Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

A LAMAT NG M AKAHIYA

ANG MAG-ASAWANG MANG DONDONG AT ALING ISKA AY MAYAMAN AT MAY KAISA-ISANG ANAK.
MAHAL NA MAHAL NILA ANG LABINDALAWANG TAONG GULANG NA SI MARIA. NAPAKABAIT AT
MASUNURING BATA SI MARIA. SA KABILA NG MAGANDANG KATANGIANG ITO NI MARIA, ANG
PAGKAMAHIYAIN AY KAAKIBAT NG KANYANG KATAUHAN. AYAW NIYANG MAKIPAG-USAP SA IBANG
TAO KUNG KAYA'T NAGKUKULONG LAMANG SIYA SA KANYANG SILID PARA LAMANG MAKAIWAS SA
MGA TAO.
SI MARIA AY MAY TANIMAN NG MGA MAGAGANDANG BULAKLAK. ANG KANIYANG MGA BULAKLAK AY
SADYANG NAPAKAGAGANDA KUNG KAYA'T ANG MGA ITO AY KILALANG-KILALA SA KANILANG BAYAN.
ISANG ARAW, ANG KANILANG BAYAN AY PINASOK NG MGA BANDIDO. PINAPATAY NILA ANG BAWA'T
MASALUBONG AT KINUKUHA ANG ANUMANG MAHAHALAGANG BAGAY. SA TAKOT NA MAPAHAMAK SI
MARIA, ITINAGO SIYA NI MANG DONDONG AT ALING ISKA SA BUNTON NG MGA HALAMAN. SI
ALING ISKA AY NAGTAGO SA LOOB NG KABAHAYAN, SAMANTALANG SI MANG DONDONG AY
NAKAHANDANG SALUBUNGIN ANG PAGDATING NGA MGA BANDIDO.
"DIYOS KO! ILIGTAS MO PO ANG AKING ANAK." DASAL NI ALING ISKA.
NANG WALANG ANU-ANO'Y BUMUKAS ANG PINTUAN NG KANILANG BAHAY. SI MANG DONDONG AY
WALANG NAGAWA NANG PUKPUKIN SIYA SA ULO NG MGA BANDIDO. NAGTANGKANG TUMAKAS SI
ALING ISKA NGUNI'T TULAD NI MANG DONDONG, SIYA RIN AY NAHAGIP AT NAWALAN NG MALAYTAO. NAGHALUGHOG ANG MGA BANDIDO SA BUONG KABAHAYAN. MATAPOS SAMSAMIN ANG MGA
KAYAMANAN NG MAG-ASAWA AY HINANAP NILA SI MARIA NGUNI'T SILA AY BIGONG UMALIS. HINDI
NILA NATAGPUAN SI MARIA.
NANG MATAUHAN ANG MAG-ASAWA, ANG KANILANG ANAK NA SI MARIA ANG AGAD NILANG
HINANAP. PATAKBO NILANG TINUNGO ANG HALAMANAN. LAKING LUNGKOT NI ALING ISKA NG
HINDI MATAGPUANG ANG ANAK. NANG WALANG ANU-ANO'Y MAY SUMUNDOT SA PAA NI MANG
DONDONG. LAKING PAGTATAKA NIYA NANG MAKITA ANG ISANG URI NG HALAMAN NA MABILIS NA
TUMITIKOM ANG MGA DAHON.
"ANONG URI NG HALAMAN ITO? NGAYON LANG AKO NAKAKITA NITO!" ANG MAY PAGKAMANGHANG
SABI NI MANG DONDONG.
TINITIGANG MABUTI NG MAG-ASAWA ANG HALAMAN, AT DOON NILA NAPAGTANTO NA ANG
HALAMANG IYON AY DILI-IBA'T SI MARIA. GINAWA SIYANG HALAMAN NG DIYOS UPANG MAILIGTAS
SA MGA BANDIDO.
HINDI MAPATID ANG PAGLUHA NI ALING ISKA AT LAKING PAGKAGULAT NA MULI NI MANG
DONDONG NA BAWA'T PATAK NG LUHA NI ALING ISKA, ITO AY NAGIGING ISANG MALIIT AT BILOG
NA KULAY ROSAS NA BULAKLAK.

MAGMULA NOON,

ANG

HALAMANG

IYON

PANINIWALANG ITO ANG KANILANG ANAK.


KATANGIAN NI

AY

INALAGAANG

MABUTI

NG

MAG-ASAWA

SA

TINAWAG NILA ITONG MAKAHIYA, TULAD NG ISANG

MARIA.
Ayokong mawala sila sa akin
Pero bakit tila balewala sa kanila
Ang lahat ng pag-aalalang pinapakita
Sa tuwing di sila masilayan ng mga mata kong lumuluha.
Pakiramdam koy puno ng lihim,
Ang pagkatao nila sa akin.
Maraming bagay at pangyayari yata
Na ayaw nila akong makasama.
Isang malaking hadlang ba ako?
Sa kanilang kasiyahang nadarama.
O talagang ayaw lang nilang
Sundan ko ang landas nila?
Oo kami ay magkakaibigan
Pero kami rin ay may pagkakaiba
Ako yata ang siyang pino
At sila ang aking bunga.
Bakit? Dahil ba sa ako lagi ang matibay
Sa lahat ng pagsubok sa buhay?
O dahil sa talagang ayoko lang
Ayokong mawala sila sa akin

Pero bakit tila balewala sa kanila


Ang lahat ng pag-aalalang pinapakita
Sa tuwing di sila masilayan ng mga mata kong lumuluha.
Pakiramdam koy puno ng lihim,
Ang pagkatao nila sa akin.
Maraming bagay at pangyayari yata
Na ayaw nila akong makasama.
Isang malaking hadlang ba ako?
Sa kanilang kasiyahang nadarama.
O talagang ayaw lang nilang
Sundan ko ang landas nila?
Oo kami ay magkakaibigan
Pero kami rin ay may pagkakaiba
Ako yata ang siyang pino
At sila ang aking bunga.
Bakit? Dahil ba sa ako lagi ang matibay
Sa lahat ng pagsubok sa buhay?
O dahil sa talagang ayoko lang

Na bitiwan ang aming pagkakaibigan.


Ewan! Pero kahit ganoon sila
Mahalaga at mahal ko sila
Dahil sila ang aking bunga
Na ayoko talagang mawala.

Palagay ko mahirap makatagpo ng tulad nila


Dahil sa kulay na binigay nila
Sa landas kong walang kwenta
Pero kaibigan ko nga ba sila?
Pakiusap ko lang sagutin nyo aking katanungan
Ako nga ba ay kaibigan nyo?
O isang bangungut lang
Na dumaan sa pagtulog nyo?
Sana maramdaman kong
Mahalaga din ako sa inyo.
Sana maintindihan ko ang sekreto at dahilan
Ng pagkakaibigan nating ito.
Nais ko lang namang ipahiwatig
Ang lahat ng nararamdaman
Nais ko lang maliwanagan
Ang lahat ng pag-aalinlangan
Dahil ayokong maglaho ang pagkakaibigang sinimulan
Nang isang samahan sa hukbong sandatahan.

You might also like