Ang Kwintas

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

I.

Pamagat
Ang Kwintas
II.
Talambuhay
Pangalan: Guy de Maupassant
Nasyonalidad: French
Lugar ng kapanganakan: Lungsod ng Normandy Di Aibo
Petsa ng Kapanganakan: Agosto 5, 1850
Petsa ng kamatayan: Hulyo 6, 1893
Paaralan: Unibersidad ng Paris; Paaralan ng Batas
Si Maupassant ay napanganak sa Lungsod ng Normandy Di Aibo, sya ay
isang French. Sya ang panganay sakanilang pamilya. Ngunit ng labingisang taong gulang sya, naghiwalay ang kanyang mga magulang. Ng
maghiwalay ang kanyang mga magulang, silang dalawang magkapatid ay
nasa konstitusyon ng kanilang ina. Hindi na nila muling nakasama ang
kanilang ama kaya naman ang kanilang ina lamang ang tinitingala at
nakapag impluwensya ng malaki sakanilang magkapatid. Ang kanyang ina
ay magaling at mahilig sa literatura. Hanggang sa pumasok na sa mataas
na paaralan si Maupassant, nakilala at naging kaibigan nya si Flaubert na
isang guro. Si Guy de Maupassant ay isang produkto ni Flaubert. Si
Flaubert ang nakadiskubre at nagpasikat kay Maupassant dahil sa talento
nya sa pagsulat. Ang kanyang mga kwento ay madalas tungkol sa
ekonomiya ng istilo at walang kahirap hirap nyang nasusulat ang mga ito.
Nakasulat sya ng 300 na maiikling kwento, 6 na nobela, at tatlong libro.
Ang una nyang napalimbag na kwento ay ang Boule de Suif o Ball of Fat
na madalas nakikilala bilang pinakamaganda at pinakasikat nyang
kwento. Si Flaubert ang tumayong tagapag alaga ni Maupassant simula
noong magkakilala sila. Nakitaan kasi ng talento si Maupassant kaya
naman ayaw na itong palagpasin at sayangin ni Flaubert. Sya ang
nagpursigi na sumulat si Maupassant at sakanya na rin ito nakatira,
parang magpamilya na rin sila. Patuloy ang pagsikat ni Maupassant.
Dumami ng dumami ang nakakilala at nakakapansin ng kanyang mga
likhang kwento. Ngunit pagkatapos ng ilang taon, nagulo ang lahat. Si
Maupassant ay nagkaroon ng takot. Takot sa kamatayan kaya naman
nasira ang kanyang pokus sa pagsusulat.
III.
Tagpuan
Ang kwento ay naganap sa Paris. Ang napakaelegante at napakagandang
Lungsod ng mga ilaw. Doon din nya isinulat ang kwento. Ngayon, kailan
naman kaya? Naisulat nya ang kwento bandang 1880s. Hindi masyadong
detalyado ang tungkol sa damit, mga tao, o lugar sa kanyang kwento na
Ang Kwintas ngunit nasabi din dito na sa tahanan ni Mathilde naganap
ang ilang bahagi ng kwento. Meron din sa tahanan ni Mme. Forestier.
Nagpunta rin sila sa Palasyo ng Ministeryo para sa kasiyahan/handaan. At
pinakhuli, ang Palais Royal na tindahan ng mga alahas.
IV.

Simula

You might also like