Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

HULING HABILIN AT PAGPAPASIYA

ALAMIN NG LAHAT NA:


AKO si, Flordelyn M. Bolo, may sapat ang gulang, isang Pilipino at kasalukuyang
naninirahan sa Block 2 Lot 6 Casimiro Townhomes, Zapote, Las Pinas City,
samantalang malinaw, tumpak at wasto ang aking pag-iisip, diwa, at ala-ala, na sa akin
naman ay walang pumilit, tumakot, nag-udyok, o humikayat, ay kusang-loob kong
isinagawa at ngayon ay ipinahahayag ang kasulatang ito, bilang aking HULING
HABILIN o TESTAMENTO, sa wikang Tagalog sa katutubong wika at aking kinagisnan,
at lubos na naiinawaan:
I. Na aking ninanais na kung sakalit pumikit na ang aking mga mata na ang aking
bangkay ay paglamayan at ilining nang naaayon sa kaugalian ng Simbahang Katoliko;
II. Na ang mga ari-ariang aking maiiwan ay ang mga sumusunod:
A. Mga ari-ariang di natitinag:
Isang lupa at bahay na matatagpuan sa Block 2 Lot 6 Casimiro Townhomes,
Zapote, Las Pinas City ;
Isang lupa na matatagpuan sa 14 J. Arboleda St., Dona Cecilia Village, Tabaco
City, Albay
B. Mga ari-ariang natitinag:
BDO Savings Account
III. Na kung sakali at bawian ako ng Poong Maykapal ng aking hiram ng buhay, ay nais
kong ipamana, o ibigay, at ipatungkol ang aking mga ari-ariang binabanggit sa unahan
nito, nang katulad ng sumusunod:
Si Mae Bolo ang siyang nagbantay at nag-aruga sa aking pagkakasakit, ay aking
ibinibigay mga lupa at bahay na matatagpuan sa Block 2 Lot 6 Casimiro Townhomes,
Zapote, Las Pinas City at Isang lupa na matatagpuan sa 14 J. Arboleda St., Dona Cecilia
Village, Tabaco City, Albay. Ganoon din aking ipinamamana kay Mae Bolo ang aking
BDO Savings Account;
IV. Na kung sakali at mauna akong bawian ng buhay kaysa kay Mae Bolo ay aking
ipinapahayag, at siyang ninanasa, na dapat na igalang ng lahat , na hindi pa iiral ang
mga tagubilin na binanggit san a unang Talata III, Blg. 2, 3 at 4, at ang aking asawa at
maiiwang balo lamang ang siyang tanging magpapatuloy na gumamit at makinabang sa
aking mga ari-ariang natatala sa unahan nito: at kung pumikit na lamang nang tuluyan
ang naulit kong asawa ay saka magkakabisa ang mga naturang tagunilin sa Blg. III, 2, 3,
at 4;
V. Upang ang Huling Habiling ito ay mapagtibay sa Hukuman, at matupad ang
nilalaman, ay aking hinihirang at itinatalaga si Daniel Dioquino bilang siyang tanging
tagaganap at tagapangasiwa nitong aking Huling Habilin o Testamento; at kung sa
anupamang kapansanan ay hindi siya makatupad, ay aking hinihirang bilang kahalili
niya, ang aking kapatid na si Nena Sabalilag;

VI. Na aking pinagtitibay na ang tagapangasiwa at tagaganap na aking ditoy hinihirang,


at ang kanyang kahalili, ay hindi na kailangang magbigay pa ng anumang lagak o
piyansa;
VII. Na aking binabawi at pinawawalang-saysay ang lahat at anumang kasulatan,
Testamento, hayag at di-hayag, na akin nang naisagawa, nilagdaan o ipinahayag nang
nauuna rito.
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumagda sa ibaba nito, ngayong araw ng 7 buwan
ng Agosto, taong 2013 dito sa Lungsod ng Las Pinas, Republika ng Pilipinas.

(Flordelyn M. Bolo)

PAGPAPATUNAY NG MGA SAKSI


KAMI, na mga nangagsilagda sa ibaba nito bilang saksi, ay nagpapatunay na ang
naunang kasulatan ay siyang pinagtibay ni Flordelyn M. Bolo bilang kanyang Huling
Habilin o Testamento, na nalalaman naman naming yaon ay kanyang isinagawa
samantalang malinaw ang kanyang isipan at diwa, at alam niya ang kanyang ginagawa,
at yaon ay nilagdaan niya sa aming harapan sag awing ibaba at sa kaliwang gilid ng
bawat dahon; at kami naman, sa kanyang kahilingan, ay nangagsilagda rin sa ibaba nito
at gayondin sa kaliwang gilid ng bawat dahon sa harapan niya at ng bawat isa sa amin,
at sa harapan ng Notaryo Publiko, ngayong ika 7 araw ng buwan ng Agosto taong 2013
dito sa Lungsod ng Las Pinas.
___________________ naninirahan sa___________________
___________________naninirahan sa__________________
___________________naninirahan sa__________________
REPUBLIKA NG PILIPINAS)
BAYAN NG_____________) s.s.
SA HARAPAN KO, ngayong ika- 7 araw ng buwan ng Agosto taong 2013 dito sa
Lungsod ng Las Pinas ay dumulog si Flordelyn M. Bolo may Katibayan ng
pagkakakilanlan na License No. N25-05-028633 gawad noong ika 13 ng Mayo 2012
ditto sa Las Pinas kilala ko na siyang nagsagawa ng naunang HULING HABILIN o
TESTAMENTO, na kanyang isinagawa at nilagdaan sa harap ng kanyang tatlong saksi
na
sina
____________
may
pagkakakilanlan_______________
at
__________________ may pagkakakilanlan__________________ at si
_________________________ may pagkakakilanlan__________________, na
lahat sila ay nagsilagda ng kanilang mga pangalan sa ibaba ng Pagpapatunay na ito at sa
bawat dahon sa harapan ni Flordelyn M. Bolo at ng bawat isa sa kanila at sa harapan
ko, at pinatunayan nila na yaon ay kanilang nilagdaan at isinagawa nang Malaya at kusa
sa kanilang kalooban.
Ang HULING HABILING ito ay binubuo ng dalawa (2) na dahon, kasama ang dahonng
kinaroroonan ng Pagpapatunay at Pagpapatotoong ito. SAKSI ang aking lagda at
panatak pangnotaryo.
Kasulatan Blg._____
Dahon Blg._____
Aklat Blg._____
Taong _______
2

You might also like