Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

AKO AY PILIPINO

Titik at Musika: George Canseco


Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
Chorus:
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako!

HIMNO NG PAARALANG ELEMENTARYA NG


CABCABEN
Titik: Bb. Marinette M. Ruiz
Musika: Richard M. Alboro / Arcangel Ma. Inton

Sintang paaralan, tanglaw ka ng bayan


Pagpupuri't pagpupugay ang aming alay.
Mga dakilang guro, lagi naming gabay
Karunungan sa amiy inilaan.
Paaralang Elementarya ng Cabcaben
Ika'y aming sandigan sa kaunlaran
Ang paglingap mo sa aming mga kabataan
Kayamanang taglay sa katagumpayan.
Kadakilaan mo'y siyang aming dangal
Pagmamahal na dulot sa 'mi'y habambuhay.
Aming dalangin sa Inang Paaralan:
"Pagpalain kang lagi magpakainlanman".
Paaralang Elementarya ng Cabcaben
Ika'y aming sandigan sa kaunlaran
Ang paglingap mo sa aming mga kabataan
Kayamanang taglay sa katagumpayan.
Kayamanang taglay sa katagumpayan.

AWIT NG REHIYON TATLO


Titik: A.L. Miranda / S.R. Imperio
Tugtugin: Salvador R. Imperio

Ang gitnang Luzoy katangi-tangi


Sa dibdib ng ating lahi
Siyay nangunguna sa lahat
Kung kaunlaran ang siyang hangad
Itong rehiyon tatloy pagka ibigin
Na siyang dangal ng bayan natin
Tanghalin siyat ating awitan
Kamanyang ating ialay
(ulitin ang simula)

MARIVELES MARCH
Titik at Musika: Enrique V. Liloc
Mayo 1, 1979

Mariveles, Mariveles pinagpala ng Maykapal


Ang ganda at yaman pag-asa ng bayan
May pang-akit at panghalina sa mga dayuhan
Mariveles, Mariveles tungo sa kaunlaran
Mariveles, Mariveles hanap buhay ay sagana
Ang simoy ay sariwa may samyo ng paglaya
May tanawin na pambihira pang-aliw sa kalungkutan
Mariveles tanyag saan man may bagong lipunan
Kay sarap manirahan dito sa aming bayan
Mariveles ngayon at kaylan manay hindi malilimutan
Mariveles, Mariveles pangarap ng karamihan
Binata at dalaga, mahirap at mayaman
Kahit malayo ang inyong bayansa ibayong dagat man
Mariveles, Mariveles nais masilayan
Mariveles, Mariveles
Isigaw ng mabuhaymabuhay!!!

Bataan Hymn
Titik at Musika:

Mr. Renato Dilig

Bataan, mutyang lalawigan


Handog ng Maykapal
Dakilang lupain na makasaysayan
Bataan langit sa piling mo
Ang kamiy mabuhay
Kasama ng aming mga kababayan
Sadyang pinagpala ng Poong may lalang
Ang dagat nyat lupa sagana sa yaman
Di ka malilimot kahit na nasaan
Na lagi kang mahal at ikararangal
Bataan taos naming hangad
Ang yong kaunlaran,
Tapat na layunin
Ikay paglingkuran
Talino at buhay aming iaalay
Ng dahil sa iyo mutyang lalawigan
Dasal namit hiling sa Dyos na Maykapal
Magpakailan pa man ikay patnubayan
Sa puso at diwa di ka mawawalay
Laging mamahalin habang nabubuhay
(Repeat the 2nd stanza)
CODA
Bataan Bataan Bataan

Pilipinas Kong Mahal


Titik: Francisco santiago
Musika: P. F. Jernegan
Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas Kong Mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin kong gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong Hirang

Lupang Hinirang

Titik: Jose Palma


Musika: Julian Felipe
Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso,
Sa Dibdib mo'y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma'y di magdidilim,
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo,
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo.

You might also like