Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Abayon, Mia Shannon B.

1-PSY01
Ang Kahulugan ng Tunay na Kagandahan
KAGANDAHAN NG PUSO
EN DA WINER IS Kontestang Number X! Plakadong Palakpakan! Pilit na ngiti. Klos ap. Ngiti.
Ngiti. Itoy linya mula sa tulang Litel Mis Pilipings ni Jim Agustin. Ipinakita ang
ginagampanang papel ng kagandahan sa mga beauty pageant o mga patimpalak na batayan ang
panlabas na anyo upang magwagi at makuha ang pansin ng mga tao. Ngunit hindi lamang sa mga
ganitong patimpalak isinasaalang-alang ang panlabas na kagandahan, kundi pati na rin sa ating
lipunan. Para sa nakararami, ang panlabas na anyo ang batayan ng kagandahan. Maganda ang
isang tao kapag taglay niya ang kaaya-ayang mukha at katawan. Samantala, panghuhusga naman
ang kadalasang tinatanggap ng mga taong hindi nabiyayaan ng ganun. Dahil dito, marami sa atin
ang naghangad at gumawa ng ibat-ibang paraan ng pag papaganda. Marami ang naging abala sa
paggamit ng mga colorete o make-up, gluta at pampakinis ng kutis, at pati ang pagpaparetoke sa
sikat na si Belo. Ngunit sa ating pagpapaganda, nakakalimutan natin kung ano nga ba ang
kahulugan ng tunay na kagandahan. Maaring matakpan ng colorete ang pekas sa mukha upang
maging maganda sa paningin ng nakararami, ngunit hindi kayang pagandahin ng colorete ang
nilalaman ng puso, sapagkat maaari lamang makamit ang kagandahang ito sa pamamagitan ng
malinis na budhi, magandang pag-uugali, at mabuting puso. Mahirap itong makamit, sapagkat
hindi madaling maging mabuti sa panahon ngayon dahil ang mundo ay puno ng kasakiman at
tukso. Mula rito, maaaring masabing mas maganda ang mga taong nagsikap upang makamit ang
ganitong uri ng kagandahan kaysa sa mga taong pinaganda lamang ng kanilang colorete at
retoke. Gaya ng sinabi ng soro sa prinsipe sa librong The Little Prince ni Antoine de SaintExupery, It is only with the heart that one can see rightly. What is essential is invisible to the
eye, Walang saysay ang kagandahang nakikita ng ating mga mata kung hindi natin taglay ang
kagandahan ng ating mga puso. Para sa mga taong taglay ang kagandahan ng kanilang mga puso,
hindi man alam at nakikita ng nakararami sa ating lipunan ang kagandahang ito, sa mata ng ating
Manlilikha, taglay ninyo ang kagandahang hindi kailanman mapapantayan ng anumang materyal
o panlabas na kagandahan.

You might also like