Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Orukatu ng Republikang Saging

Isang araw, binisita si Orukato ng limang matsing na nanghihimok sa kanya na tumakbo sa


nalalapit na Halalang Pampurok. Katulad ito ng nangyari ilang lingo na ang nakaraan noong may walong
unggoy din ang bumisita sa kanya at nanghimok sa kanyang tumakbo.
Ang eleksyon sa kanila ay may kaibahan sa ating proseso kapag eleksyon. Sa kanila, tatawagin
isa-isa ang mga kandidato at ibabatay sa paramihan ng palakpak ang mananalo. Sa sistemang ito ay
madalas na nagkakaroon ng dayaan sapagkat mayroong mga bumibili ng palakpak.
Sa Sistema ng Republikang Saging, ang Estadong Matsing ang pinakamataas, pagkatapos ay ang
Estado ng mga Unggoy at panghuli ay ang Estado ng mga Tsonggo.
Sa totoo lang, hindi talaga nais ni Orukatu na tumanggo sapagkat alam na niya ang pagiging
madumi ng Sistema ng kanilang eleksyon. Noong siya dati ay isa pa lamang guro, nagging estudyante
niya ang mga anak ng mga pulitiko at nakita niya kung paano ang mga ito magtalo sa mga nagawa ng
kanilang pamilya. Ngunit kung iisipin, ang mga proyekto naman ng kanilang mga magulang ay para
lamang sa sarili nilang kapakanan at hindi para sa lahat.
Isang hapon, nakasalubong at nakausap ni Orukatu ang pinsang si Babakiko na nagbitiw bilang
isang guro upang maging Tagabo sa Isla Puting Bato. Mas malaki ng higit ang sinasahod niya kumpara sa
mga guro ng Republika ng Saging. Hinikayat ni Babakiko si Orukatu at iminulat sa kanya na wala nang
mangyayari sa kinabukasan niya sa Republika.
Nakumbinsi naman si Orukatu at tinalikuran na niya ang pagtakbo. Sumama na siya sa pinsan
upang maging Tagabo sa Isla ng Putting Bato.
Lura ng Demonyo
Noong unang panahon, may isang lalaking relihiyoso na taga Kyoto. Madalas siyang bumisita sa
Rokkaku-do para mag-alay ng panalangin kay Kannon-sama, Diyos ng Awa.
Isang araw, bispera ng Bagong Taon, binisita niya ang kaibigan. Madilim na siya ng pauwi.
Habang tumatawid sa isang tulay, nakakita siya ng maraming taong may dalang sulo. Akala niya noong
una ay mga tao iyon kayat nagtago siya sa ilalim ng tulay. Nagulat siya ng makita niya ng malapitan na
mga Oni (demonyo) pala ang mag iyon. Nahuli siya ng mga ito at sinabing hindi siya bagay kainin kayat
pinagduduraan siya ng mga ito at itinulak. Lumuwag naman ang kanyang pakiramdam sapagkat hindi
siya kinain.
Pagkauwi ng bahay, nagulat siya sapagkat hindi siya makita ni marinig ng mga anak at asawa.
Kayat wala siyang nagawa kundi ang maiyak. Sa kanyang pagtulog, napanaginipan niya ang isang paring
Buddhist na nagsabi sa kanyang ang sasabihin ng unang taong makakasalubong niya ay sundin niya
upang makabalik siya.
Pagkagising, may nakita siyang isang pastol. Sumunod siya rito at nagpunta sila sa bahay ng
isang may sakit na prinsesa. Inutusan siya ng pastol na paluin ng kahoy ang ulo ng prinsesa at ginawa
naman niya ito. Namilipit sa sakit ang prinsesa kayat nagpatawag ang mga magulang nito ng isapng pari.
Pinaalis ng pari ang masasamang espiritung nagpapahirap sa prinsesa. Nagulat ang lalaki ng bigla siyang
nagging tao dahil dito. Nagulat din lahat ng tao sa bahay ng prinsesa.
Masayang umuwi ng lalaki at nakasama ang kanyang pamilya. Gayunpaman, nanatiling
misteryoso ang identidad ng pastol na hanggang ngayon ay pinaniniwalaang espiritu pa rin.

Si Vicenteng Bingi
Isang bagyo ang tumama sa kabahayan ng nagsasalaysay. Malaki ang naging pinsalang dulot ng
bagyo. Ang ganitong eksena ang nagpaalala sa isang pagmamahal na naranasan ni Pepito na hindi niya
nagawang tumbasan.
Grade 2 lamang sila noon nang dumaan ang isang malakas na bagyo. Pagbukas ng pintuan nila ng
tatay niya (ng nagkukuwento) ay bumulaga sa kanila ang isang lalaking marumi, putikan. Tinulungan nila
ito at ginamot.
Isang araw ng gumaling ang lalaki, tinawag nila itong Vicenteng Bingi. Pinauwi ito ng tatay ng ni
Pepito ngunit umiling lamang ito. Dahil dito, nanatili na siya sa bahay ng nagsasalaysay. Habang nasa
bahay, naging mistula bodyguard si Vicente ng nagsalaysay. Sa lahat ng pagkakataon, lagi siyang kasama
ng nagkukuwento. Sinusoportahan lagi ni Vicente ang nagkukuwento. May mga pagkakataong sa
pakikipag-away ng nagkukuwento, si Vicente ang sumasalo ng sakit at bugbog.
Isang araw, gumawa na naman ng iskandalo si Pepito. Inapuyan niya ang buhok ng mga babae sa
lutrina. Nagdulot ito upang manlaban si Vicente upang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa huli, nakulong
si Vicente. Ang nagkukuwento naman ay dinala sa Seminario de San Javier upang matuto.
Pagkalabas sa seminario, hinanap niya si Vicente. Itinuro sa kanya ang isang libingan. Nang
makalabas daw si Vicente mula sa pagkakabilanggo, ibinuhos niya ang oras sa pagaalaga ng maraming
sisiw at kambing. Isang araw, dumating ang malakas na bagyo at nagkagulo-gulo ang mga kambing at
sisiw. Sinikap ni Vicente na hulihin ang lahat ng hayop upang itipon ngunit nagbunga ito upang
magkasakit ng Pulmonya si Vicente. Habang naghihingalo si Vicente, si Pepito pa rin ang kanyang
hinabilin sa ama ni Pepito.
Tumungo si Pepito sa puntod ni Vicente kung saan nakalagay ang VICENTE. Naiyak si Pepito.
Tumungo siya sa pari upang magkumpisal. Dito niya pinagsisihan lahat ng nagawa niyang mali.
Ate Belen
Ayon kay Ciriaco, ang kanyang kapatid na si Ate Belen ay tunay na mabait. Isusubo na lamang
niya ang pagkain, ibibigay pa sa kanya. Kaya mahal na mahal niya ang ate niya.
Ang kanilang ina ay isang sikat na artista noong araw. Dahil sa ganda, nagkaroon ang ina nila ng
anak sa apat na lalaki. Sa unang asawa ng kanilang ina na isang pulitiko, ay kapatid nila Ciricao si Uther.
Kinuha na siya ng kanyang ama. Sa pangalawang asawa naman ng kanyang ina na isang sundalong Kano,
kinuha na rin ang Kuya Mark niya ng aman nito. At sa panghuli, ang Ate Belen niya na anak ng isang
intsik. Tinangka rin siyang kunin ng ama niyang intsik ngunit nanlaban ang nanay niya. Sa pang-apat
naman na asawa ng kanyang ina, na ama ni Ciriaco, nagkakilala ang ama ni Ciriaco at nanay niya sa isang
dyip, nang minsay hindi alam kung saan pupunta ng magina (sanggol pa si Ate Belen) noon. Tsuper ang
nanay ni Akong.
Apat na taon pa lamang si Ciriaco nang mawala ang kanyang ama. Nalaman niya mula sa
kanyang ate na ang nanay niya sa tulong ni Tito Boggart na bagong kinakasama ng nanay niya ang
nagpatumba sa kanyang ama. Mayaman si Tito Boggart kahit ano mang yaman niya, hindi siya dama ng
magkapatid na Ciriaco at Ate Belen.
Ayon kay Ate Belen, isang baboy ang kanilang ina sapagkat hindi man lamang nila dama ang
pagaaruga nito sa kanila. Sa paaralan, mas proud pa si Ate Belen kay Ciriaco kumpara sa kanilang ina.

Isang araw, nagkasakit ang ina nila. Ayaw ipadala sa ospital ni Tito Boggart. Gumaling din ng
hindi lumaon ang kanilang ina, ngunit muli na naming nagkasakit. Napagalaman nilang mayroong AIDS
ang nanay nila. Gayunpaman, ipinakita nila ang pagmamahal sa ina. Inalagaan nila ito. Isang araw,
paguwi galling sa paaralan ni Akong, wala siyang nadatnat sa bahay. Nakita niyang tulog ang kanyang
ina pati ang mga kasambahay nila. Pagpunta niya sa kuwarto nila Tito Boggart, nakita niyang ginagahasa
ng Tito Boggart niya si Ate Belen.
Nabigla si Ciriaco at napakuha ng baril at naputukan ng tatlo si Boggart. Nang makita ito ng
nanay nila, inagawa ng baril sa kanila at ipinagtanggol pa ng nanay nila si Boggart. Tinangka silang
patayin ng nanay nila. Nakipagagawan sila ng baril sa nanay nila hanggang sa naputukan nila ito at
napatay.
Pagkatapos ng pangyayari, sinabi sa mga pahayagan na NAGPAKAMATAY ANG ISANG
BABAE MATAPOS NIYANG BARILIN ANG SARILING ASAWA. PAMBABABAE ANG
ITINUTURONG DAHILAN NG MGA PULIS.
Umuwi ng La Union ang magkapatid matapos ang trahedya. Ligtas na sila.

You might also like