Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang nilalang na ang lalaki, pinasiyahan ni Jupiter na gumawa ng babae upang ipadala sa

daigdig. Tinawag niya ang mga diyos at diyosa upang siyay tulungan at silay sumangayon.
Binigyan ni Venus ng kagandahan ang babae; binigyan ni Apollo ng hilig sa musika;
binigyan ni Minerba ng dunong at kakayahan sa paghabi, at binigyan ni Merkuryo, nang
mapaiba naman sa karamihan ng kaunting pagka-usyoso.
Nang si babae ay matapos, anong ganda! Ipinagmalaki ng mga diyos ang kanilang likha
kaya siyay pinangalang Pandora na ang kahulugay alaala ng mga diyos. Siyay
pinagkalooban ni Jupiter ng munting kahong maganda ang pagkakalalik at may kasamang
gintomg susi bilang alaala. Ipinagbilin sa kanyang piling at huwag bubuksan. Pagkatapos,
siyay pinapunta sa daigdig upang magprisinta kay Epimetheus.
Siyay naging mabuting maybahay ni Epimetheus mabuting magluto, laging abala sa
paglilinis ng bahay, mahusay humabi at higit sa lahat, tumatalima sa bawat naisin ng
asawa.
Hindi nawaglit sa kanyang gunita ang kahong yari sa garing na kanyang dala. Dumating
ang oras na hindi niya mapaglabanan ang tuksong malaman kung ano ang laman nito.
Kanyang tinangnan ang gintong susi na nakabitin na may tatlong sedang sinulid at
pagkuway biglang binuksan ang kahon. Kanyang iniangat nang kaunti ang takip upang
sumilip.
Kaawa-awang Pandora! Ilan lamang saglit at ang silid ay napuno ng maliliit at
nagliliparang kulisap, lumilipad na umuugong at palibot-libot sa dingding hanggang
makalabas ng bintana. Ano ang kanyang nagawa? Dagling isinara ang takip subalit huli
na. Nasa labas na ng kahon ang mga impakto sa daigdig Kasalaulaan, Katakawan,
Kalupitan, Sakit at iba pa. Mula nooy lumipanasila na siyang pinagmulan ng
kapahamakan, salot at lumbay. Isang kamalian ang pagkapagpalaya sa kanila.
Mabuti na lamang at kagyat na ipininid ni Pandora ang takip ng kahon. Kundi agad
nasarhan pati ang Pag-asa ay nakalipad din na kasama ng mga signos na may pakpak.
Kung nakawala ang Pag-asa, lalong magiging kahambal-hambal ang kalagayan ng
daigdig. Sa kabutihang palad, ito ay naiwan. At ano kaya ang ating magagawa kung itoy
wala?

You might also like