng kape?
Nikka: Salamat apo.
*Renz exit*
Domingo: Lola, saan naman po tungkol ngayon ang kuwento?
Nikka: Ngayon naman ay tungkol sa mga imperyo sa India.
Domingo: Grabe ganun din pala kalakas ang India noon, ibig sabihin naging isang maunlad din pala na lugar
ito.
Nikka: Tumpak! Romar, tama ka naging isang makapangyarihang lugar ang India at ang mga imperyong nabuo
ditto.
*Renz enters*
Renz: Lola! Eto na po yung kape niyo.
Nikka: Simulan ko na ah. Ang ating kuwento ay pinamagatang Ang mga Imperyo sa India. May umusbong na
tatlong malalaking imperyo sa India at bawat is dito ay may mga magagaling na mga namumuno.
1. Una ay ang imperyong Maurya noong 321-232 panahon bago dumating si Kristo. Ang isa sa mga tanyag
na pinuno nito ay si:
Page 2 of 3

9-Venus
a. Chandragupta Maurya na naghati sa mga lalawigan at distrito upang mapadali ang kaniyang
pamamahala at nagpagawa rin siya ng mga kalsada at pinaunlad ang sistema ng koreo at kalakalan.
b. Huli ay si Asoka, sa panahon niya ay narating ng kabihasnang Indian ang kabantugan nito. Pinaunlad
niya at pinaghusay ang imperyo at itinaguyod ang kahalagahan ng bawat mamamayan.
Bumagsak ang Imperyong Maurya dahil walang humaliling mahusay na pinuno matapos ang pamumuno ni
Asoka.
2. Pangalawa ay ang imperyong Gupta noong 320-550 panahon ni Kristo.
a. Chandra Gupta I, pinalakas niya ang imperyo sa pamamagitan ng pakikipagalyansa sa mga pamilyang
namumuno sa lambak ng Ganges.
b. Samudra Gupta, pinalawak niya ang imperyo sa pamamagitan ng pakikidigma.
c. At huli ay si Chandra Gupta II sa panahon niya nagana pang Ginintuang Panahon sa India na tumagal
ng 200 taon. Higit niyang pinalawak ang imperyo, naging tanyag ito dahil sa malawak na minahan ng
ginto at pilak.
Bumagsak naman ang Imperyong Gupta dahil sa pananalakay ng mga Hun, isang tribong lagalag mula sa
hilagang-kanluran ng India.
3. At huli ay ang imperyong Mughal noong 1526-1621
a. Babur na nagsakop ng hilagang India.
b. Akbar na pinalawak ang imperyo hanggang Himalayas hanggang sa ilog ng Godavari at mula Kashmir
hanggang sa Ilog Ganges at Brahmaputra. Binigyan niya ang mga tao na mamili ng ninanais na
relihiyon.
c. Shah Jahan ang nagsakop ng Deccan Plateau at ang Samarkhad at ipinatayo ang Taj Mahal.
d. Huling pinuno ng imperyong Mughal ay si Aurangzeb na nagpatayo ng templong Hindu at pagsasagawa
ng suttee o pagsunog sa balo ng yumaong Hindu. Sapilitan niyang ginawang Muslim ang may ibang
pananampalataya. Pinatawan niya rin ng mataas na buwis ang mga hindi Muslim.
Bumagsak ang Mughal dahil sa rebelyon laban sa hindi makatarungang patakaran at ng alitan sa pamilya ni
Aurangzeb.
Jess: Wow! Grabe naging ganiyan kahusay pala ang India noong unang panahon.
Nikka: Tama, Jess sila ay talagang naging makapangyarihan.
*Nikka flashes pictures and read the descriptions*
Nikka: Sige matulog na kayo. Bukas gusto niyo ba ng kuwento?! Tungkol naman sa Panahong Neolitiko!
Bata:Yehey! Maraming salamat Lola Basyang!
*Mga bata matutulog*
Nikka: Maraming Salamat sa panonood, muli eto ang Mga Kuwento ni LOLA BASYANG!
THE END

Page 3 of 3

You might also like