Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Kaligirang Pangkasaysayan

Ng Ang Kuwintas ni Guy de Maupassant


Ang Kuwintas, La Parure sa French, na isinulat ni Guy de Maupassant ay unang
inilathala noong ika-17 ng Pebrero taong 1884 sa pahayagang Le Gaulois sa Paris,
France. Noong 1885, isinama ang akdang ito sa kanyang koleksyon ng mga maiikling
kuwento: ang Contes dejour et de la nuit (Tales of Day and Night). Tulad ng kanyang
mga akda, ang La Parure ay ang naging matagumpay. Sa kalaunan ang storying ito ay
ang naging pinakatanyag na akda ni Maupassant, at itoy ginawan ng mga antolohiya.
Taong 1800 nang magkaroon ng mga problema sa ekonomiya ang France
matapos ang digmaang Franco-Prussian.

Dulot nito, umusbong ang estrakturang

caste, kung saan nagkaroon ng distingksyon sa pagitan ng mayayaman, at mahihirap.


Sa panahong ito, hindi naging karaniwan ang pagpapalit ng antas sa lipunan.
Ang mga magulang ni Maupassant ay kabilang sa lower aristocracy at
naghiwalay noong bata pa lamang siya.

Noong dalawampung taong gulang

siya,nagkaroon siya ng syphilis. Dahil sa mga dinanas na paghihirap ang paghihiwala


ng kanyang magulang at ang pagkakaroon niya ng malubhang sakin ay naapektuhan
ang kanyang mentalidad o pag-iisip.
Ang buhay ni Guy de Maupassant at ang sistema ng lipunan sa taong 1800 sa
France ay isinasalamin sa akdang Ang Kuwintas. Ang pangunahing tauhan sa kuwento
na si Madame Mathilde Loisel ay inilarawan bilang isang babaeng nagbibigayimportansya sa mga kagamitan. Ginusto niyang yumaman at maging mapasama sa
antas ng upper class. Tulad ni Maupassant, si Mathilde ay at nakaranas ng emosyonal
na pagdurusa matapos makadanas ng mga paghihirap nang siyay magkautang.

Sanggunian: www.sparknotes.com/short-stories/the-necklace/context.html
www.enotes.com/homework-help/what-new-historicism-how-does-neclace-reflect-360264
www.encyclopedia.com/article-1G2-2695100019/necklace.html

You might also like