Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pakikinig
nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag o mensahe,
Pagsasalita
naipapahayag sa lohikal sa paraan ang mga pananaw at katwiran,
Pagbasa
nahihinuha ang ang paksa, layon at tono ng tekstong nabasa,
Pagsulat
nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong pantelebisyon ang mga ekspresyong
nagpapakita ng kaugnayang lohikal,
Panonood
Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
pamantayan,
Pagpapahalaga
nailalahad ang nagiging bisa teksto sa kaisipan,kaasalan at damdamin.

II. Paksang Aralin


Pamagat: Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang Ipagbawal ni Kara
David (Tekstong Espositori,Balitang-Ulat)
Wika: Pag-uugnay
Panonood: Isang video clip tungkol sa tekstong babasahin.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma ni Aileen Baisa-Julian, et al

III.Mga Kagamitan

Chalk
Pisara
Ilang biswal na pantulong

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Bilang panimula, magpatala ng limang programang pantelebisyong paborito
mong panoorin. Isulat ito sa talahanayan sa ibaba at gayundin ang iyong mga dahilan
kung bakit mo pinapanood ang mga ito.
Mga Paborito Kong Programang Pantelebisyon
Pamagat ng Programa
Dahilan ng Panonood nito.

B.Pagtalakay
Babasahin: Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang Ipagbawal ni
Kara David (Tekstong Espositori,Balitang-Ulat)
Estratehiya: KWWL(( What I Know, What I Want to Learn,Where can I Learn,
What I Learned) O AGSN (Ano ang alam na,Gustong Malaman, Saan Malalaman,Ano
ang Nalaman)
Ano ang alam na ?

Gustng malaman ?

Saan malalaman?

Ano ang nalaman?

Pagkatapos mabasa ang teksto, inaasahan na maisasagawa ang mga


sumusunod na gawain:
B1. Ang guro ay magbibigay ng mga pamatnubay na tanong at iilahad ang mga sagot
o katuwiran ng mag-aaral hinggil sa tanong .
1. Ano-ano ang mga halimbawa ng ilang pangyayarig nagpapakita ng pang-aabuso at
pagmamalupit sa mga bata ?
2. Batay sa mga ginawang pag-aaral ng Pilipinas at UNICEF, paanomo ilalarawan ang
kalagayan ng nakararaming bata sa Pilipinas sa kamay ng kani-kanilang magulang ?
3. Sang-ayon ka ban a maisabatas ang House Bill 4455 na nagbabawal sa
pagsasagawa ng corporal Punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng
pagdidisiplina ? Bakit ?
4. Ano-ano ang mga halimbawa ng corporal punishment na binanggit sa akda ? Tama
lang bang ipagbawal ang lahat ng mga ito bilang pamamaraan ng pagdidisiplina sa mga
anak at mga mag-aaral?Bakit ?
5. Bakit sinasabing ang corporal punishment ay maaring humantong sa pagrerebelde
ng bata sa halip na madisiplina ito? Sumasang-ayon ka ba rito ?
6. Para sa iyo, ano ang mainam o epektibong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata at
kabataan sa kasalukuyan?
7. Kung ikaw ay pagbibigyan ng pagkakataon lumikha ng batas na mangangalaga sa
karapatan ng mga bata, ano kaya ito at bakit ito ang iyong bubuoin?

Pagsulat ng Journal
Bakit mahalagang ingatan at pahalagahan ang karapatan ng
mga bata at kabataang tulad mo ?

B2. Ang guro ay papangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat at bibigyan ang
bawat grupo ng tanong at pag-uusapan ang hinuha sa tanong. Ilalahad sa klase
matapos mapag-usapan.

Unang Pangkat
Tanong: Maraming isyu ang tinalakay sa tekstong binasa ngunit ito ang maituturing na
pinakapaksa nito.
a. pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata
b. pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment
c. pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
Paliwanag: Ito ang napili naming hinuha sapagkat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Ikalawang Pangkat
Tanong: Itoang tono o damdaming higit na nangingibabaw sa binasang akda.
a. nagpapabatid
b. nangangaral
c.nananakit
Paliwanag: Ito ang napili naming hinuha sapagkat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Ikatlong Pangkat

Tanong: Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag-aaral na malaki ang porsyento ng
mga bata sa Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kaniyang
magulang.
a. sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong ang anak na hindi
paluin,magulang ang paluluhain
b. dahil likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino
c. sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na Pilipino
Paliwanag: Ito ang napili naming hinuha sapagkat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
B3. Ang guro ay magpapanood ng isang video clip hinggil sa tekstong binasa at susuriin
ang nilalaman nito ng mga mag-aaral. Lalagyan ng tsek kung ito ba ay natatamasa ng
mag-aaral at kung natatamasa rin ng mga batang iniulat ni Kara David at ekis ang
ilalagay kung hindi.

Mga
Karapatan

Ako ____________________
Pangalan mo

Natatamasa
ko
Karapatang
ipagtanggol sa lahat
ng
uri
ng
pagpapabaya,
pagmamalupit,
at
pagsasamantala
Karapatang lumaki sa
isang kapaligirang may
pagmamahal
at
katiyakan at nasa pagaaruga ng sariling
magulang
Karapatang makapagaral
Karapatang maglaro at
maglibang

Hindi ko
Natatamasa

Mga Bata sa Ulat ni Kara


David

Natatamasa
nila

Hindi nila
natatamasa

Karapatang mabigyan
ng pagkain, damit, at
tirahan
Karapatang lumaking
maymagandang ugali
at asal
Karapatang lumaling
malusog
Karapatang
linangin
ang kakayahan at
kasanayan
B4. Gamit ang dayagram(tree graphic organizer) sa ibaba, ang guro ay magpapatala
sa mga mag-aaral ng mga kanilang iba pang suhestiyon sa wastong pagdidisiplina .
Itatala ang katwiran o paliwanag hinggil sa mga naitalang sagot.

Wastong
Pagdidisiplina

Sa iyong palagay, ano kaya ang


maaring mangyari sa kabataan kung
hindi naipagkaloob ang mga bagay na
iyong nabanggit?

B5. Bilang karagdagan gawain, ang guro ay magpapasaliksik o riserts sa mga magaaral ng dokumentasyong pantelebisyon gamit ang internet. Gamit ang ice cream chart,
itatala ang mga hinihinging detalye.

Pamagat

Pinagmulan
Dokumentarist
Isyung
Tinatalakay

C. Pag-uugnay sa Wika
D. Pagtataya
Normative o Tradisyunal na Pagtataya
Isulat sa kahon ang ugnayang lohikal mayroon sa pangungusap. Bilugan ang
ekspresyong hudyat na ginamit.
1. Kung hindi sana matigas ang kanilang mga ulo ay maganda na ang kanilang buhay
ngayon

2. Hindi ako sigurado sa aking nakitang kayat hindi ko alam kung tutulungan ko ba ang
mga batang ito o hindi
3. Upang maiwasan ang problema ay kailangang gumawa ng mga hakbang ang
pamahalaan.
4. Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay
5. Para makatulong sa magulang, magsumikap na mag-aral nang mabuti.

Sagot:
1.
2.
3.
4.
5.

Kung hindi sana


Hindi ako sigurado
Upang maiwasan
Talagang
Para

Performance-based
Mula sa iyong napanood na ulat ni Kara David hinggil sa paksang Pananakit sa
Bata Bilang Pagdidisiplina, Dapat Bang Ipagbawal? muli mong ilahad ang iyong
sariling pamamaraan ang mensaheng nais ipabaid nito. Maari mong gawin ito sa
pamamagitan ng pagbuo ng graphic organizer, pagsulat ng bukas na liham, pagbuo ng
isang islogan, pagguhit ng poster o karikatura.
Pamantayan/Rubrik sa Pagmamarka
1. Kaangkupan sa Tema-40%
2. Pagkamalikhain-20%
3. Masining na Ekspresyon-25%
4. Hikayat sa Madla-15%
____________
Kabuong Marka

100%

You might also like