Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Mga pangkat etniko sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang artikulong ito ay hindi sumisipi ng anumang sanggunian o pinagmulan. (Hunyo
2008)
Tumulong sa pagpaganda ng artikulo sa pagdagdag ng mga sipi sa mga makakatiwalaang pinagmulan.
Ang hindi matiyak na nilalaman ay maaaring mapagdudahan at matanggal.

Ang artikulong ito ay maaring nangangailangan ng pagsasaayos upang matugunan


ang pamantayan sa kalidad ng Wikipedia.
Maari po kayong makatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito. (Enero 2008)

Mga pangkat-etniko kasama ang pinakamaraming kasapi bawat lalawigan.


Ang iba't ibang mga pangkat-etniko sa Pilipinas ay kinikilala ang kanilang sarili sa isa o higit
pa na mga salik katulad ng lipi, wika, relihiyon o sa isang magkatulad na kasaysayan. Binubuo
ng malaking mayorya ng populasyon ng pangkat na ninirahan sa kapatagan na Austranesyano, at
naging Kristiyano mula sa pagiging Animismo, Hinduismo, Budismo o Islam sa loob ng tatlong
daang taon ng pananakop ng mga Kastila. Mula hilaga hanggang timog, ang pinakamarami sa
mga pangkat na ito ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga
Bikolano, at mga Bisaya. Sinasabi minsan na bahagi ang mga pangkat na ito sa lahing
Austranesyano at/o lahing Malay; bagaman, kadalasang tinuturing ng marami na walang
batayang pang-agham ang guhit-balangkas na nakabatay sa lahi, lalo na dahil sa tinuturing na
Pilipino ang mga Negrito sa Pilipinas.

Mga nilalaman

1 Mga pangkat ng Pilipino


2 Mga katutubong pangkat etniko
o

2.1 Pangunahing pangkat etniko

2.2 Pangkat etniko sa Luzon

2.2.1 Mangyan

2.2.2 Ifugao

2.2.3 Kalinga

2.2.4 Itawes

2.2.5 Kankana-ey

2.2.6 Ilonggo

2.2.7 Ibaloy

2.3 Isneg

2.3.1 Ivatan

2.4 Pangkat etniko sa Mindanao

2.4.1 Iranun

2.4.2 Maranao

2.4.3 T'boli

2.4.4 Tausug

2.4.5 Badjao

2.4.6 Subanen

2.4.7 Cuyunon

2.4.8 Bagobo

2.4.9 Yakan

2.5 Mga hindi-katutubong pangkat etniko

Mga pangkat ng Pilipino


Ang mga yamang tao ng bansang Pilipinas ay ang kanyang mamamayan. Pilipino ang tawag sa
kanila. Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. Iba't iba rin ang tawag sa kanila.

Isa sa mga ninuno ang mga Ita. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Karaniwang
nainirahan sila sa Luzon. Ito ay sa mga bung Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. May
naninirahan din sa mga bundok ng Panay at Negros. Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at
Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Matatagpuan sila sa Mountain Province. Ang mga Ifugao
ang nagtayo ng tanyag na hagdan-hagdang palayan dalawang libong taon na ang nakakaraan.
Ang isa pang pangkat ng Pilipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Karaniwang nakatira sila sa
bandang hilaga ng Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Naninirahan sila sa nga lugar na ito upang maghanapbuhay, mangalakal, o mag-asawa. Matitipid
at masisipag sila. Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugan ng Luzon ang mga Tagalog.
Sila ang pangalawa sa pinakamalaking pangkat ng Kristiyano sa Pilipinas. Kilala rin ang mga
Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sa kanila ay may panlabas
na anyo at paraan ng pamumuhay na payak at tulad pa rin ng ating mga ninuno. Iba-iba rin ang
pangkat ng Pilipino sa mga pulo ng Visayas. Isa na rito ang mga Cebuano na may
pinakamalaking pangkat na nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong awit na "Matud Nila" at
sayaw na Rosas Pandan. Taga-Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa katutubong
awit na Dandansoy at sayaw na Cariosa. Mga Waray naman ang pangkat ng Pilipino sa Leyte at
Samar. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Badjao, Maranao, Tausug, T'boli, at Manobo. Nakatira sa
baybay-dagat ang mga Badjao. Matatagpuan sila mula Zamboanga hanggang Sulu. Pangingisda
ang pangunahing hanap-buhay nila. Ang pangkat ng mga T'boli ay naninirahan sa Cotabato.
Pagsasaka ang pangunahing ikina-bubuhay nila. [Ang Pangkat ng Katutubong (etnikong)
dumagat sa Rizal at Quezon]- Ang pangkat ng katutubong ito ay di gaanong nakilala sa dahilang
sila ay ibinilang na katulad sa mga aeta at negrito sa Luzon.Ang pangkat na ito ay naninirahan sa
bulubunduking bahagi ng Rizal,.Bulacan,Laguna at Quezon na pawang bahagi ng kabundukan
ng SIERRA MADRE.Sila ay nahahati sa dalawang uri,ang una ay ang purong dumagat na
nanatiling nakatira at nakabahag sa mga nabanggit na mga kabundukan at ang ikalawa ay
tinatawag na redemtador o lahukang tagalog at dumagat na kilala sa katawagang
katutubo,nakatira sa mataong lipunan sa rizal at bahagi ng Quezon.Ang katutubong dumagat ay
isa sa natirang lahi ng tao sa pilipinas na nabibilang sa uri ng taong Indiya dahil sa pagkakaroon
ng kaugnayan ng mga salita at paniniwala nito sa matandang kabihasnan ng Indiya. Ang
katawagan sa kanila na DUMAGAT ay maaaring nagmula sa salitang
RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na isang maidadahilan na sila ang isa sa unang tao sa
luson na nakarating sa pamamagitan ng pagtawid sa tulay na lupa na nakadugsong sa Asya.Kung
susuriin ang isa sa sinaunang lahi ng tao dito sa kapuluang pilipinas ay nagmula sa indiya na
pinatunayan ng kasulatan sa tanso (Laguna Copperplate inscriptions 822 A.D,),ang ibayong pag
aaral ng kultura at wika ng pangkat na ito ay magpapatibay sa panunuring ito.Halimbawa ng
pangungusap sa dumagat ay ang salin sa "magandang umaga sa inyong lahat" -Masampat tabi
abi di kitam mapesan!Ayon sa kanilang pagkakaalam,ang salita nila ay nahahati sa dalawa-isang
pangkaraniwan at isang pang matanda o pangpitagan.Sa kasalukuyan tinawag itong "baybay"o
pangkaraniwan at "Mangni" o pampitagan.

Mga katutubong pangkat etniko


Pangunahing pangkat etniko

Mga Ilokano
Mga Pangasinense

Mga Kapampangan

Mga Bikolano

Mga Bisaya

Moro

Mga Tagalog

Pangkat etniko sa Luzon


Matatagpuan ang mga Tinguian sa bulubundukin ng Ilocos Sur at Ilocos Norte. Nagtatanim sila
ng palay sa mga kapatagan at sa mga bai-baitang na palayan. Mahilig sila sa musika, damit at
personal na palamuti. Naglalagay sila ng tatu at iniitiman ang ngipin upang akitin ang
napupusuan.
Naniniwala ang mga Tinguian sa pagkakaroon ng isang asawa lamang. Itinuturing nilang krimen
ang pagtataksil sa asawa at pinapatawan ng malaking multa ang sinumang muling nagtataksil.
Walang multa kung kusa ang paghihiwalay ng mag-asawa.
Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo.
Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang
tangkad.
May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang
ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan,
pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan
ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa
mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.
Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito.
Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.
Ifugao
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang
ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na
natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang
mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may
pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.

Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng
kanilang mga kamay. Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa
Cordillera, sa isla ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera
Administrative Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain
Province. Nag-iisang lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong
grupo sa parte ng mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o
Apayao), Kalinga, at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag,
matatag, at tapat sa kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng
iba ang kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa,
sapagkat ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang
Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.
Kalinga
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na
pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting alahas sa buong
katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring
magkaroon ng higit sa isang asawa ang isang Kalinga.
Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang
kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.
Itawes
Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa
mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag
na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan
kasama ang mga Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso, pangingisda,
paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.
Kankana-ey
Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng
hilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay
matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at
malalapit na probinsiya, samantalang ang iba naman ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng
Mountain Province at mga lalawigang malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang dalawang
pangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilang
kultura at paniniwala.
Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan
ng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ang pangangaso at pangingisda.
Hinuhuli nila ang usa at baboy damo sa pamamagitan ng aso at lambat.

Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na aristokrasya at ang mga matatanda ang
may malaking impluwensiya sa lipunan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang
pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang ama ang puno rito. Siya ang inaasahang
magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.
Ilonggo
Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan sa
kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o Ibilao.
Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga Negrito. Nagsasaka ng palay,
tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilonggo Nanghuhuli rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon
sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin ang mga produktong ito sa mga nasa
kapatagan.
Sumasamba sa maraming diyos ang mga Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw,
kaluluwa ng mga namatay at iba pang kaluluwa kalikasan.Ang mga katangian ng isang ilonggo
ay malumanay at malambing
Ibaloy
Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La
Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga Ibaloy
ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.
Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga
Ibaloy sa mga mabundok at mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng
mga Ibaloy. May pintuan itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang
kasanayan para sa pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng
bundok at pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.
Masisipag na magsasaka ang mga Ibaloy. Nagtatanim sila ng lahat ng uri ng gulay, strawberry at
mga prutas. Mga lalaki ang naghahabi ng basket.
Dati, ang tungtong o konseho na binubuo ng baknang o mayayamang pangkat at matatalino ang
nagpapasya sa pamayanan. May mga batas sila na sumasakop sa mga kaugalian sa kasal,
diborsiyo, pagmamana at mga krimen. Kinikilala rin nila ang kapangyarihan ng pambansang
pamahalaan.
Sa kasalukuyang panahon, nananatili pa rin ang kasal ng mga Ibaloy sa simbahang Katoliko
ngunit sinusunod pa rin nila ang kasunduan ng anak na ipakakasal. Sa handaan, tradisyong
Ibaloy pa rin ang nasusunod.

Isneg

Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao.
Karaniwan na sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog nagtatatag ng
pamayanan ang mga Isneg.
Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais,
kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang
ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang
buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito,
aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.
Naiiba ang anyo ng bahay ng mga Isneg sa mga bahay ng iba pang pangkat-etniko sa Cordillera.
Hugis-bangka ang bahay ng mga Isneg na kanilang tinatawag na binuron. Maraming pamilya ang
maaaring tumira sa binuron na may isang silid lamang.
Ivatan
Mga mamamayan ng Batanes ang mga Ivatan. Relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at
mapagkakatiwalaan ang mga Ivatan.[kailangan ng sanggunian] Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng
bakol, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng palmera.
Madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang mga bahay ng
mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon at apog. Mayroon itong maliliit na bintana.
Mga halamang-ugat ang kanilang itinatanim at ito rin ang kanilang pangunahing ikinabubuhay.
Sa kasalukuyan, marami na ring mga Ivatan ang nakatapos ng kursong tulad ng inhinyeriya,
medisina, edukasyon at iba pa.
Matatagpuan ang mga Isinay sa Aritao, Bayombong at Dupax sa Nueva Vizcaya. Katulad ng
mga Ivatan, hawig ang kanilang anyo sa mga Ainu ng bansang Hapon at nahahawig ang kanilang
wika sa Pangasinense. Nabibilang ito sa mga diyalekto ng Ilokano.
Kristiyano ang malaking bahagi ng populasyon ng mga Isinay. Bukod sa pagsasaka, isa pa rin sa
kanilang pangunahing ikinabubuhay ang paghabi ng tela.

Pangkat etniko sa Mindanao


Iranun
Ang Iranun ay isang etniko group na native sa Mindanao , sa Pilipinas, at ang kanlurang
baybayin ng Sabah , Malaysia ( kung saan sila ay matatagpuan sa 25 mga nayon sa paligid ng
Kota Belud at Lahad Datu distrito ; din sa Kudat at Likas , Kota Kinabalu ).
Para sa mga siglo , ang mga Iranun ay orihinal na mula sa Kasultanan ng Maguindanao , sa
timog Mindanao , ang Iranun colonies ay kumalat sa buong Mindanao , ang Sulu Archipelago at

sa hilaga at silangang baybayin ng Borneo . Karamihan sa Iranun ay mga Muslim . Ang kanilang
wika ay bahagi ng Austronesian pamilya , at pinaka malapit na nauugnay sa Maranao.
Iranun ay isa sa mga pinakalumang umiiral na tribung muslim sa Pilipinas. Iranuns ang mga
unang tao na pumasok sa isang kasal pagkakahawig sa Shariff Aulia at Shariff Kabunsuan . Bai
Sa Pandan ( Princess Pagunguwan , anak na babae ng Raha Urangguwan ) at Bai Angintabu ayon
sa pagkakabanggit. Ang kanilang matrimonyo kung saan si Sultan Kudarat isang Iranun ay
direktang nakuha ang kanyang linya sa kanila. Iranun ay isang lahi ng bansa sa pagitan ng
Karibang - Karingke Linya ng paglapag at huling mga Malay migrante. Ang unang pinuno ay si
Raha Urangguwan . Ang pangalan ng kanilang lugar ( estado) ay Uranen
Ang mga Iranun ay naninirahan sa Parang, Sultan Kudarat, Matanog, Buldon, Barira, Sultan
Mastura, Alamada at sa syudad ng Cotabato at Pagadian.
Maranao
Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao Lanao del Sur, Lanao del Norte,
Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung saan
hinango ang kanilang pangalan.
Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay
sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw
lamang ang pinapayagang manumit ng kulay ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang
Maranao na may dalang nakatiklop na banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng
tahanan at sa mga moske.
Buo pa rin at hindi naiimpluwensiyahan ang kulturang Maranao. Nananatili pa rin ang kanilang
tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit, damit at banig at sa kanilang
mga kagamitang gawa sa tanso.
T'boli
Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga
prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka.
Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.
Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing
tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang kanilang
panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng
maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang damit.
Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami ang lalaking
T'boli.
Tausug

Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman
umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa karangalan ng
pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang ugaling ito sa
kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-silangang Asya.
May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao giniba at nasa mga
dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira sa malapit sa dagat at
magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas ang nasa may
dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-Borneo at Sabah.
Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang
nagdala ng Islam sa Sulu.
Badjao
Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung,
Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang
Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.
Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang
pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 213 miyembro ang
maaaring tumira sa bangkang-bahay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta at mga gamit
sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may
iba't-ibang uri ng makukulay na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.
Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman, naniniwala pa rin sila sa
umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno.
Subanen
Ang mga Subanen ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga
del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila sa iisang ninuno
lamang sila nagmula.
Cuyunon
Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat
Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa
mga Espanyol na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya
masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka.
Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng kanilang
ikinabubuhay ang pangingisda.

Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa maliliit na gawaing
tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang magkakapitbahay at nag-iinuman
ang mga kalalakihan matapos ang kanilang gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga
Cuyunon, laganap pa rin ang kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng
mga babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago mahinog ang mga
palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit, ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa
katawan ng maysakit ang masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan
ang paglaganap ng epidemya. Hindi sila naniniwala sa mga ibang tao
Bagobo
Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao. Maputi sila, may
matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may
natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang inahit
nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at bilugan ang
baba.
Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Espanyol sa Mindanao. Noong
panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo. Pangunahing ikinabubuhay
nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan sa pinagkukunan ng tubig.
Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang malinaw na pagkakaiba ang mga
gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay ng hibla ng abaka ang babae at lalaki
gayundin ang paghabi ng basket.
Napapangkat sa tatlo ang tradisyunal na lipunan ng mga Bagobo. Ang bayani ang mandirigma at
ang datu ang pinuno ng mga ito. Minamana ang pagiging datu. Pangunahing tungkulin ng datu
ang tumayong huwes, mag-ayos ng mga gulo at ipagtanggol ang tribu. Ang mga nabalian o
paring babae ang pangalawang uri sa lipunan. Sila ang matatandang babaing mahuhusay sa
paghahabi.
Yakan
Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng pagpapalitan
sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil pinagtutulungtulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng mga tradisyunal na
paniniwala at kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka. May paniniwala silang ang
palay ay may sultan at mga pinuno kaya kinakausap nila ang Paring palay upang mamuno sa
iba pang mga binhing palay sa pagkakaroon ng masaganang ani. Kailangang ding tahimik sila
habang nag-aani ng palay sa pangambang makatawag n gang iangay at maaaring liparin palayo
ang palay.
Patriarka ang uri ng lupaing Yakan kung saan ang amana o ama ang pinakapuno ng pamilya.
Napakalapit ng ugnayan ng magkakamag-anak kaya lapit-lapit ang kanilang mga bahay at
handang tumulong ang bawat isa sa sinuman sa kanila na magkaroon ng kasawian o kaya kapag
may kasayahan.

Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan. Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa


magpinsang makalawa ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman ng
angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan kung kaya niyang bigyan
ang mga ito ng sapat na kabuhayan. Pinapayagan din sa kanila ang diborsiyo kung pumapayag
dito ang lalaki.
Ang mga Yakan lamang ang tanging pangkat na kapwa nagsususot ng malong ang lalaki at
babae. Isinusuot ng lalaking Yakan ang malong sa kanyang ulo samantalang ipinupulupot naman
ito ng mga babae sa kanilang baywang.

Mga hindi-katutubong pangkat etniko

Tsino
Kastila

Amerikano

Arabo

Indiyano

Koryano

Hudyo

Mehikano

Hapones

at iba pang pangkat-etniko sa ibang bansa.

You might also like