Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Filipino Broadcasting Script

Prepared by: Ashlyn Natal


BAHA
Patalastas
Inay! Inay! Pinasok na tayo ng baha! Ang mga libro ko inay! Ang mga gamit ko sa
eskwela!
Halika na anak! Huwag mo nang intindihin iyan. Buhay natin ang mahalaga!
Narrator: iligtas ang buhay, umiwas sa baha! Kung walang baha ligtas ang buhay.
Ang patalastas na ito ay hatid sa inyo ng meralco (sing: "Maliwanag ang Buhay")
Time Check
Oras! Ika _____ ng _____
Reporting
Magandang umaga / hapon Dominicans! Ngayon pag-uusapan natin ang isa sa
pinakamalaking suliranin ng ating bansa. Ito ay ang pagBAHA!
All - dahil sa panahon ng sakuna, laging tandaan, unahin ang kaligtasan, buhay
ay mahalaga!
Tama ka diyan ____! Alam nyo bang hindi lamang sa kamaynilaan nagaganap ang
pagbaha bagkus hanggang sa buong Pilipinas?
Oo! At ito ang dahilan kung bakit ang pagBAHA ay isa sa pinakamabigat na
suliranin ng bansa.
Teka muna! Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga
pagBAHA sa ating bansa?
Magandang tanong yan ____. Alam nyo isa sa mga pangunahing dahilan ng
pagBAHA ay ang walang disiplinang pagtatapon ng mga tao ng BASURA.
Tama! Hindi BASURA ang dahilan ng pagBAHA kundi ang kawalang disiplina
nating mga Pilipino.

Dahil sa pagtatapon ng mga basura sa kung saan saan, bumabara ito sa mga
daluyan ng tubig upang mag resulta sa malawakang pagbaha.
Maari ding ang maling pagtatayo ng mga inprasyraktura gaya ng mga gusali,
kalsada at tulau ang dahilan mg pagbaha.

Tama! Dahil kung wala tamang drainage at istraktura sa pagtayo nito, siguradong
magdudulot ito ng BAHA.
Hindi lamang ito ang nagdudulot ng pagBAHA pati na rin ang iligal na pag putol
ng mga punong kahoy at maging ang pag mimina.
Sumasang ayon ako sayo ____. Kung magpapatuloy ang pagBAHA marami pa ang
magiging sakunang kasunod nito.
Maaring mag dulot ng pagkasira ng mga ari-arian ang pagBAHA!
Natatandaan nyo pa ba na milyon milyong mga ari-arian ang nilalamon nang
pagbaha, maging sa ating agrikultura at mga pananim.
Maari ring magdulot ng iba't ibang karamdaman ang patuloy na pagBAHA gaya ng
sipon, lagnat at trangkaso.
Tama! Ang paglusong din naman sa BAHA kung ito at kontaminado ng mga dumi
ng daga at iba pang hayop ay nakapagdudulot ng sakit na leptospirosis at kung di
maaagapan ay maaaring bumawi ito ng buhay!
Nako! Sana naman ay masolusyunan na ng ating bansa ang suliraning ito! Ano
nga ba ang maaring mga solusyon sa pagbaha!
Para sakin, dapat matuto tayong mga Pilipino ng tamang disiplina lalong lalo na
sa pagtatapon ng basura sa tamang lugar.
At matuto tayong magbawas ng pagkonsumo sa mga bagay na di nabubulok tulad
ng mga plastic.
Tama! Dapat matuto tayo ng paggamit ng 3r's o ang reuse, reduce, recycle upang
malimitahan ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng mga basura.

Siguraduhin din nating tama at malinis ang nga drainage ng sting lugar lalong
lalo na ang mga ilog na pangunahing pagdadaluyan ng tubig baha.
At kunsakali mang magkaroo ng baha, ugaliin nating magsuot ng mga damit
pang-ulan tulad ng boots upang makaiwas sa sakit.
All - dahil sa panahon ng sakuna, laging tandaan, unahin ang kaligtasan, buhay
ay mahalaga!
Muli maraming salamat dominican!

You might also like