Mga Pandiwa - Kaganapan, Pokus at Aspekto

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

MGA KAGANAPAN

NG PANDIWA

Kaganapan ng Pandiwa ang


tawag sa bahagi ng panaguri na
bumubuo o nagbibigay ng ganap
na kahulugan sa pandiwa at
magagawang
paksa
ng
pangungusap kung babaguhin
ang pokus ng pandiwa.

May pitong uri ng kaganapan ang pandiwa:


1. kaganapang tagaganap ng pandiwa
2. kaganapang layon ng pandiwa
3. kaganapang tagatanggap o di-tuwirang
layon ng bagay na isinasaad sa pandiwa
4. kaganapang ganapan ng kilos ng pandiwa
5. kaganapang kagamitan sa kilos ng pandiwa
6. kaganapang sanhi ng isinasaad ng pandiwa
7. kaganapang direksyunal o yaong nagsasaad
ng direksyon ng kilos ng pandiwa

(1) Ang kaganapang tagaganap ay bahagi ng


panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Halimbawa:
Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang
anibersaryo ng kanilang samahang pansibiko.
Ang pariralang ng mga kabataan ay siyang
nagsasaad kung sino ang gumaganap ng kilos
ng pandiwa.

(2) Ang kaganapang layon ay ang nagsasaad


kung ano ang bagay o mga bagay na tinutukoy
sa pandiwa.
Halimbawa:
Nagpasadya ako sa Paraaque ng binurdang
husi.
Ang pariralang ng binurdang husi
tinutukoy na pinasadya.

ang

(3) Ang kaganapang tagatanggap ay ang


nagsasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos
ng pandiwa.
Halimbawa:
Nagluto si Ingga ng halayang ube para sa aking
mga panauhin.
Ang pariralang para sa aking mga panauhin
ay nagsasaad kung para kanino ang nilutong
halayang ube.

(4) Ang kaganapang ganapan ay nagsasaad


ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Naglaro ng baketbol sa Rizal Stadium ang
koponan ng aming pamantasan.
Ang pariralang sa Rizal Stadium ay nagsasaad
kung saan naglaro ang koponan.

(5) Ang
kaganapang
kagamitan
ay
nagsasaad kung anong bagay, kagamitan o
instrumento ang ginamit upang magawa ang
kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Binungkal ng tatay ang lupa sa pamamagitan
ng asarol.
Ang pariralang sa pamamagitan ng asarol ay
nagsasaad kung ano ang ginamit upang
mabungkal ang lupa.

(6) Ang kaganapang sanhi ay nagsasaad


kung ano ang dahilan ng pagkakapangyari ng
kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Yumaman siya dahil sa mina ng langis.
Ang pariralang dahil sa mina ng langis ay
nagsasaad ng ikinayaman ng taong tinutukoy.

(7) Ang
kaganapang
direksyunal
ay
nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng
pandiwa.
Halimbawa:
Nagtungo sila sa Baguio.
Ang pariralang sa Baguio ay nagsasaad ng
direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.
Pansinin na, kaiba sa kaganapang ganapan, sa
kaganapang direksyunal ay may kilos mula sa
isang lugar patungo sa ibang lugar .

MGA POKUS NG
PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong


pansemantika ng pandiwa sa
simuno
o
paksa
ng
pangungusap. Naipakikita ito sa
pamamagitan ng taglay na
panlapi ng pandiwa.

Nagkakaroon ng ibat ibang pokus ang pandiwa


sa pusisyong pampaksa o pansimuno ng
pangungusap. Halimbawa, kapag ang kaganapang
tagaganap ay ginawang paksa o simuno, ang pokus
ng pandiwa ay pokus sa tagaganap.
Halimbawa:
Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang
anibersaryo ng kanilang samahang pansibiko.
Ang pariralang ng mga kabataan ay maaaring
gawing paksa o simuno, kayat ganito ang magiging
pangungusap:

(1) Nagdiwang ng unang anibersaryo ng


kanilang samahang pansibiko ang mga
kabataan.
o kaya
(2) Nagdiwang ang mga kabataan ng unang
anibersaryo ng kanilang samahang pansibiko.
o kaya
(3) Ang mga kabataan ay nagdiwang ng unang
anibersaryo ng kanilang samahang pansibiko.
Sa pangungusap na ito, ang pandiwang nagdiwang
ay nasa pokus sa tagaganap.

Kayat batay sa pitong kaganapan ng pandiwa,


mayroon tayong pito ring pokus ng pandiwa:
(1) pokus sa tagaganap
(2) pokus sa layon
(3) pokus sa ganapan
(4) pokus sa tagatanggap
(5) pokus sa gamit
(6) pokus sa sanhi
(7) pokus sa direksyon

Iminumungkahi ang mga sumusunod na


pormularyo upang higit na malinawan ang mga
transpormasyong nagaganap.
(1) pokus sa tagaganap panaguring nasa
pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Kumain ng suman ang bata.
(Ang bata ay kumain ng suman.)

(2) pokus sa layon panaguring nasa pokus sa


layon ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Kinain ng bata ang suman.
(Ang suman ay kinain ng bata.)

(3)
pokus sa tagatanggap panaguring nasa
pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Ibinili ko ng ilaw na kapis ang
pinsan kong nagbalikbayan.
(Ang pinsan kong nagbalikbayan
ay ibinili ko ng ilaw na kapis.)

(4) pokus sa ganapan panaguring nasa pokus


sa ganapan ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Pinagtamnan ng gulay ng aming
katulong ang bakuran.
(Ang bakuran ay pinagtamnan ng
gulay ng aming katulong.)

(5)
pokus sa kagamitan panaguring nasa
pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Ipinampunas ko ng kasangkapan
ang basahang malinis.
(Ang basahang malinis ang
ipinampunas ko ng kasangkapan.)

(6) pokus sa sanhi panaguring nasa pokus sa


sanhi ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Ipinagkasakit niya ang labis na
paghitit ng opyo.
(Ang labis na paghitit ng opyo ay
ipinagkasakit niya.)

(7)
pokus sa direksyon panaguring nasa
pokus sa direksyon ang pandiwa + paksa
Halimbawa: Pinagpasyalan ko ng aking mga
panauhing kabilang sa Peace
Corps
ang Tagaytay.
(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan
ko ng aking mga panauhing
kabilang sa
Peace Corps.)

Ang pagkakasunud-sunod ng mga salita sa pangungusap ay


maaaring mabago nang hindi naiiba ang kahulugan
ng
pangungusap. Sa ganitong pagbabago ay nananatili ang anyo ng
pokus ng pandiwa.
Halimbawa:
1
2
3
Kumain / ng suman / ang bata.
ay masasabi ring
1
3
2
Kumain / ang bata / ng suman.
o kaya ay
3
1
2
Ang bata / ay / kumain / ng suman.

Katuturan ng Ibat Ibang Pokus ng Pandiwa


(a) Pokus sa Tagaganap
Ang pandiwa ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa
ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad sa pandiwa.
Ang mga pangunahing panlaping nasa pokus sa tagaganap ay
mag- at um-/ -um-.
Halimbawa:
Panlapi: (1) mag(2) um-/ -umPandiwa: (1) nagtayo
(2) kumain, umani
Tagaganap: (1) ang karpintero (2) siya
Iba pang Sangkap: (1) ng bahay (2) ng mais
(1) Nagtayo ang karpintero ng bahay.
(2) Kumain siya ng mais.

Ang iba pang panlaping ginamit sa pagpapahayag ng pokus sa


tagaganap ay mang-, maka- at makapag-.
Halimbawa:
Panlapi: (1) mang- (2) maka- (3) makapagPandiwa: (1) Nanguha (2) Nakakita (3) Nakapaglaba
Tagaganap: (1) siya (2) sila
(3) ang bata
Iba pang Sangkap: (1) ng bulaklak (2) ng ahas (3) ng kumot
(1) Nanguha siya ng bulaklak.
(2) Nakakita sila ng ahas.
(3) Nakapaglaba ang bata ng kumot.

(b) Pokus sa Layon


Ang pandiwa ay nasa pokus sa layon kung ang layon ang
paksa o binibigyang-diin sa pangungusap. Ang mga panlaping
ginagamit sa pagpapahayag ng pokus sa layon ay makikita sa
mga sumusunod na halimbawa:
Panlapi: (1) i- (2) -an (3) ipa- (4) -in
Pandiwa: (1) Iluluto (2) Bantayan (3) Ipatapon (4) Diligin
Tagaganap: (1) nila (2) natin (3) mo (4) ninyo
Layon: (1) ang gulay (2) ang sinaing (3) ang basura
(4) ang halaman
(1) Iluluto nila ang gulay.
(2) Bantayan natin ang sinaing.
(3) Ipatapon mo ang basura.
(4) Diligin mo ang halaman.

(c) Pokus sa Ganapan


Ang pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung ang paksa ay
lugar o ganapang kilos. Ang panlaping ginagamit sa
pagpapahayag ng pokus sa ganapan ay makikita sa mga
sumusunod:
Panlapi: (1) -an (2) pag--an (3) mapag--an
(4) pang--an
Pandiwa: (1) Tinakpan (2) Pinaglutuan (3) Napagtamnan
(4) Pinangisdaan
Tagaganap: (1) niya (2) ko (3) nila (4) namin
Ganapan: (1) ang basurahan (2) ang kaldero (3) ang batuhan
(4) ang batis
(1) Tinakpan niya ang basurahan.
(2) Pinaglutuan ko ang kaldero.
(3) Napagtamnan nila ang batuhan.
(4) Pinangisdaan namin ang batis.

(d) Pokus sa Tagatanggap


Sa pandiwang nasa pokus ng tagatanggap,
ang
pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno ng pangungusap. Ang
mga panlaping ginamit ay makikita sa mga sumusunod:
Panlapi: (1) i- (2) ipang- (3) ipagPandiwa: (1) Ikuha (2) Ipanahi (3) Ipagluto
Tagaganap: (1) natin (2) mo (3) ninyo
Tagatanggap: (1) si Precy (2) si Elvie (3) ang nanay
Layon: (1) ng inumin (2) ng damit (3) ng sopas
(1) Ikuha natin si Precy ng inumin.
(2) Ipanahi mo si Elvie ng damit.
(3) Ipagluto ninyo ang nanay ng sopas.
Pansinin ang mga pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa
pandiwang ipanahi. Buhat sa ipangtahi ito ay naging ipantahi at
pagkatapos ay naging ipanahi.

(e) Pokus sa Gamit


Ang mga pandiwang may pokus sa gamit ay nagsasaad na
ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa
ay siyang simuno ng pangungusap. Ang panlaping ginagamit sa
pokus na ito ay makikita sa mga sumusunod:
Panlapi: (1) ipangPandiwa: (1) Ipangguhit
Tagaganap: (1) ninyo
Gamit: (1) ang lapis
(1) Ipangguhit ninyo ang lapis.

(f) Pokus sa Sanhi


Ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa ay
nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Nasa ibaba ang mga
panlaping ginagamit sa pokus sa sanhi:
Panlapi: (1) i- (2) ika- (3) ikapangPandiwa: (1) Iniluha (2) Ikinagalit (3) Ikinapamayat
Tagaganap: (1) niya (2) ni Rosa (3) ko
Sanhi: (1) ang pag-alis mo (2) ang biro niya
(3) ang pagkakasakit
(1) Iniluha niya ang pag-alis mo.
(2) Ikinagalit ni Rosa ang biro niya.
(3) Ikinapamayat ko ang pagkakasakit.

(g) Pokus sa Direksyon


Nasa pokus direksyunal ang pandiwa kung ang paksa ay
nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. Ang panlaping
ginagamit dito ay -an/-han.
Panlapi: (1) -an (2) -han
Pandiwa: (1) Pinasyalan (2) Pinuntahan
Tagaganap: (1) nila (2) namin
Direksyon: (1) ang bagong pamayanan (2) ang katimugan
(1) Pinasyalan nila ang bagong pamayanan.
(2) Pinuntahan namin ang katimugan.

MGA ASPEKTO NG
PANDIWA

Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na


nagsasaad kung naganap na o hindi pa
nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at
kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy
pa ang pagganap. Lahat ng pandiwang tagalog
ay nababanghay sa tatlong aspekto:
(a) Aspektong pangnakaraan o perpektibo
(b) Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo
(c) Aspektong panghinaharap o kontemplatibo

(a) Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo


Nagpapahayag ang aspektong pangnakaraan ng kilos na
nasimulan na at natapos na. Ang impleksyon sa aspektong ito
ay nabubuo sa pamamagitan ng mga sumusunod na tuntunin:
(1) Kapag ang panlapi ng pandiwa ay may inisyal na
ponemang /m/, ang /m/ ay nagiging /n/.
Halimbawa:
Anyong Pawatas Aspektong Pangnakaraan
magsaliksik
manghakot

nagsaliksik
nanghakot

(2) Kapag ang pandiwa ay banghay sa um-/-um-, ang


panlaping ito ay nananatili sa pangnakaraan. Samakatwid, ang
pawatas at ang anyong pangnakaraan ay walang pagkakaiba.
Halimbawa:
Anyong Pawatas Aspektong Pangnakaraan
umunlad
yumuko

umunlad
yumuko

(3) Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping -an/-han,


maging ito man ay nag-iisa o may kasamang panlapi, ang
-an/-han ay nananatili ngunit nadaragdagan ng unlaping inkung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig, at gitlaping -innaman kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig
Mga halimbawa:
Anyong Pawatas
alatan
sabihan

Aspektong Pangnakaraan

in- + alatan=
-in- + sabihan =

inalatan
sinabihan

Taliwas sa tuntuning ito ang -an/-han na may kakambal na


unlaping ma-. Kapag ang pandiwa ay banghay sa kabilaang
panlaping ma- -an/-han , ang -an/-han ay nananatili at ang
ma- ay nagiging na-.
Mga halimbawa:
Anyong Pawatas
matamaan
masabihan

Aspektong Pangnakaraan
natamaan
nasabihan

Dapat ding banggitin ang panlaping -in- na idinaragdag sa


anyong pangnakaraan ng mga pandiwang may -an/-han ay
nagiging ni- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /l/. Opsyonal
ang ganitong pagpapalit kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /r/,
/w/, o /y/.
Mga halimbawa:
Anyong Pawatas

Aspektong Pangnakaraan

lagutan
ni- + lagutan = nilagutan
regaluhan ni- + regaluhan =
-in- + regaluhan =
walisan ni- + walisan =
-in- + walisan =
yapakan ni- + yapakan =
-in-+ yapakan =

niregaluhan
rinegaluhan
niwalisan
winalisan
niyapakan
yinapakan

(4) Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping -in/-hin,


maging ito man ay nag-iisa o may kasamang iba pang uri ng
panlapi, ang hulaping -in/-hin ay nagiging unlaping in- kung
ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig at nagiging gitlaping
-in- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig.
Mga halimbawa:
Anyong Pawatas
antukin
anihin
patayin
buhatin

Aspektong Pangnakaraan

in-+antok
in- +ani
-in- + patay
-in- +buhat

=
=
=
=

inantok
inani
pinatay
binuhat

(b) Aspektong Perpektibong Katatapos


Sa pandiwang Tagalog ay mayroon ding aspektong
perpektibong katatapos. Nagsasaad ito ng kilos na katatapos
lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Maihahanay na rin
ang aspektong ito sa aspektong pangnakaraan. Lahat ng
kayarian sa aspektong katatapos lamang ay nabubuo sa
pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng
unang katinig-patinig o patinig ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
Anyong Pawatas
tumula
masulat
makalibot

Aspektong Katatapos
ka- +tu+tula=
ka- +su+sulat=
ka- +li +libot=

katutula
kasusulat
kalilibot

(c) Aspektong Pangkasalukuyan o Imperpektibo


Ang aspektong pangkasalukuhyan o imperpektibo ay nagpapahayag ng
kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang
ipinagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinigpatinig o unang patinig ng salitang-ugat at gayundin sa pamamagitan ng ibat
ibang tuntuning tinalakay sa sa ilalim ng aspektong perpektibo. Samakatwid,
ang aspektong pangkasalukuyan ay tulad din ng aspektong pangnagdaan;
inuulit lamang ang unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
Anyong
Pawatas

Aspektong
Pangnakaraan

magsaliksik
manghakot
yumuko
alatan

nagsaliksik
nanghakot
yumuko
inalatan

Aspektong
Pangkasalukuyan
nag-+ sa+ saliksik=
nang- + ha+ hakot=
-um-+ yu+ yuko=
in- + a + alatan=

nagsasaliksik
nanghahakot
yumuyuko
inaalatan

(c) Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo


Ang aspektong panghinaharap o kontemplatibo ay naglalarawan ng
kilos na hindi pa nasisimulan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng
unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat o pangngalang hango.
Walang pagbabago sa taglay na panlapi. Samakatwid, ang aspektong
panghinaharap ay tulad din ng anyong pawatas inuulit lamang ang unang
katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat. Ang tanging taliwas sa
tuntunin ay ang banghay sa um-/-um-. Ang panlaping um-/-um- ay nawawala
sa aspektong panghinaharap.
Mga halimbawa:
Anyong
Pawatas
magsaliksik
manghakot
yumuko
alatan

Aspektong
Panghinaharap
mag- +sa+saliksik=
mang- +ha+hakot =
yu+yuko
=
a+alatan
=

magsasaliksik
manghahakot
yuyuko
aalatan

You might also like