Pag-Ibig Sa Tinubuang Lupa (Poem) - 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ni Andres Bonifacio
1
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

2
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
At isa-isahing talastasing pilit
Ang salitat buhay na limbag at titik
Ng sangkatauhan itoy namamasid.
3
Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
Sa tapat na puso ng sinot alinman,
Imbit taong-gubat, maralitat mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang.
4
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat;
Umawit, tumula, kumathat sumulat,
Kalakhan din niyay isinisiwalat.
5
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop:
Dugo, yaman, dunong, katiisat pagod,
Buhay may abuting magkalagot-lagot.
6
Bakit? Alin ito na sakdal nang laki
Na hinahandugan ng buong pagkasi?
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?
7
Ay! Itoy ang Inang Bayang tinubuan,
Siyay inat tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan.

8
Sa kaniyay utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayot hirap.
9
Kalakip din nitoy pag-ibig sa Bayan
Ang lahat ng lalong sa gunitay mahal
Mula sa masayat gasong kasanggulan
Hanggang sa kataway mapasalibingan.
10
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?
11
At ang balang kahoy at ang balang sanga
Ng parang nyat gubat na kaaya-aya,
Sukat ang makitat sasaalaala
Ang inat ang giliw, lumipas na saya.
12
Tubig nyang malinaw na anakiy bubog,
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,
Malambot na huni ng matuling agos,
Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.
13
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita may laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaalat inaasam-asam
Kundi ang makitay lupang tinubuan.
14
Pati ng magdusat sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa Bayan
At lalong maghirap, O! himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanyay alay.
15
Kung ang Bayang itoy nasasapanganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niyay tatalikdang pilit.
16
Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan
Ay nilapastangan at niyuyurakan

Katuwiran, puri niyat kamahalan


Ng sama ng lilong taga-ibang bayan.
17
Di gaano kaya ang paghihinagpis
Ng pusong Tagalog sa puring nilait?
Aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?
18
Saan magbubuhat ang paghinay-hinay
Sa paghihigantit gumugol ng buhay
Kung wala ding iba na kasasadlakan
Kundi ang lugami sa kaalipinan?
19
Kung ang pagkabaon nyat pagkabusabos
Sa lusak ng sayat tunay na pag-ayop,
Supil ng panghampas, tanikalang gapos
At luha na lamang ang pinaaagos?
20
Sa kaniyang anyoy sino ang tutunghay
Na di aakayin sa gawang magdamdam?
Pusong naglilipak sa pagkasukaban
Ang hindi gumugol ng dugo at buhay.
21
Mangyayari kaya na itoy masulyap
Ng mga Tagalog at hindi lumingap
Sa naghihingalong Inang nasa yapak
Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?
22
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Bayay inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang itoy mapanuod?
23
Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos na kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo nat ibigin ang naabang Bayan.
24
Kayong natuyan na sa kapapasakit
Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
Muling pabalungit tunay na pag-ibig
Kusang ibulalas sa Bayang piniit.
25

Kayong nalagasan ng bungat bulaklak,


Kahoy nyaring buhay na nilantat sukat
Ng bala-balakit makapal na hirap,
Muling manariwat sa Bayay lumiyag.
26
Kayong mga pusong kusang napapagal
Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbangot Bayan ay itanghal
Agawin sa kuko ng mga sukaban.
27
Kayong mga dukhang walang tanging lasap
Kundi ang mabuhay sa dalitat hirap,
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
28
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
At hanggang may dugoy ubusang itigis
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Itoy kapalaran at tunay na langit.

Kung ang tinig mo`y


Di naririnig
Ano nga bang halaga
Ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing
Ay laging pabulong
Aanhin ko pa,
Dito sa mundo
Ang mga matang nakikita`y
Di totoo
May ngiti't luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit di natin isabog ang pagmamahal
Chorus:
Sundan mo nang tanaw ang buhay

Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay


Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan
sa palad mo
Di ba't ang gabi
ay mayroong wakas
Pagkatapos ng gabi ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
Chorus (2x)
sa palad mo...

Alin and Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English?


Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe (New Era Elementary School)
Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga magulang, mga guro at prinsipal
Mga panauhing pinagpipitaganan
Naririto ngayon sating paaralan.
Magandang umaga po, ang bating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Ikalimang baitang ang amin pong alay
Ipagmamalaki, isang balagtasan.
Wikang Filipino ay sariling wika
At ang wikang English ay wikang banyaga
Kapwa ginagamit ng may pang-unawa
Higit na mahalaga, alin na nga kaya?

Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala


Dalawang mahusay, maganda at batikang makata
Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.
Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran
Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald
At sa wikang English ang makakalaban
Bb. Lariza ng Grade V- Section one.
Wikang Filipino:
Sa puso at diwa, akoy Pilipino
Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko
May sariling wika, wikang Filipino
Na syang nagbubuklod sa sambayanan ko.
Wikang Filipino ay wikang panlahat
Ang ilaw at lakas ng tuwid na landas
Sa pagkakaisa naipahahayag
Mabisang kalasag tungo sa pag-unlad.
Wikang English:
Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig
Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit
Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.
Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa
Itoy mga pagbabagong Wikang English ang simula.
Wikang Filipino:
Alam nating sating mundo marami ng pagbabago
Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso
Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno
Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.
Sariling wika ay salamin nitong ating pagkatao

Matibay na pundasyon ng ating pagka-Pilipno


Isang wikang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago.
Wikang English:
Sapagkat itong English isang wikang unibersal
Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.
Kahit hindi ka nakatapos sa iyong pag-aaral
Kung mahusay kang mag-English sa call center ka mag-apply
Siguradong matatanggap at kikita rin kaagad
Kaya nga lang, mga dayuhang makukulit, kausap mo sa magdamag.
Wikang Filipino:
Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso
Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino
Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.
Wikang English:
Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino
Mahalaga rin ang English at yan ay nababatid mo
Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo
Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.
Lakandiwa:
Tama na, sukat na, mahuhusay na makata
Ang pagtatalo nyo ay hwag nang palawigin pa
Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya
Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?
Kaming tatlo ay narito, sa inyoy nagpapasalamat
Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang
Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang
Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.
PIYESA NG BALAGTASAN :)

DAPAT BA O HINDI DAPAT PALITAN NG F ANG P SA PILIPINAS ?


Ni : Bb. Winnaflor G. Gaspar
Pambansang Paaralang Sekundarya ng Batasan Hills
Lakandiwa :
Isang magandang araw pagbati ko sa inyo
mga kaibigang sa tanghalay naririto
sumandaling makinig, ilaan ang tainga nyo
sa isyung pagtatalunan nitong mga panauhin ko.
Kamakailan kasiy sumabog sa tanan
Isyung kayliit kung ating titingnan
Anot sa dami ng pwedeng pagtalunan
Hayat isang letray kanya-kanyang angilan
Dapat ba o di dapat na ating palitan
Ang ngalan ng bansang ating nakamulatan
Gawing F ang P ng Pilipinas sa palabaybayan
Isyung gumugulo panahon pa ni Magellan
Kayat upang matugunan ang ating agam-agam
Dalawang ekspertoy aking inimbitahan
ipagmamatigas kanilang pinapanigan
Kung F ang gagamitin o letrang Py pananatilihin
Itong aking katoto sa gawi kong kanan
Pilit sinasalungat itong kasaysayan
Di raw dapat ipilit ang ayaw ng sambayanan
Panatilihin ang letrang P na nakasanayan
Sa aking kaliway kanyang ipinagpipilitan
Mungkahing palitan ng F ang pangalan
Pagkat sa ortograpiyay naroroon naman
Upang bumagay sa panahong kasalukuyan.
Kayat bago pa magdilim itong ating tanghalan
Sa tindi ng pagsabog ng mga katwiran
Pingkian ng galing atin nang subukin
Tawagin ang panauhit magpakilala sa atin
Sang-ayon:
Magandang araw mga kabaro kong naniniwala sa pagbabago
________________ ang sa inyoy sumasaludo
Sumasang-ayong palitan ang P sa Pilipinas na ispeling
F ang nararapat na ating gamitin
Di-sang-ayon:

Isang mapagpalang umagang may ngiti sa aking labi


_______________ ang sa inyoy bumabati
Letrang F ay di ko nais ipalit
Sa letrang P ng Pilipinas, akin itong igigiit
Lakandiwa:
Di pa man naglalaoy tila sili sa anghang
Pagpapakilala pa lang ay agad ang singhalan
Paano pa kaya kapag tagisay sinimulan
Huwag sanang delubyo umabot sa tanghalan
At upang mapakinggan unang tindig ng sa kanan
Panig ng sang-ayon sa pagpalit ng pangalan
Kanyang ipagtatanggol umabot man sa kung saan
Atin siyang patindigin sa matunog na palakpakan!
Sang-ayon:
Noong taong 1548 bansa natin ay pinangalanan
Kastilang si Villalobos, orihinal niyang binansagan
Filipinas ay kinilala, sunod sa hari ng Espanya
Kasaysayang walang duda, katotohanang talaga
Taong 1565 nang dumating naman si Legaspi
Hanggang sa panahon ng bayaning si Mabini
Patuloy itong ginamit upang ating makamit
Kalayaang minimithi sa nang-aaliping lahi
Unang republika rin dito sa asya ay ginaya
Filipinas opisyal na tawag nila
Bansang nangunguna sa kaunlaran baga
Bakit di makita ang kanyang halaga?
Sinasabing ang wika ay buhay at nagbabago
Kaya ngat alpabeto ay tila tao
Bakit gagamit ng abakada ni lolo
Kung sa ortograpiyay higit kang aasenso?
Sa abakaday walang hiram na letra
Sa gramatika at panitikang ating binabasa
Limitadong-limitado sa kaalaman sana
Na magbubuklod sa atin sa kasaysayang sinta

Kayat mga tagapakinig, inyo nang susugan


Letrang F sa Pilipinas, tanggapin nang lubusan
Tandaan walong letra ginagamit na natin
Filipinas ang siyang dapat tangkilikin

Di-sang-ayon:
Mga kaibigan huwag nyo siyang pakinggan
Utak niyay nahaluan na ng pagkadayuhan
Pilit niyang tinatangkilik mga letrang hiniram
Kasaysayan ang dahilan, sapat nga bang batayan?
Nakasanayan na nating bigkasin ang ngalang Pilipinas
Bakit kailangan pang baguhin ang bigkas
Fifilifitin ba natin ang bawat igkas
Ng dilang di magkandatuto sa salitang Filipinas?
Pinanghahawakan moy datos lamang ng kasaysayan
Noong panahon ng kastila at himagsikan
Lope K. Santos di bat bahagi rin naman
Na siyang unang nag-ayos ng abakadang tinuran
Ang baybay F sa Pilipinas mong ipinangalan
Wala sa Abakada nong panahon mong pinangangalandakan
Kayat minarapat ni Santos na itoy palitan
Pagkat nagugunita lamang sa kastilay kaapihan.
Lakandiwa :
Mukhang nagkakainitan na ang dalawa nating matikas
Mga ideya nilay tila ginawang panghimagas
Paalala lang sa inyo mga ginoong magigilas
Itoy isa lamang tagisan sa dulas
Muli nating pakinggan kanilang sinususugan
Bawat isay handang katwiray ipaglaban
Kaibigang sang-ayon iyo nang simulan
Baka mo pa malimutan punto mo sa katagalan
Sang-ayon :
Di bat nagiging kumplikado at katawa-tawa
Patuloy na paggamit ng P sa Pilipinas baga
Gayong ang sinasabi ng konstitusyong 1973
Filipinong F ang makapangyayari
Bakit sa gayon Filipino ang wika ngunit Pilipinas ang bansa?
Kung Pilipino ang mamamayan wika at kultura
Abay saan galing ang tawag na Filipina?
Di bat mas praktikal na Filipinas ang itawag mo
At sa mamamayat wikay salitang Filipino?

Lakandiwa :
Matatalas at matitindi ang binitiwan nitong sang-ayon
Masasangga pa ba nitong salungat sa opinyon
Mga ipinukol na tuntunit batas
Paano babalikwas sa katwirang matatas ?
Hayo nat katwiran niyay salungatin
Kung di na kayay maari namang sabihin
Sumusuko ka nat huwag nang pakalimiin
Panig moy panindigan laban kung laban.
Di Sang-ayon :
Kung babaguhin man ating bansang pangalan
Bakit kailangang unang letra lang ang palitan
Dahil pagpapalit ng letray desisyong paurong
Ibabalik lang tayo sa nakalipas na panahon.
Ang sinasabi mong batas kanino ba nagmula?
Di bat sa mamamayan din na siyang lumagda
Kayat anumang bagay kung ayaw nilay walang bisa
Anong ipinagmamalaki mot pinagsasasalita?
Kung nais pa ng prowebay bakit di ka manood at magbasa
Nang ma-update ka sa sinasabi nila
Survey ng tv program na Umagang Kayganda
Ang may gustoy labing-isa, 89 porsyento ay kontra.
Kahit pa sa social media ikaw ay bumisita
Ang yahoo.com nagsurvey sa prefer nila
Philippines, Pilipinas o Filipinas baga
Baka di mo kayanin resultang nakaloloka
9 na porsyento sa Filipinas ang gusto
Beinte porsyento sa Pilipinas na ipinipilit ko
71 porsyento sa Philippines ang paborito
O, ano pang hirit ang sasabihin mo?
Lakandiwa :
Abay nakagugulat din pala itong di sang-ayon
Akala ko pa namay wala nang maitutugon
Yon palay may tinatagong survey ng institusyon
Na lalong nagpaapoy sa ating emosyon.
Pangatlong tindig, may aabangan pa ba?
Kung may sasabihin kayoy maghanda na
Ibunyag ang lahat, sa nariritong balana

Huwag nang mahiya, sang-ayon umuna ka


Sang-ayon:
Hindi naman basta-basta magbababa ng mandato
Ang KWF kung hindi siya seryoso
Sa saligang batas ngay hinayaan ninyo
Pambansang wikay tuluyang mabago
Bakit alfabetoy di natin gamitin
Upang makasabay sa kaunlaran man din
Paano na ang mga terminong pang-agham at siyensiya
Kung mananatiling gamit ay abakada?
Sa buong daigdig computer na ang gamit
Anong ita-type na letra kapag tumitipa?
Abakada sa computer pinaglumaan na
Sa globalisasyoy wala, pag-iiwanan ka
Di-sang-ayon:
Hindi naman kailangang alpabeto sa komersyo
Bakit ang Hapon at Tsina kay bilis ng asenso
Di naman gumagamit ng hiram na alpabeto?
Kayat di sukatan ang lenggwahe sa mundo
Wika nga natiy patuloy na nagbabago
Ngunit di katwiran pagpapalit ng alpabeto
Kung di sumasang-ayon mamamayat linggwista
Dahil yan ay minadali, hindi man lang kinonsulta
Di bat gastos lang at kalituhan
Ang idudulot sa ating mamamayan
Lagi na lang ibinababa itong ating wika
Na animoy segunda manong gamit ng madla
Sang-ayon:
Ang usaping pinansyal kaya nating palitan
Ngunit kasaysayan ay di dapat sinasayang
Wika nga ni Komisyuner Virgilio Almario
Mas mahalaga ang historical kaysa pinansyal
Di-sang-ayon:
Bakit ang kulit mo eh may tawag na tayo
Kahit anong pilit mo di nga namin gusto
Sang-ayon:
Kawawa ka naman kung sarado ang isipan
Para kang pagong na pinulot sa kangkungan

Di-sang-ayon:
Sabihin mo na ang gusto mong sabihin
Magpipiket pa rin kami, kanino mang komisyuner
Sang-ayon:
Ganyan nga ang ugali ng mababang uri
Ipinipilit ang mali matupad lang ang mithi
Di-sang-ayon:
Sino ang mas mababa kung bansay ipapariwara
Ng tulad mong kung mag-isip banyaga sa bansa
Lakandiwa:
Awat na mga katoto ulo niyoy palamigin
Huwag kalimutat inyong pakaisipin
Wala tayo rito upang kayoy pag-awayin
Bugso ng damdamiy inyo munang pakalmahin
Dalawang panig na narinig kapwa may katwiran
Sa bagay na kanilang pinagtatalunan
Kung nais nga namang umasenso ang bayan
Nararapat na bukas ang ating isipan
Ngunit kung ang pagbabago ayaw ng karamihan
Huwag maging diktador sa sariling bayan
Pagkat ang nakikita ng iisay kahangalan
Tagumpay kung susundin ang mamamayan
Kayat mga kaibigan atin ng tigilan
Baka san pa mapuntat kayoy magkainitan
Panig niyoy naipahatid ng may kagalingan
Akoy taas noong sa inyoy gumagalang
Kayat mga kaibigat buong madlang tanan
Akin nang winawakasan itong ating balagtasan
Hiling ko ngayoy magbati at magkamayan
Iwan ang init ng ulo ditto sa tanghalan
At bago namin lisanin itong tanghalan
Ang hatol ko sa dalawang nagtagisan
Hayaang kunin ko sa madlang nakakaalam
Sabay-sabay nating ibigay tropeo ng palakpakan.
Lahat:
Dapat ba o di dapat palitan
Ng F ang P sa Pilipinas?
Piyesa Sabayang Pagbigkas

WIKANG FILIPINO
SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA
ni Pat V. Villafuerte
Bawat buhay, masayat malungkot, magulot makulay
ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan;
mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan
maging sa paglaki hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig:
ng mga paham, syentipiko, mananaliksik,
o ng mga guro, doktor, abogado, mangingisdat magbubukid
bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit:
ang mailuklok ang pangalan na kasintayog ng langit
at isama sa mga bituing di-masungkit-sungkit.
Iisa ang diwang kanilang pinapanday
iisa ang mithiing sa puso nilay bumubukal
iisa rin ang himig na kanilang hinihiyaw:
kamiy palayain o bayan kong minamahal.
A, oo nga pala
bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata
may busal ang bibig, may gapos-tanikala
Silay mga buhay ngunit di-humihinga
sila ang larawan ng masang hinahamak, lumuluha, nagdurusa.
Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon
may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala
may tagisan ng matuwid,
maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkat
tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumabalangkas.
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
wikang Filipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao.
wikang naglalagos sa isipang makabansa
wikang nanunuot sa damdaming makalupa.
At,
paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
hinihiling ay kalayaan! katarungan! katarungan! kalayaan!

Ah,
hanggang kailan susukatin?
hanggang kailan bubuhayin?
hanggang kailan maaangkin?

Layang mangusap, layang sumulat


layang mamuhay, layang manalig
layang humalakhak, layang maghimagsik
maghimagsik! maghimagsik! maghimagsik!
Kasaysayan palay mababago isang saglit
sa dakong silangan . . . doon sa silangan
ang sikat ng araw . . . sumilip, sumikat, uminit
naantig ang diwang inaliping higit
tumibok ang pusong dating di-humihibik
nagising ang ugat ng hapong mga bisig.
bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig
ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib.
sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid
sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsat tumindig.
lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng daigdig!
laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.
Pangkat-pangkat, sama-sama. kapit-bisig bawat isa
kilalat di-kilala, kaaway at di-kaaway, mayamat mahirap,
matalinot mangmang, aktibistat militar.
nagkaisang ganap sa isang mithiing kapanga-pangarap.
propesyonal at di-propesyonal, manggagawa, kawani, guro,
mangangalakal, estudyante, iskolar, istambay, sundalo,
pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat magbubukid.
nagkaisa,nagkasama, nagkasama, nagkaisa.
Ang wikang ginamit? Wikang Filipino!
wikang ginagamit sa lahat ng dako
ma-Tagalog, ma-Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano,
ma-Kapampangan, ma-Ilonggo, ma-Waray, ma-Bikolano
ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng itoy Filipino!
wika ng pagkakaisa, kababayan mat dayo
wikang tagapagligtas ng digmaat gulo
wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

You might also like