Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1922

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


S.Y. 2014 2015
Unang Markahang Pagsusulit
Filipino 10
Pangalan: _______________________________________ Petsa: _________________ Iskor:
Guro: ___________________________ Taon at Pangkat: ____________________ Reyting: ____________
I.

Pagbasa
Basahing mabuti ang seleksyon sa ibaba.
Babang-Luksa
(Tulang Pampango)
Ni Diosdado Macapagal
Salin ni Olivia P Dantes
Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw
Tila kahapon lang nang ika'y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di - malilimutan.

Marahil tinubos ka ni bathala


Upang sa isipa'y hindi ka tumanda;
At ang larawan mo sa puso ko't diwa
Ay manatiling maganda at bata.

Kung ako'y nasa pook na limit dalawin


Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa'y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo'y
magkapiling.

Sa paraang ito kung nagkaedad na


Ang puting buok ko'y di mo makikita
At ang larawan kong tandang tanda mo
pa
Yaong kabataan taglay na tuwina

Kung minsan sadya kong dalawin ang


bahay
Na kung saan unang tayo'y nag-ibigan;
Sa bakura't bahay , sa lahat ng lugar,
Itong kaluluwa'y hinahanap ikaw.

At dahil nga rito, ang pagmamahalan


Ay hanggang matapos ang kabataan,
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang-hanggan.

Sa matandang bahay napuno ng saya


Sa araw na iyo'y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit , kung nababalik
pa
Ang ipapalit ko'y ang aking hininga.
Bakit ba, mahal ko, kay- agang lumisan
At iniwan akong sawing - kapalaran

Kaya, aking , mahal , sa iyong


pagpanaw
Tayo'y nagtagumpay sa dupok ng
buhay,
Ang ating pagsintang masidhi't
marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan
Ang kaugalian ng ninuno natin

A. Pagasagot sa Tiyak na Tanong


Sagutin ang mga tanong batay sa binasang tula. Isulat ang sagot sa patlang.
_____________________________ 1. Anong bagay ang ginugunita ng may-akda nang isulat
niya ang tula?
_____________________________ 2. Gaano katagal bago isagawa ang bagay na tinutukoy sa
bilang 1?

_____________________________ 3. Anong bagay ang dinalaw niya na lubhang nagpaalala sa


masasayang araw na pinagsaluhan nila?
_____________________________ 4. Sino ang tinutukoy niyang tumubos sa kabiyak upang
isipan niyay hindi ito tumanda?
_____________________________ 5. Sa taludtod na Bakit ba mahal ko, kay aging lumisan,
sino ang tinutukoy ng salitang mahal ko?
_____________________________ 6. Sa taludtod na At iniwan akong sawing-kapalaran, sino
ang nagpapalagay na siyay sawing-kapalaran?
_____________________________ 7. Anong bagay na simbulo ng pagtanda ang sinasabi
niyang hindi na makikita ng namayapa niyang asawa?
_____________________________ 8.
Sa taludtod na Tayoy nagtagumpay sa dupok ng
buhay, sino-sino ang tinutukoy sa panghalip na tayo?
_____________________________ 9.
____________________________ 10. Ano ang pangkalahatang tema ng tula?
II.

Talasalitaan
Isulat sa kahon ang KH kung ang dalawang salitang magkatambal ay
magkasingkahulugan at KS kung magkasalungat.
11.
12.
13.
14.

matanda bagong-tao
braso - bisig
hihimasin papalisin
nagmumungot - nakakangiti

15. mabuti buktot

III.

16. hungkag - makabuluhan


17. malugod kasiya-siya
18. lumbay - paninimdim
19. ambisyon pangarap
20. bantog sikat

Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng idyomang nasa HANAY A. Titik na


lamang ang isulat.
Hanay A
21. ikapitong langit
22. lagot ang pisi

Hanay B
a. galit na galit
b. kaawa-awa

23. umuusok ang tuktok

c. malaking katuwan

24. pabalat-bunga

d. naubusan ng pera

25. basang sisiw

e. hindi totoo

IV.

Pagkilala sa mga Katawagan


Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang.
_____________ 26. Gamit ang pagdulog na ito, mahihinuha ang kalagayan ng lipunan
nang isulat ang kathang ito.
_____________ 27. Binibigyang-pansin ang kaisahan ng mga bahagi at ang
pagkakabuo nito kaysa sa nilalaman.
_____________ 28. Sinusuri kung ang panitikan ay pantay ang turing sa babae at
lalaki, at walang nagaganap na exploitation sa parte ng
kababaihan.
_____________ 29. Gamit ang pagdulog na ito, mahihinuha kung ano ang takbo ng
isip at nararamdaman ng may-akda.
_____________ 30. Binibigyang-halaga nito ang tunggalian sa pagitan ng dalawang
magkasalungat na puwersa.
_____________ 31. Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao higit sa
lahat.
_____________ 32. Sinusuri ang panitikan kung naipahahayag ang mensahe gamit
ang mga tiyak na larawang biswal.
_____________ 33. Sinusuri kung ang panitikan ay nagpapahalaga sa kaayusan,
disiplina, at moralidad.

_____________ 34. Sinusuri kung ang panitikan ay gumagamit ng modelong


sumasagisag sa isang kaisipan.
_____________ 35. Ipinakikita na ang tao ay malayang magpasiya para sa kanyang
sarili.

V.

Sikolohikal

Imahismo

Humanismo

Eksistensyalismo

Formalismo

Feminismo

Marxismo

Arketipo

Sosyolohikal

Moralistiko
Pagsusunod-sunod
ng Pangyayari
Isaayos ang mga pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod sa dulang Ito
Pala ang Inyo.
Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ang mga patlang. (Bilang 36 - 45)

_______ Ayaw magbihis ni Clarita sa nag-iisang silid ng bahay ni Alberto sapagkat


bukas na bukas iyon.
_______ Bitbit ang maleta de biyahe ay gayak nang pabalik ng Maynila si Clarita
dahil sa sukdulang galit sa mga natuklasang ipinaglihim ng asawa habang
habul-habol naman siya ni Alberto na hinahabol naman ng apat na anak.
_______ Dumating ang Tiya ISyang ni Alberto at dito rin nalaman ni Clarita ang
pinakamatinding lihim ng napangasawa; isa pala itong biyudo na may apat
na anak.
_______ Sabik na sabik si Clarita sa pag-uwi sa bahay ng asawa na inaakala niyang
magiging paraiso.
_______ Nadismaya si Clarita nang makita ang munting bahay nina Alberto na
walang silid.
_______ Naghanap ng kasilyas si Clarita at nalaman niyang wala rin nito ang
napangasawa bagkus ay ang likod ng malalagong puno ng kawayan ang
kanilang ginagawang palikuran.
_______ Naghanap ng katre si Clarita subalit nasabi ng kanyang asawa na sa bahay
nitoy walang katre at sa sahig lamang sila natutulog.
_______ Nalaman ni Clarita na walang banyo ang bahay ng asawa at tanging sa
batalan lamang pwedeng maligo.
_______ Natuklasan ni Clarita na wala ring gripo ang bahay at kung kailangan ng
tubig ay dapat munang sumalok sa isang posong may kalahating kilometro
ang layo.
_______ Sa pag-upo ni Claritay biglang bumagsak ang lumang bangko kayat ang
babaey napalupasay sa sahig.
VI.

Liham-Pangalakal
Isaayos ang wastong pagkakasunod-sunod ng bahagi ng liham-pangalakal.
Gamitin ang pormat na Modified Block. (Bilang 46 - 55)

Sumasainyo,

Kagalang-galang na Alkalde:

Isang kaaya-ayang umaga po sa inyo. Ako po ay nagtapos ng high school noong


nakaraang Marso sa Cayetano Arellano High School. Kasalukuyan po akong nag-aaral ng
kolehiyo sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Wala na po akong mga magulang,
tanging ang mapagmahal ko lamang po na lolo ang nagpapaaral sa akin na may
katandaan na. Hindi na po ganun kadali ang buhay para sa amin, lalo na po sa lolo kong
kinakayang magtrabaho para lamang makapagpatuloy ako ng pag-aaral.

Gilbert Opea

G. Joseph E. Estrada
Alkalde
Lungsod ng Maynila
Tondo, Maynila

Nais ko po sanang humiling sa inyo na kung maaari pong mabigyan ako ng part-time job
sa inyong tanggapan. Gusto ko po sanang makapag-ipon upang makatulong sa aking lolo
na nahihirapan dahil sa aking pag-aaral. Anuman pong trabaho ang maaari nyong ibigay
sa akin ay aking pagbubutihan at gagawin ang lahat ng aking makakaya. Maraming
salamat po sa anumang tulong na maibibigay ninyo sa akin. Tatanawin ko pong malaking
utang na loob.

3524 P. Del Rosario St.


Bo. Obrero, Tondo, Manila
Ika- 18 ng Agosto, 2014

VII.

Pag-iisa-isa
Ibigay ang hinihingi ng sumusunod.
Bahagi ng Liham-Pangalakal

Uri ng Tulang Liriko

56. ____________________________________________

62.

_________________________________________
57. ____________________________________________

63.

_________________________________________
58. ____________________________________________
59. ____________________________________________
Format ng Liham Pangalakal

Uri ng Tulang Pasalaysay


64.

__________________________________________
60. ____________________________________________

65.

__________________________________________
61. ____________________________________________
VIII. Mamili

ng isang akda at ibuod ito gamit ang semantika web. (Bilang 66 - 80 )


Ito Pala ang Inyo
Aanhin Ninyo Yan?
Sa Lupa ng Sariling Bayan

Pamagat

Simula

Tagpuan

Mga
Pangyayari
Tauhan

Wakas

Inihanda ni:
G. Marvin D. Sumalbag
Guro sa Filipino

You might also like