Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Wikang Pilipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa

ni Patrocinio Villafuerte
(Sabayang Pagbigkas)

Sa bawat panahon
Sa bawat kasaysayan
Sa bawat henerasyon
May palawakan ng isip
May palitan ng paniniwala
May tagisan ng matwid
Maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit
Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkat
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao
Wikang naglalagos sa isipang makabansa
Wikang nanunuot sa damdaming makalupa
At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
Hinihingiy Kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan!
Hanggang saan susukatin?
Hanggang kailan bubuhayin?
Hanggang kailan maaangkin?
Layang mangusap, layang sumulat
Layang mamuhay, layang manalig
Layang humahalakhak, layang mangarap,
Layang maghimagsik
Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik!
A, parang isang pangarap, parang isang panaginip
Kasaysayan palay mababago isang saglit
Sa dakong silangan doon sa silangan
Ang sikat ng araw sumilip, sumikat, uminit
Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid
Sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsat tumindig
Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!
Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapan-lupig
Batat matanda, propesyonal at di propesyonal
Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal
Mangigisdat magbubukid, pari, madre, iskolar
Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay
A, lahat-lahat na

Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas


Nagkakaisa, nagkasama
Nagkasama, nagkaisa
Mga bagong bayani ng Bagong Republika
At
Wala nang dapithapon
Wala nang takipsilim
Wala nang lungkot, takot, luha, dusat hinagpis
Wala nang tanda, ng dustang pagkalupig
Bagwis ng ibong datiy pinuyian sa tinid ng galit
Ngayoy nakalipad na umaawit, humuhuni, umaawit
Dahil malaya
Dahil sa wika
Dahil sa lakas
Bagong kalayaay naririto ngayon
At nakamit natin nang buong hinahon
Ni walang digmaat pinapanginoon
May mabuting nasang taga sa panahon
At kung sakaling magbalik muli
Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon
Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi
Ang sama-samang tinig
Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugot magkakapatid
Sama-samang gigising, magkakapit-bisig aalsat titindig
Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!

Mga Panuntunan sa Patimpalak ng Sabayang Pagbigkas

1. Ang paligsahan sa Sabayang Pagbigkas ay bukas sa lahat ng mag-aaral na


nasa ika-pito at ika-walong baitang ng Good Samaritan Colleges.
2. Ang bawat koponan ay kinakailangang may dalawamput lima o higit pang
bilang/kasapi.
3. Isang pyesa lamang ang gagamitin ng lahat ng koponan para sa sabayang
pagbigkas.
4. Inaasahan ang pagdalo ng mga koponan kalahating oras bago magsimula ang
paligsahan.
5. Ang durasyon ng sabayang pagbigkas ay hindi dapat bababa sa limang minuto
at hindi lalagpas ng labinlimang minuto.
6. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring
lumahok sa paligsahan.
7. Ang mga koponan ay maaaring magdala ng mga kagamitan o props liban sa
mga makasisira sa kaayusan ng entablado.
8. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na maaaring baguhin.

9. Ang lahat ng koponan ay makatatangap ng sertipiko ng pagsali.

Mga Pamantayan:

Masining na Ekspresyon
-

Kaisahan ng tinig

Koreograpiya

Kaayusan ng koponan
-

Pagkabisa sa pyesa

Kagamitan at props

Tindig at ayos

Hikayat sa madla

45%
25%
20%

45%
15%
10%
15%
5%

Kaangkupan
sa Tema at pyesa

10%
______

Kabuuan :

100%

Mga Panuntunan sa Patimpalak ng Say-Awit

1. Ang paligsahan sa Say-Awit ay bukas sa lahat ng mag-aaral na nasa ikasiyam at ika-sampung baitang ng Good Samaritan Colleges.
2. Ang bawat koponan ay kinakailangang may dalawampu hanggang
dalawamput limang miyembro lamang.
3. Maaaring gumamit ng minus one na tugtog ang bawat koponan
4. Inaasahan ang pagdalo ng mga koponan kalahating oras bago magsimula
ang paligsahan.
5. Ang durasyon ng say-awit ay hindi dapat bababa sa limang minuto at hindi
lalagpas ng walong minuto.
6. Ang koponan na hindi makararating sa takdang oras ay hindi na maaaring
lumahok sa paligsahan.
7. Ang mga koponan ay maaaring magdala ng mga kagamitan o props liban sa
mga makasisira sa kaayusan ng entablado.
8. Ang desisyon ng inampalan ay pinal at hindi na maaaring baguhin.
9. Ang lahat ng koponan ay makatatangap ng sertipiko ng pagsali.

Mga Pamantayan:

Pagsasagawa
(Execution and Delivery)

Orihinalidad ng skrip/liriko

20%

30%

Pagkamalikhain

10%

Kaangkupan
sa Tema

40%
______

Kabuuan :

100%

You might also like