Professional Documents
Culture Documents
Komiks-Banghay Aralin Sa Filipino 8
Komiks-Banghay Aralin Sa Filipino 8
B. Paglalahad
A.Maglagay ng Pangkatang Iskor sa pisara para maging gabay at himukin ang
mag-aaral na magkaroon ng interaksyon.Batay sa ginawa ninyo pagbubuo sa
larawan ano ang napansin ninyo?
1.Ano ang inyong naintindihan sa mga larawang Binuo?
2.Ano ba ang mga ito ? Sagot: Komiks
3. Saan ninyo madalas makita ang mga ito?
Magandang hapon mga mag-aaral sa hapon na ito ay ating babalikan
ang isang masining na pamana na ating bayan.Pero bago tayo
magpatuloy Babalikan na muli natin kung Paano, Saan at kailan nag
umpisa ang paggawa ng komiks strip.
Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at
larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Ang salitang komiks ay hango sa salitang ingles na "comics" at isinulat
lamang na may titik "k" alinsunod sa baybayin ng wikang Filipino.
D. Pagpapahalaga
Mahalagang Dapat Tandaan!
Ang Komiks strip ay isang pamana ng ating mga ninuno upang tayo ay maaliw at
maglibang. Isa rin ito Sining upang ipakita ang ating pagiging malikhain at
pagkakaroon ng malawak na imaginasyon.
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Sa kalahating Papel. Gumawa kayo ng Komiks Strip na may 4- 5 larawan at lagyan
ng pag-uusap. Ang Paksa o Pamagat ay: Ang Pakikipagsapalaran ni ( inyong
pangalan). Isagawa ito ng Malinis,Maganda , Maayos at Kaaliw-Kaaliw.
V. TAKDANG ARALIN:
Panuto: Kumuha at kumulekta ng mga komiks strip galing sa mga magasin
o newspaper at gawing collage ito. Idikit ito sa malinis na bond
paper.Ipasa
ito bukas.
Inihanda ni: