DiviShoMap 2011

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Divisoria Shoppers Map (2011 Update):

A guide on the whereabouts of the things you need to buy in


Divisoria
Juan Luna Street
Ang Juan Luna street ay medyo may kahabaan, kung kayat minarapat kong hatiin
ito sa dalawang bahagi dahil narin sa mga karaniwan na tindahan na makikita sa
dalawang bahagi ng kalye.
Juan Luan From Binondo Church to Juan Luna Plaza
Ang bahaging ito ng Juan Luna ang una mong dadatnan kung galing ka ng south ng
Metro Manila. Karaniwan mong makikita sa lugar na ito ay ang mga bentahan ng
wholesale T-shirts, plain, colored or with colar. May mangilan-ngilan ka rin
makikitang nag bebenta ng mga school supplies, laruan, payong at grocery. Sa mga
bangketa naman, nag kalat din ang sari-saring paninda na palagay koy parang
summary ng buong divisoria. May nag bebenta ng relos, laruan, sapatos, tsinelas,
payong, helmet at kung anu-ano pa. Kung hindi ka mapili sa binibili mo, palagay ko
sa kalahating bahagi pa lang ng Juan Luna ay tapos ka na sa mahigit kalahati ng
iyong balak bilhin. Mag-ingat lang na huwag magulungan ang iyong paa habang nag
lalakad sa gitna ng kalye, dahil ang bahaging ito ng Juan Luna ay dinadaanan parin
ng mga sasakyan.
Juan Luna Plaza
Ang Juan Luna Plaza ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Juan Luna, malapit sa
estero. Ang building na ito ay may dalawang palapag lamang. Sa first floor ng Juan
Luna Plaza ay sari-saring damit, bag, alahas at iba pang binebenta na retail.
Samantala sa second floor naman ng building na ito ay puro wholesale ng
underwear, jeans, shirts, pambata na damit, kurtina, at tuwalya.
Juan Luna Street From Sta. Elena to Recto
Sa kalahating bahagi naman na ito ay ang pinaka mataong bahagi ng Juan Luna,
sapagkat halos karamihan ng papuntang Tutuban Mall ay dito ang daan. Karamihan
na tindahan sa bahaging ito ng Juan Luna ay puro vinyl, lona, tent, rubber matting,
foam, foam insulation, tela na pang upholstery, tsinelas, sapatos at payong. May
kaunting tindahan din dito ng ibat-ibang plastic bags, plastic and styro foam food
containers at mga fishing/shipping equipments tulad ng floatation vest, fishing nets,
guide bouy sa fishing net. Syempre, hindi mawawala dito ang mga sidewalk vendors
na kung anu-ano ang paninda.
KP Tower
Ang KP Tower ay matatagpuan sa kanto ng Juan Luna at Recto. Sa building na ito ay
may dalawang palapag na paninda, basement at first floor. Sa basement mo
makikita ang ibat-ibang gamit sa pag gawa ng mga hair accesories tulad ng mga
plastic design na idinidikit sa hairband, hair clip at tali sa buhok. Meron din syempre

mabibili na gawa na hair accesories. May mga ilan ding beads at bracelet na
binebenta dito. Sa unang palapag naman ng building na ito ay panay payong ang
paninda.
Ylaya Street
Ang kalahating bahagi ng Juan Luna ay nagsasanga sa dalawang kalye, ang Sta
Elena at ang Ylaya street. Sa kahabaan ng Ylaya ay makakakita ka rin ng tindahan
ng plastic bags at food containers. May tindahan din ng mga tela ng Kurtina at mga
accessories nito tulad ng curtain rod, rod ornaments at mga tassels. Meron din
tindahan ng mga damit, bags, imported na pabango, lotion, shapoo at conditioner,
mga baby products tulad ng baby dress, milk bottles, unan at iba pa.
Mga tindahan gitna ng Tabora at Ylaya street
Sa gitna ng Tabora at Ylaya ay mga pasilyo na tindahan ng mga tela. Karaniwang
makikita na tela dito ay mga gamit pang kurtina, pastel colored at printed na tela
na pang bata, mga elaborate pattern na tela na may mga makikinang na palamuti
tulad sequins, beads, gold and silver laces at iba pang patterns. Karaniwang
magkakatabi ang mga nag titinda ng parehong uri ng tela kung kuyat di mo
kailangan mag lakad ng malayo para mag canvass. Dito rin marami ang mga nag
titinda ng gown pang kasal, pang birthday, mga barong at mga uniform pang
eskwela. Karamihan ng mga nag bebenta ng gown ay tumatanggap din ng mga
patahi or pagawa ng gown base sa inyong sariling design o mula sa mga catalog
nila. Meron din ditong mga nag titinda ng mga native handicrafts na yari sa kahoy,
ratan, sawali, kawayan at native na sako (jute sack). May mga nag titinda ng mga
feather headdress, mask at costumes na parang pang broadway presentation. May
mga nag titinda din ng ibat-ibang manequinns, may plastic halfbody torso, may
whole torso na kulay black na manequinn na karaniwang nakikita sa mga boutiques.
Divine Mart
May nag tanong na sakin sa comments section kung saan ang Divine Mart, ngayon
ko lang nadinig yun pangalan ng tindahan na yun. Kaya pala ay tago at di pansinin
ang tindahan na ito kung sa gitna ka ng kalye naglalakad. Matatagpuan ang
entrance nito sa gitna Ylaya, sa may tapat ng isang bangko (PBCom yata?). May
dalawang entrance ito, isa sa harap ng Ylaya, at isa sa Tabora. May dalawang
palapag lamang ito at maliit lang ang lugar, convenient ng kaunti dahil de-aircon
ito, pang palamig sa buong maghapon mong pag-i-ikot. Ang Divine Mart ay tulad din
ng mga stalls sa 168 Mall at Tutuban Mall. Karaniwang tinda dito ay mga Tshirt,
blouse, palda at kung ano-ano pang pang pormang damit. Meron din dito mga
tindahan ng bags at mga pabango.
Tabora Street
Ang Tabora street ang isa sa mga kalsada na pwede mong daanan papuntang Recto
mula sa New Divisoria Mall. Sa kahabaan ng kalsadang ito ay panay souvenir
handicrafts na pang birthday, kasal, binyag at iba pa, mga native handicrafts, mga
christmas decor. Madami din ang mga sewing o tailoring supplies na nag bebenta

ng mga butones, lace, sequins, sinulid karayom, manequin at lahat ng mga


kailangan mo sa pag gawa ng damit. May makikita ka rin na mga tindahan ng mga
maskara na gawa sa paper mache, costume na mabalahibo ng ibon at mga pang
broadway. Madami rin nag bebenta ng mga kaldero, kawali, mga aluminum na
gamit pang luto, mga fryers at grillers. May ilan din na nag bebenta ng hair
accessories at lona.
Ledesma Building
Ang Ledesma building ay matatagpuan sa gitna ng Tabora at Carmen Planas. Sa
mga pasilyo nito matatagpuan nyo ang karamihan ng sewing o tailoring equipments
and supplies tulad ng lace, ribbons, butones, mga cotton fillings na gamit sa mga
unan. Marami din stalls na nag bebenta ng mga tela panggawa ng damit at kurtina,
lona, mga baby items, laruan, tuwalya, kumot na makakapal, unan, hair accesories
tulad ng hairband, ipit, tali sa buhok. Samantala may dalawang stalls akong nakita
dito na may paninda na hindi ko pa nakita sa ibang bahagi ng Divisoria. Ang isang
stall na nakita ko ay nag bebenta lamang ng mga scout uniforms. At ang isa naman
ay nag bebenta ng mga food equipments, hindi ito mga ordinaryong food
equipment na kawali, sandok at iba pa, kundi mga malalaking food equipments
tulad ng drinking fountain, softserve ice cream maker, glass refrigerated food
displays at iba pang mga equipments na karaniwan mong makikita sa mga
restaurant.
Carmen Planas street
Sa kahabaan ng Carmen Planas ang pinaka prominente na panindang binebenta
dito ay ang mga prutas. Syempre all year round na binebenta ang mga mansanas,
grapes, orange, dalandan, mandarin at iba pang citrus fruit. Bukod sa mga prutas
na paninda, may mga nag bebenta din dito ng mga gamit pang luto tulad ng kawali,
aluminum na kaserola, fryer, griller at iba. Marami din dito ang mga hardware
supplies. May ilan na nag bebenta ng grocery items, bihon,mga malalaking bote ng
toyo, suka, patis, mga dried spices. May nag titinda din ng baking supplies tulad ng
harina, butter, mga candie/icing designs sa cake. Sa bungad ng Carmen Planas sa
tapat ng New Divisoria Mall, makakakita ka naman ng halo-halong mga paninda na
nakalagay sa sako, may vetsin, chlorine, tawas na pulbos at tawas na crystals at
iba-iba pang dried spices. May mga nag titinda din ng mga makukulay na paper
cups na ginagamit sa scramble o di kaya tulad ng mga ginagamit sa ice monster,
pati na rin yun ibat ibang matatamis na junk foods.
Sto. Cristo street
Nahahati naman sa tatlo ang mga paninda na makikita sa Sto Cristo. Kalahati ng
isang side ng kahabaan ng Sto Cristo mula Recto ay mga stalls na nag bebenta ng
mga office and school supplies, mga paper products tulad ng pambalot sa regalo, at
ang medyo kakaiba ng kaunti, ay may mga kyutix at pang manicure/pedicure din na
binebenta ang mga stalls na ito. Sa kalahating bahagi naman ng kahabaan ng Sto
Cristo ay mga nag bebenta ng kung anu-anong mga junk foods, tulad ng candies,
mga laruan na may candies sa loob, kropek, chocolates, gummy worms, nuts,

popcorn at iba pang mga matatamis na pagkain. Sa kabilang side naman ng Sto
Cristo ay panay mga supplies sa bakery tulad ng mga sako-sakong harina, baking
powder, mantika, margarine at iba pa. May ilan din nag bebenta ng mga walang
brand na dish washing liquid, hand soap, detergent at fabric conditioner. May mga
nag bebenta din ng mga food coloring, food flavor, mga gamit pang business ng
shakes tulad ng mga paper cups, shake flavors, toppings tulad ng maliliit na
mallows.
ElCano, M. De Santos at Asuncion streets
Ang Elcano at Asuncion street ay pinag dudugtong ng M. De Santos. Kung tutusin
ang mga kalye na ito ay mga liblib na lugar na ng Divisoria dahil di na karamihan
ang mga mamimili at tindahan dito sa bahaging ito. Dito mo matatagpuan ang ibatibang agri products. Madami dito ang nag bebenta ng sako-sakong sibuyas,
bawang, mungo, soya at iba pang beans. May mga nag bebenta din ng feeds sa
hayop, dried shrimps, sago, spices, bihon, canton, macaroni at iba pang noodles.
Madami din sa bahagi na ito ang nag bebenta ng mga baking supplies gaya ng
harina, mantika, margarine, cocoa at baking powder tulad ng Calumet. Dito mo rin
mabibili ang mga sako-sakong powdered milk, sugar, salt at mga food coloring at
flavorings (may mga shake flavors din). May mga grocery din dito na sa tingin ko ay
mas mura ang kanilang paninda sa normal na grocery sapagkat maraming mamimili
ang dumadayo sa kanila kahit medyo tago at malayo ang kanilang tindahan. Dito ko
rin nakita ang ilan tindahan na nag bebenta ng mga wholesale baby diapers, trapal,
pinggan at iba pang houseware. May ilan din tindahan dito na nagbebenta ng mga
exotic live fish tulad ng pating, crab at iba pang salt water fishes. At isa rin sa
pinakamaraming tindahan dito ay mga tindahan ng plastic or di kayay styrofoam
na mga food containers, cups, mga plastic bags, plastic bottles tulad ng 1 litrong
bote ng mineral water na karaniwang lalagyan ng mga unbranded na hand soap,
fabric conditioner, at mga white opaque plastic bottles gaya ng ginagamit sa mga
peanut butter at mga ginagamit sa toyo at suka.
Commercio at Muelle De Binondo streets
Ang Muelle de Binondo ay isang kalye sa tabi ng estero na humahati sa Juan Luna
street. Ang Commercio street naman ay perpendicular sa dulong bahagi ng Muelle
de Binondo. Binabaybay nito ang New Divisoria Mall at New Divisoria Center mula
sa Juan Luna street. Karamihan ng binebenta sa dalawang kalye na ito ay mga
plastic houseware products tulad ng batya, timba, tabo, hanger, plastic na paso,
malalaking plastic box container at aparador. Bukod sa mga plastic housewares, sa
bahagi ng Commercio sa tabi ng New Divisoria Mall at mag kakatabi naman ang
mga nag bebenta ng mga plastic bags, cups at styro/plastic food containers.
New Divisoria Mall
Ang New Divisoria Mall ay isa sa mga kauna-unahang mall sa Divisoria. Kung
tutuusin ang New Divisoria Mall ay ang ultimate summary ng buong divisoria dahil
sa sari-saring paninda dito mula sa buhay na manok, isda, karne, gulay,hardware,
houseware, laruan, school supplies, damit, bags, sapatos, electronics at food court.

Sa Basement nito sa kalahating bahagi ay matatagpuan ang palengke na kung saan


makikita ang bentahan ng mga live stock tulad ng bibe at manok, mga karne, isda,
gulay at mga kailangan sa pang luto tulad ng mga mantika, suka, toyo, patis, asukal
at iba pa. Sa kalahati naman ng basement ay panay bentahan ng mga maliliit na
laruan, sticker, mga kendi at mga gamit pang birthday party. Mayron din dito maliit
na lugar kung saan makakabili ka ng mga native products tulad ng mga salakot,
bayong, bola ng sepak takraw, rattan, bilao, walis at iba pa.
Sa First floor naman ay sari-sari ang binebenta mag mula sa wallet, assorted na
housewares tulad ng mga scouring pad, sandok, kutsilyo at mga hardware. May
mga novelty items tulad ng mga character notebooks, pencil, ballpen, sticker,
panyo, hello kitty items, frames and posters, paper bags at iba pang school
supplies. Marami din mga cellphone accessories, mga neck strap, keychains. May
mga personal accessories tulad ng relo, sunglasses, earrings, necklace, nail polish,
makeup, hair accessories tulad ng hairband, ipit, tali sa buhok. May nag bebenta ng
mga helmet, payong, mga sports cap at mga pang cowboy na sumbrero, baby items
at supplies ng paggawa ng beads (isa ito sa karaniwan na tinatanong sakin).
Sa Second floor naman ay mas marami na ang nag bebenta ng mga sari-saring
damit pang malaki at pati pambata, bags, sapatos, slippers, costumes, kurtina,
wallet, sticker, cap, sun glasses, belt, diaper, mannequin,housewares, stuffed toys
at iba pang laruan. Dito rin sa second floor makikita ang mga birthday party
supplies tulad ng mga pabitin, palayok, pinata, baloons at iba pa. Marami din dito
ang gumagawa ng mga graphic printing sa tarpaulin, invitations, calling cards at
personalized items.
Sa Third floor naman ang food court ng mall. Medyo maluwag ang espasyo sa third
floor di tulad ng unang dalawang floor na sobrang sikip sa mga tao. Bukod sa food
court, nasa third floor din ang ilan na nag bebenta ng mga DVD, entertainment
sound system, mga cellphone accessories, mga computer games sa PSP, blank CD
at iba pang electronics na paninda.
Ang lahat ng mga lugar na nabanggit ko ay bumubuo ng 1/4 lamang ng buong
Divisoria, pero kahit gayon ay sari sari narin ang mga binebenta dito at di mo na
kailangan galugarin ang buong Divisoria. Sa susunod kung mag karon muli ako ng
oras, susubukan ko naman galugarin ang mga lugar ng 168 mall, tutuban mall at
iba pang bahagi ng Recto. Kung ang hinahanap mo ay wala sa mga naikuwento ko,
mag-iwan ka lang ng comment at susubukan kong sagutin ang tanong mo.
Ang hinanap mo ba ay?
Agri products/Cooking Ingredients/Noodles/Baking Ingredients:
Sibuyas, bawang, beans (e.g. munggo, soya at iba pa), dried shrimp, sago, spices
(e.g. laurel) , bihon, canton, elbow macaroni, baking powder (e.g. Calumet), cocoa,
chocolate, harina, margarine, mantika, powdered milk, sugar, salt, food coloring,
food flavoring.

Saan makikita?:
Sa ElCano, M. De Santos, Asuncion streets.
Food Packaging Containers:
Plastic bag, plastic cups, clear plastic food packaging usually used in baked goods,
styro foam plates, styro foam cups, aluminum plates, aluminum tray, 1liter mineral
clear plastic bottle similar to mineral water bottle, white opaque plastic bottle
similar to soysauce bottles, white opaque plastic bottle similar to peanut butter
bottle container,
Saan makikita?:
ElCano, M. De Santos, Asuncion, Juan Luna, Ylaya, Sto. Cristo, Commercio streets.
Hard plastic housewares:
Timba, tabo, batya, cabinet, hanger, flower pot
Saan makikita?:
Muelle de Binondo, Commercio streets
Handicrafts:
Native handicrafts e.g. bayong, walis, rattan products, bilao, salakot. Custom made
souvenirs e.g. glass sculptures, metal crafts, souvenirs for wedding, birthday,
christening
Saan makikita?:
Tabora street, Basement wet market ng New Divisoria Mall at mga tindahan sa gitna
ng Tabora at Ylaya streets.
Wholesale Diaper
Saan makikita?:
El Cano, M. De Santos, Asuncion streets at sa second floor ng New Divisoria Mall
Update: Oct 7, 2011: Additional info provided by reader yesley. Thanks!
=======================
dagdag ko lang ang Sta. Elena Street (between Juan Luna at Divisoria Mall):
1. Wholesaler ng frozen french fries at mixed vegetables (green peas, carrots)
2. wholesaler ng plastic & paper supplies (paper plate, plastic cups, plastic supot,
pastry boxes, plastic spoon and fork, wrapping paper)
3. Wigs sa bangketa
4. Wholesale branded medicines & personal care products
5. Wholesale milk

6. Wholesale grocery (malalaking sako ng harina, sotanghon)


7. Fruit vendors (apples, grapes, orange, lemon, pati mga seasonal fruits tulad ng
cherries, peach)
Ang New Divisoria Center bldg along Sta.Elena street ay dating Bodega Sale ang
pangalan kung kayat kapag inikot mo ang likod nito malapit sa creek, makikita mo
ang entrance ng Bodega Sale kung saan may maraming puwesto ang mga toy
wholesaler (sila Andings etc) at Christmas decor. Sa ibaba naman ng Bodega Sale
ay meron ding plasticware wholesaler (melamine plates, utensils, plastic containers,
timba, planggana, tabo, at kung anu ano pa)
Sa Juan Luna din (sa tabi ng Juan Luna Plaza) ay ang Oversea Paper Supply na
malaking wholesaler ng gift wrapping paper, boxes, at iba pang related supplies.
Sa kabilang kanto ng Juan Luna-Sta. Elena ay may ilang bangketa (malalaking
puwesto) na nagtitinda ng mga usong stuffed toys mula mickey mouse to angry
birds.
Dito ka rin makakabili ng fried siopao pang merienda!
=======================

You might also like