Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

bahagi ng katawan sa buong katawan at ito ay ang kalusugan.

Kailangang nakakabit ang


bawat bahagi ng katawan sa buong katawan upang makamit ang layuning ito.
Nangangahulugang makakamit ng tao ang kanyang personal na kabutihan sa pagiging
bahagi niya sa lipunan.

Naharap ka na ba sa isang sitwasyon kung saan mas nanaig ang


kabutihan ng nakararami kaysa sa kabutihang panlahat?
Nakasaksi ka na ba ng pagkakataon na may nagsakripisyong
iilang tao para lamang mapagbigyan ang mas nakararami?

Ayon naman kay John Rawls, isang mamimilosopiyang Amerikano, na ang


kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa
kapakinabangan ng lahat ng kasapi ng isang lipunan. Hindi ito isang mabilis na proseso at

DRAFT
March 31, 2014
hindi agarang makikita ang katuparan. Katulad ng adhikain ni Mathama Gandhi para sa
India, nakita niyang hindi ito magiging madali kaya itinalaga niya ang kaniyang sariling
maging halimbawa ng pagsisimula nito sa kaniyang sarili at ang paunang pakikibaka para sa

makatarungang pagbabahagi ng lahat ng bagay na nararapat para sa mga tao. Ang


paksang ito ay mas malalim na tatalakayin sa Modyul 3.

Binibigyang-linaw

Hindi kalayaan o
pagkakapantay-pantay ang
nararapat na manaig kundi
ang panlipunan at sibil na
pagkakaibigan, na palaging
nangangailangan ng
katarungan.

ding

ang

kabutihang

panlahat ay tumutukoy sa kabutihang naaayon sa


moralidad ng tao, naaayon sa Likas na Batas Moral.

Halimbawa, kung mangingibabaw ang kalayaan, lalo


kung hindi niya nauunawaan ang tunay na kahulugan
nito, masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil
mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang
kanyang naisin. Kung mangingibabaw naman ang

pagkakapantay-pantay, maaaring masakripisyo ang kabutihan ng indibidwal (de Torre, J.).


Halimbawa, kung may isang tao na nagtrabaho ng labindalawang oras at ang isa naman ay
nagtrabaho ng walong oras, masasakripisyo ang kabutihan ng taong nagtrabaho ng mas
mahabang oras kung pantay lamang ang kanilang sahod na matatanggap. Kung
magkagayon, hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kundi ang
panlipunan at pagkakapatiran, na palaging nangangailangan ng katarungan. Kaya nga
tungkulin ng lipunang matiyak ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga
karapatang nakabatay sa katarungan. Sa ganitong paraan makikitang posible ang pagkamit
ng kabutihang panlahat.

Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 9, Modyul 1

Pahina 12

You might also like