Noong nasa unang taon ako sa dalubhasaan, pangalawang
hatintaon, pinagawa kami ng aming guro sa Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba't-ibang Disiplina) na si Gng. Rhodelia Hernandez Mendoza, Ph.D ng pamanahong papel. Ito ay ang aming huling pangangailangan upang pumasa sa nasabing asignatura. Mahirap gawin ang isang pamanahong papel dahil sa ang isang mag-aaral ay magsasalin ng wika dahil lahat ng mga panitikang ginamit ay nakasaad sa wikang Ingles.
Mad Cow Disease
Inihanda ni: Gel "Saavedra"
I. Pambungad
Nang pumasok ang bagong milenyo, ginimbal ang buong
mundo ng sakit na Mad Cow Disease. Nakilala ang sakit na ito ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Mula sa pahayagan hanggang sa telebisyon, kumalat ang mga maaaring gawin ng sakit na ito sa mga tao. Dahil dito, pinangambahan na ng mga tao ang pagbili at pagkain ng mga baka sa iba’t ibang bansa. Nabulabog rin ang Pilipinas sa sakit na ito, kaya’t naapektuhan na rin ang mga Pilipino. Ngunit ano nga ba ang Mad Cow? Ano ba ang maaaring idulot nito sa mga tao? At paano ba ito maiiwasan? Ang pamanahong papel na ito ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa Mad Cow, ang kasaysayan, kaugnay na sakit, epekto at pag-iwas sa sakit na ito.
A. Paglalahad ng Suliranin
Ang BSE o kilala sa Mad Cow Disease, ang pinagmulan, mga
sintomas, mga epekto sa katawan at mga paraan ng pag-iwas.
B. Paglalahad ng Layunin ng Pamanahong Papel
Ang pamanahong papel na ito ay may tatlong layunin;
magbigay-kaalaman, magbigay-paraan at magbigay- karunungan. Nagbibigay ito ng mga kaalaman tungkol sa Mad Cow Disease. Dito ay malalaman ng mambabasa kung ano ang sakit na ito, mga sintomas ng sakit at mga kaugnay na sakit na nakakaapekto sa buhay ng tao. Ito ay nagbibigay rin ng mga paraan upang maiwasan ang sakit na ito. Ito rin ay nagbibigay ng karunungan sa ibang tao sa paraang Ito’y huhubog ng isipan ng mambabasa upang magsaliksik pa tungkol sa sakit na ito at dagdagan pa ang mga kaalaman tungkol sa Mad Cow Disease.
C. Paliwanag sa Metodong Ginamit sa Pamanahong Papel
Ang metodong ginamit sa pamanahong papel na ito, ay
pananaliksik sa silid-aklatan, pananaliksik gamit ang CD-ROM Encyclopedia at pananaliksik gamit ang internet. Maraming nakalap na mga kaalaman tungkol sa Mad Cow gamit ang silid- aklatan ng Pamantasan ng Santo Tomas. Nagtaglay ang silid- aklatan ng mga magasin na ginamit na sanggunian sa pamanahong papel na ito. Ginamit din na sanggunian ang Encarta Encyclopedia sa CD-ROM. Taglay nito ang lahat ng kaalaman tungkol sa lahat ng bagay-bagay sa iisang CD-ROM lamang. Ginamit rin dito ang internet na taglay ang kaalaman ng lahat ng mga bagay na gamit bilang sanggunian ng mga tao sa mga particular na mga web sites.
II. Pagsusuri ng mga Datos
A. Pagbibigay-kahulugan sa Mad Cow
Ang Mad Cow Disease o Bovine Spongiform Encephalopathy
(BSE) ay isang malalang sakit sa utak ng mga baka. Sinisira nito ang maayos na lagay ng utak ng baka. Ang mga sintomas na makikita sa baka kung ito ay may BSE ay ang pagkabawas ng paggawa ng gatas, paggaan ng timbang, nahihirapang makatayo at ang mga kakaibang ikinikilos nito tulad ng pagkanerbyos, hindi mapakali sa sarili at pagkawala ng kagustuhan sa kanyang kapaligiran. Ang bakang nagkaroon BSE ay hindi kaagad mararamdaman ang mga sintomas. Ito ay tatagal pa nang ilang taon bago lumabas ang sintomas. Tinatawag na incubation period kung hindi pa nakikita ang sintomas. Pagkaraan ng ilang taon, makikita ang mga sintomas at kadalasan, ang mga baka ay namamatay. (Encarta, 2004)
B. Kasaysayan ng Mad Cow
Ang sakit na Mad Cow ay unang nakilala sa United Kingdom noong taong 1985. nang pumasok ang taong 2003, humigit sa 185,000 kaso ng BSE ang nakilala sa buong mundo. Ayon sa mga pag-aaral na mahigit sa isang milyong baka ang naapektuhan ng sakit na ito nang nasabing taon. Ang mga hayop na ito ay hindi pa nagamot o napatay bago ang mga sintomas ay lumabas. Ang BSE ay kumalat sa mga bansa ng Europa tulad ng Aleman, Pransya, atbp. maging sa Asya tulad ng Japan at Pilipinas. (Sherman RPh, p. 43)
C. Kaugnay na mga Sakit ng Mad Cow
Nang siyasatin ang bangkay ng patay na bakang may BSE,
nakita ang mga butas sa mga tissues ng utak na nagbigay dito ng pagiging spongiform o spongy parang kesong Swiss. Ito ay kaugnay ng sakit sa mga tupa mula pa noong dalawang dantaon nang nakakalipas na kung tawagin ay scrapie. Sa tao, iniuugnay ito sa sakit na Creutzfeldt-Jakob Disease o CJD, isang human spongiform encephalopathy. Ang mga sakit na ito ay dulot ng prions o proteinaceous infectious particle. Ang mga prions ay mga normal na protina na tumitiklop sa mga hindi normal na mga hugis at nagsasanhi ng sakit at ito’y kumakalat. Dahil sa ito’y kumakalat sa utak, nagsasanhi ito ng mga hindi kilalang mga paraan ng spongiform sa mga neurons sa katawan at ang katangian ng mga sintomas na lalabas. Wala pang lunas sa mga sakit na ito at mga gamot na pamuksa rito. Sinisiyasat rin kung ang mga prions na ito ay kumakalat rin sa spinal cord at sa mga nerves ng mga nilalang. (http://www.fsis.usda.gov)
D. Sanhi ng mga Sakit dulot ng Prions
Nalaman ng mga nag-aaral sa kalusugan na ang sakit na
kumalat sa iba’t ibang mga baka ay dahil sa pagpapapakain dito ng mga recycled animal tissue o mga dumi na inilalabas nito sa katawan. Ginagawa ang pagpapakain na ito sa mga baka upang magkaroon ng protina sa katawan ang mga baka noon pa man. May dalawang teyorya tungkol sa pinagmulan ng BSE prions; una ay ang scrapie prions galing sa mga utak ng mga tupa na ipinakain sa mga baka at ang ikalawa ay ang pagbabago sa mga genes o mutation. Ang mga pagbabago na ito ay pinaniwalaang nagtiklop sa mga protina na nagsanhi ng mga prions na ito. (Encarta, 2004)
E. Epekto sa Tao ng CJD
Dahil sa BSE, naipapasa nito ang sakit sa kahit kanino kung kakainin ang bakang naapektuhan. Maraming mga tao ang naapektuhan ng CJD dahil sa pagkain ng bakang may CJD. Pagdating ng taong 60 hanggang 65, ang isang tao ay nararamdaman ang sintomas ng CJD halintulad sa BSE tulad ng pag-uugali, pagkilos at pagbabago sa mga tissues ng utak. Ang dahilan ng CJD ay ang pagkain ng bakang may BSE, ngunit may mga nagsasabing wala itong kinalaman sa CJD. Noong taong 2004, may mga pag-aaral nang ginawa tungkol sa CJD at BSE. Nalaman nila na ang mga palatandaan ng CJD prions ay katulad sa BSE prions. Sa isang experiment, nang ininiksyunan ang isang unggoy ng tissues ng utak na may CJD at isang unggoy ng tissues ng utak na may BSE, magkatulad na nagpakita ng sintomas ang dalawang unggoy ng sakit sa utak. (Encarta, 2004)
F. Pagpuksa at Paraan ng Pag-iwas
Maraming mga Amerikano ang hindi na nagpapasalin ng dugo
na galing mula sa isang taong galing Britanya. Dahil sa napapasa ang prions sa dugo, maraming mga tao ang takot nang magpasalin ng dugo kung ang dugo ay nagmula sa isang taong galing Britanya. Ang BSE ay pinaniwalaang nagmula sa Britanya. Nang makain ng mga tao sa Britanya ang mga baka, malamang may mga prions na ang mga taong ito sa kanilang katawan. Ngunit kahit papaano, ito’y maaaring magsanhi ng kakulangan ng dugo sa bangko ng dugo. (Boyce, p. 43)
Ipinahintulot na ng United Kingdom at European Union ang
pag-iimport ng mga baka. Dahil dito, bumaba ang ekonomiya ng mga pagpapalaki ng mga baka sa bansang ito gayundin ay apektado ang mga iba’t ibang negosyo tulad ng restaurant, groceries, atbp. Ipinagbawal na rin ang pagpapakain ng mga karne sa mga baka at iba pang mga hayop na pagkain ng mga tao. Para mapuksa ang sakit na ito, pinatay ang lahat ng mga bakang hininalang may BSE noong 1999 sa United Kingdom. Sa Hilagang Amerika, pinahintulutan na rin ang pag-iimport ng mga baka dahil sa pangamba sa BSE. Nakaalerto ang mga iba’t ibang bansa sa mga ilegal na mga pag-iimport at pag-eexport ng mga baka dahil sa sakit na BSE. (Encarta, 2004)
Upang maiwasan ang sakit, kailangang maingat sa pagbili ng
mga bakang itinitinda sa palengke. Siguraduhing nakapasa ang mga bakang ibinebenta sa kagawaran ng pagkain. Iwasan ang pagbili ng double dead meat. Iwasan rin ang pagpapakain sa mga baka ng mga hindi kanais-nais na mga pagkain tulad ng mga dumi, atbp. Siguraduhing malulusog ang mga bakang inaalagaan at malayo ito sa sakit. Magtalaga rin ng mga bans sa mga bansang nag-eexport ng mga bakang may hinalang may BSE. (www.cfsan.fda.gov)
III. Pangwakas
Dahil sa mga ipinakitang datos at masusing pag-aaral,
nalaman ng may akda na ang BSE o Mad Cow Disease ay walang lunas, ngunit maaaring maiwasan. Tanging sa pagsunod lamang sa mga pag-iwas nito ay maaaring makaligtas sa Mad Cow Disease. Mas mahalaga pa rin ang pag- iwas kaysa sa paglunas. Kaya’t kailangan ng pag-iingat sa sarili, sa mga kinakain at sa kalusugan ng tao upang maiwasan ang ganitong sakit.
- Rekomendasyon:
Ang may-akda ay ibinabahagi ang pamanahong papel na ito sa
mga iba pang mga manunuri. Sa pagdaan ng mga panahon, maaraming mga kaalaman ang lalabas tungkol sa sakit na BSE. Maaari nilang gawin ang pamanahong papel na ito bilang sanggunian sa mga nakaraang kaalaman. Inirerekomenda rin ito ng may-akda sa mga nagbabalak na dagdagan ang pamanahong papel na ito ng mga karagdagang kaalaman na kalalabas lamang. At nais rin ng may-akda na suriin ito ng mga taong babasa nito upang mabigyan ito ng ebalwasyon at kritiko.