Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Aking nakapanayam si Police Superintendent Amado A. Mendoza Jr. ng Plaridel Police Station.

Totoo po bang sa Kasalukuyan ay nasimulan na ang 1:1 police to pistol ratio?ang aking unang
tanong sa kanya. Ang sagot niya ay oo,sinisimulan na nila ang distribusyon ng mga bagong unit
ng 9mm na glock 17 pistols. Kaya lang hindi pa halos lahat ng pulis dahil kailangan pa daw ng
sapat na training upang sila ay maisyuhan ng baril. Nasolusyonan na daw ang problema nila sa
kakulangan ng armas at magagawa na nila ng mabuti ang kanilang trabaho.
Ang aking sunod na tanong ay kung ano-anu ang epekto ng programang PNP Modernization Act
sa kanilang mga nasa serbisyo. Ang sagot ni P/Supt. Mendoza ay maganda ang naging epekto
nito sa kanila dahil mas nadagdagan ang kanilng mga benepisyo. Ayon kay sa kanyang balita ay
magkakaroon pa daw ng pabahay para sa mga pulis. Bahagi din daw nito ang pagdadagdag ng
mga non uniformed personnel o NUP upang pumalit sa mga pulis sa mga gawaing
administratibo. Kasama rin sa programang ito ang pamamahagi ng baril sa kapulisan.
Nabanggit din niya ang programang PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030 o Peace and Order Agenda for
Transformation and Upholding of the Rule of the Law. Ang layunin daw ng programang ito ay
lalo pang mapaunlad ang mga kakayahan at ang paraan ng pagbibigay ng serbisyo ng mga pulis.
Kasama rin daw ditto ang pagsasaayos sa mga benepisyo ng pulis pati na rin ng kanilang
pamilya. Ang programang ito daw ay ang pangmatagalang solusyon sa kinakaharap na suliranin
ng ating kapulisan. Inaasahang sa taong 2030 ay magiging mas maunlad at epektibo na ang PNP
sa pagsugpo ng krimen.
Positibo ang kanilang reaksyon dito dahil mas napagtutuunan na daw ng pansin ng ating
gobyerno ang pangangailangan ng kanilang hanay. Dahil daw ditto ay mas magagampanan na
nila ng maayos ang kanilang tungkulin. Matatakot ng gumawa ng krimen ang mga masasamang
loob na magiging resulta sa pagbaba ng krimen sa ating bansa. Mas makikisigurado daw an
gating mga mamamayan na magiging ligtas sila. Kaya malaki ang pasasalamat nila sa
kasalukuyang administrasyon.
Isa sa suliraning kinakaharap ng ating bansa ay ang pambansang kapulisan. Sa nagdaang
panahon ay puno ng kakulangan ang mga tigapagpatupad ng batas kulang sa baril,bala ,sasakyan
at iba pa. Ito ngayon ay sinosolosyunan na ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng mga
programang tiyak na magiging epektibo. Patuloy pa sana ang pagpapaunlad at repormasyon sa
ating kapulisan upang mapanatili ang kaayusan sa ating lipunan. Ang seguridad ng mga
mamamayan ay nakasasalay sa maayos na pamamahala sa pambansang kapulisan.

REACTION PAPER
( Interview with police officer about PNP Modernization Act)

Ipinasa ni :
Froilan A. Macale.
BS Criminology III-A
Ipinasa kay:
Sir Shane Frias Velasco
Instruktor,Economics with Land Reform and Taxation

You might also like