Bug Tong

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Alaga akong hayop, malaki ang mata kaysa tuhod.

(tutubi)
Napakalaki ng mata ng tutubi, alanganin sa nipis ng kanyang katawan.

Iisa na, kinuha pa. Ang natira ay dalawa. (tulya)


Ang tulya kung nakasara pa ay isa lang, pag nabuksan na ay dalawa na dahil sa
talukap nito.

Sa paa ay salat kung kaya't umuusad lang, bahay na ubod ng bigat kanya pang pasan. (kuhol)
Ang kuhol ay may nakalaking bahay na dala-dala samantalang, napakaliit lamang
niya. Kadalasan, hirap makagalaw o maka-usad ang kuhol.

Naghain na si Lolo, unang dumulog ay tukso. (langaw)


Kadalasan sa hapag-kainan mas nauuna pa ang mga langaw na dumadapo sa pagkain,
mga tuksong insekto na nakakainis.

Mga sagot sa ating bugtong:

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa


humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y
pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot
na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong
buhay.
Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko
kahit saan.
Sagot: anino
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay
dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang
mga pari.
Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligidaligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo
nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa
sa tulay.
Sagot: kubyertos

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung


sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
12. Maliit pa si kumare, marunong ng
humuni.
Sagot: kuliglig
13. Baka ko sa palupandan, unga'y
nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. May bintana nguni't walang
bubungan,
may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa
tasa.
Sagot: kasoy
17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit
ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang
nararating.
Sagot: mga mata
19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa
rin makita.
Sagot: tenga
20. Sa maling kalabit, may buhay na
kapalit.
Sagot: baril
21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban

ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
22. Hindi tao, hindi hayop, kung
uminom ay salup-salop.
Sagot: batya

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.


Sagot: kamiseta
24. Buto't balat na malapad, kay galing
kung lumipad.
Sagot: saraggola
25. Lumuluha walang mata, lumalakad
walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
26. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote

27. May puno walang bunga, may dahon


walang sanga.
Sagot: sandok
28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang
matsing.
Sagot: kampana o batingaw
29. Yumuko man ang reyna, di
malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang
mukha'y nakaharap pa.
Sagot: balimbing
31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: posporo

You might also like