Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pupunta ang grupo sa barangay San Antonio upang alamin ang mga

bagay-bagay tungkol sa laki ng lupang nasasakupan nito, at kung saan


banda matatagpuan ang barangay na ito. Sa pag-alam ng heograpikal
at lokasyon ng Barangay San Antonio, aalamin rin namin kung anuano ba ang mga gusaling matatagpuan sa loob ng barangay na
nakatutulong sa pag-unlad nito at makilala bilang isa sa mga maaayos
na komunidad. Kukunin din dito ng aming grupo ang listahan ng mga
naitalang krimeng naganap sa taong 2010-2011 at ihahambing ito sa
kalapit nitong baranagay na tinatawag na Barangay Kapitolyo. Ito ang
siyang

aming

pagbabasehan

upang

makalikha

ng

tuwirang

impormasyon na mailalahad sa aming pag-aaral. Sa pagkuha din ng


listahan ng mga naitalang krimen, isasabay na rin namin ang pagalam at pag-interbyu sa mga opisyal at taong mapagkakatiwalaan
tungkol sa uri ng sistemang panseguridad na mayroon sila. Amin
naman naming silang makakapanayam lalung-lalo na ang kanilang
konsehal at pulis tungkol sa mga bagay at programa na kanilang
isinasagawa upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa loob
ng kanilang barangay. Isa-isa din naming silang iinterbyuhin tungkol
sa kanilang kaalaman pagdating sa mga ganitong bagay upang aming
malaman kung talaga nga bang karapat-dapat sila para sa pinasukan
nilang trabaho at kung talaga nga bang nakatutulong sila sa

pagpapanatili ng kaayusan sa loob ng Barangay San Antonio.


Magkakaroon din ng survey para sa mga taong nakatira sa Barangay
San Antonio tungkol sa kanilang kaalaman at pananaw sa kaligtasan
ng bawat tao sa kanilang barangay. Mayroon din ng labinlimang
katanungunan na siyang aming ipapasagot sa dawalamput limang
katao sa Brangay San Antonio tungkol sa seguridad ng kanilang
barangay. Sa mga paraang ito mapapatunayan ng grupo kung ligtas
nga ba talaga at may organisadong sistemang panseguridad ang
Barangay San Antonio tulad na lamang ng sinasabi ng nakararami.

You might also like