First PT - Character Education

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA CHARACTER EDUCATION 6

Panuto: Piliin at itiman ang bilog ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Upang palaging maging malinis, matiwasay, at kaakit-akit ang mga pook pampubliko, kailangang
pangalagaan nang mabuti ang mga ito. Kanino nakasaad ang tungkulin ng pangangalaga sa mga ito?
A. sa mga manggagawa sa pamahalaan
B. sa bawat mamamayang gumagamit dito
C. sa mga taong hindi nagbabayad ng buwis D. sa mga nanunungkulan sa gobyerno
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat iwasang gawin sa mga pook pampubliko?
A. pag-upo sa tabi ng drayber sa pampublikong dyip
B. pagsara ng bintana ng silid-aralan sa paaralan
C. pagsulat sa sandalan ng upuan sa parke
D. pagpulot ng mga kalat sa kalsada
3. Ihing-ihi na si Carlos habang nanonood ng konsyerto sa harap ng Kapitolyo ng Ilocos Norte. Saan siya
dapat umihi?
A. sa likod ng kapitolyo
B. sa damuhan sa parke
C. sa silong ng puno
D. sa palikuran
4. Sino sa mga sumusunod ang dapat mong tularan?
A. Ibinulsa ni Mika ang plastic ng pinagkainang tinapay.
B. Idinikit ni George ang bubble gum sa ilalim ng upunan.
C. Iniluwa ni Benjie ang buto ng santol sa gitna ng daan.
D. Inihagis ni Clarissa ang balat ng saging sa sahig.
5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam mong gawin upang hindi mainip habang naghihintay sa
loob ng isang opisina?
A. gawing ero-eroplano ang mga diyaryo
B. basahin ang mga diyaryo at magasin
C. hila-hilahin ang mga kurtina sa dingding
D. magkaba-kabayo sa mga upuan
6. Sa dingding ng barangay hall nakapaskil ang sumusunod na paalala. Ano ang ipinahihiwatig nito?

POST
NO BILL
A. bawal magpakain ng ibon at mga hayop
C. bawal mangutang sa tindahan

B. hindi pwedeng mamitas ng bulaklak


D. bawal magdikit ng poster o patalastas sa dingding

7. Kumain ng banana cue sa loob ng bus si Andrew. Ano ang dapat niyang gawing sa stick pagkatapos
kumain?
A. Ihagis ito sa bintana ng tumatakbong bus. B. Isisingit ito sa pagitan ng mga upuan.
C. Itatapon ito sa basurahan pagkababa.
D. Ilagay ito sa ilalim ng upuan ng katabi.
8. Napagkasunduan ng mga miyembro ng Kapisanan ng Responsableng Kabataan ang magsagawa ng
proyekto para sa pagpapalaganap at pagpapanatili ng kalinisan sa plasa ng Metro Gabu. Ano kaya ang
naisipan nilang gawin?
A. Magdagdag sila ng mga ilaw sa plasa
B. Magpapatayo sila ng fountain sa gitna ng plasa.
C. Maglalagay sila ng maraming basurahan sa plasa.
D. Mapapaskil sila ng poster tungkol sa pag-iwas sa dengue.
9. Paalis na ang Pamilya Reyes pagkatapos nilang magpiknik sa pampublikong river resort sa Barangay
Matagumpay nang lapitan sila ng isang barangay tanod. Iniaabot ng barangay tanod ang tiket ng
multa sa nilabag na patakaran ng resort. Ano ang ginawang paglabag ng pamilya?
A. Naglatag sila ng tent sa tabi ng ilog.
B. Binuhusan nila ng tubig ang apoy ginamit.
C. Naglaro ang mga bata sa damuhan.
D. Itinapon nila ang kanilang kalat sa ilog.
10. Kasama mo ang iyong nakababatang kapatid sa pamamasyal sa zoo. Ano ang maipapayo mong bawal
niyang gawin habang namamasyal?
A. magtapon ng kalat sa basurahan
B. magpakain ng mga hayop
C. magkipag-usap sa ibang bata
C. pagmasdan ang mag hayop sa kulungan.
11. Sino sa magkakaibigan ang nararapat na bigyan ng papuri pagkatapos nilang uminom ng softdrink?
A. Inilagay ni Lanie ang bote sa likod ng pintuan.
B. Itinapon ni Wanda ang bote sa may basurahan.
C. Ibinalik ni Heidi ang bote sa kahon nito sa kantina.
D. Inihagis ni Rosa ang bote sa damuhan sa playground.
12. Narinig mong sinabi ng isa sa iyong mga kamag-aral na okey lang ang magtapon ng basura sa ilog.
Ano ang maaari mong reaksiyon dito?
A. Sang-ayon ako dahil wala namang epekto ang nasura sa ilog.
B. Depende kung may makakakita sa aking gagawin.
C. Tutol ako dahil nakasisira sa mga yamang-tubig ang mga basura sa ilog.
D. Sang-ayon ako dahil talagang sadyang tapunan ng basura ang ilog.

13. Liban sa pagkain ng sapat at wastong pagkain, alin sa mga sumusunod na gawain ang nakatutulong
upang mapanatili ang magandang kalusugan?
A. Pagsasagawa ng mga gawain para sa kaangkupang pisikal.
B. Paglalaro ng matagal hanggang mapagod.
C. Pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay.
D. Pag-inom ng alak at paninigarilyo.
14. Ang ehersisyo ay mainam upang mapanatili ang malakas at malusog na pangangatawan.
Gaano ka kadalas mag-ehersisyo?
A. mag-ehersisyo lamang kung kailangan
B. mag-ehersisyo lamang tuwing Sabado at Linggo
C. mag-ehersisyo araw-araw
C. mag-ehersisyo hanggat may malayang oras
15. Gusto mong gawin ang mapahusay ang iyong kaangkupang pisikal habang gumagawa ng kapakipakinabang na gawain sa bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. matulog maghapon kung walang klase
B. maglampaso ng sahig at magdilig ng halaman
C. maglaro ng kompyuter
D. magbasa ng mga magasin at dyaryo
16. Kapag hindi maayos ang pagsasagawa ng ehersiyo ay maaari itong makasama sa katawan. Ano ang
dapat tandaan sa pag-eehersisyong pisikal?
A. Uminom ng maraming tubig bago mag-ehersisyo.
B. Mag-ehersisyo kahit hindi angkop ang suot na damit.
C. Mag-warm-up at mag-cool-down bago at pagkatapos ng ehersisyo.
D. Huwag itigil ang pag-eehersisyo kahit nakararamdam ng sobra nang pagod.
17. Sino sa mga sumusunod ang nagsasagawa ng wasto para sa kaangkupang pisikal?
A. Pagkatapos mag-jogging, nagpahinga muna si Rico bago naligo.
B. Kaagad naligo si Rose pagkatapos maglaro ng volleyball.
C. Hindi naligo si Cecil pagkatapos magbisikleta sa parke.
D. Kaagad naligo si Justine habang pawis na pawis pagkatapos mag-zumba.
18. Sasali sa marathon si Louie. Ano ang pinakamainam niyang isuot?
A. swimming trunks
B. pantalon na maong C. shorts

D. cargo pants

19. Aling gawain ang pinakamainam na ehersisyo sa katawan?


A. pagtulog sa hapon
B. pamamasyal sa beach
C. panunuod ng sine
D. pag-jogging sa umaga o hapon
20. Anong kasuotan ang dapat mong suotin upang maisagawa nang maayos ang pag-eehersisyo?
A. masisikip na pantalon at t-shirt
B. maluluwang na damit
C. sobarang nipis na short at sando
D. mga damit na may matitigas na tela
21. Aling gawain para sa kaangkupang pisikal ang magagawa mo araw-araw?
A. umakyat at manaog sa hagdanan
B. magsulat at magbasa maghapon
C. magpuyat sa panunuod ng telebisyon
D. maglaba at mamalantsa
22. Bakit kailangan mong mag-ehersisyo araw-araw?
A. upang magkaroon ng magandang katawang hahangaan ng iba
B. upang mapansin at purihin ng mga magulang at mga kaibigan
C. upang magkaroon ng maganda ta maayos na kaangkupang pisikal
D. upang maging sikat at hangaan ng mga kaibigan at iba pang kakilala
23. Si Ricardo ay isang atleta sa takbuhan. Ano ang angkop niyang gamiting sapin sa paa kapag sasali sa
paligsahan sa pagtakbo?
A. leather shoes
B. rubber shoes
C. boots
D. tsinelas
24. Upang palaging ligtas at makaiwas sa sakuna, ano ang dapat tiyakin bago umalis sa camping site?
A. Iwanan ang mga kalat sa lugar.
B. Magtira ng pagkain para sa mga hayop.
C. Patayin ang apoy sa campfire.
D. Iuwi ang mga sanga ng mga puno sa paligid
25. Bakit kailangang iwasan ang pagkuha ng mga koral sa dagat?
A. Ang mga koral ay pang-akit sa mga turista.
B. Ang mga koral ay pinamumugaran ng mga isda.
C. Ang mga koral ay mapanganib sa mga mangingisda.
D. Ang mga koral ay magandang gawing palamuti sa bahay.
26. Habang naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan sa dalampasigan ay aksidenteng nakahukay kayo ng
mga itlog ng pawikan. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagbili ang mga itlog nang mahal sa palengke.
B. Ibabaon muli ito nang maingat sa buhangin.
C. Paglaruan at basagin ang mga itlog.
D. Ihagis ang mga itlog sa dagat.
27. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kalisan sa pook kapag nagpipiknik?
A. Ilagay ang mga kalat sa loob ng sako.
B. Sunugin ang mga kalat sa pook.

C. Itapon ang mga basura sa lilim ng mga puno.


D. Iwanan ang mga kalat pagkatapos magpiknik.
28. Ano ang magagawa ng isang kabataang katulad mo sa pagpapanatiling maganda ang ating
pamayanan?
A. putulin ang mga punongkahoy
B. magbasag ng mga paso ng halaman
C. magtanim ng mga halaman
D. pitasin ang mga bulaklak sa hardin
29. Wala kayong malawak na bakuran. Ano ang maaari mong gawing paraan upang makapagtanim ng
mga gulay sa inyong bahay?
A. magtanim sa bubungan ng bahay
B. matanim sa loob ng kwarto o ibang parte ng bahay
C. magtanim sa bakuran ng kapitbahay
D. magtanim sa mga paso at basyo ng bote at lata
30. Alin sa mga sumusunod na paraan ng pangingisda ang nagdudulot ng malaking pinsala sa dagat?
A. paggamit ng lambat
B. paggamit ng dinamita
C. paggamit ng bingwit
D. paggamit ng sibat o pana
31. Alin sa mga sumusunod ang ipinagbabawal na gawain?
A. pangangaso ng mga hayop sa kagubatan
B. pag-aalaga ng mga isda sa palaisdaan
C. pagpaparami ng buwaya sa crocodile farm
D. pagtatanim ng mga bagong puno sa bundok
32. Bilang isang mag-aaral, tungkulin mong tumulong sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Alin sa mga sumusunod na gawain ang iyong sasalihan?
A. paghuli ng mga ibat ibang uri ng paru-paro para sa inag eksibit
B. pagkuha ng mga itlog ng mga ibon sa mga pugad ng mga ito at ipagbili
C. paggawa ng uling mula sa mga sinunog na puno sa bundok at pagkakitaan
D. pagsasagawa ng coastal clean-up sa baybayin ng dagat na nasasakupan ng barangay
33. Bakit ipinagbabawal ng pamahalaan ang paggamit ng lambat na may maliit na butas sa panghuhuli ng
isda sa mga ilog at dagat?
A. nahuhuli kahit ang mga maliliit na isda na kailangan pang lumaki
B. nalalambat ang mga koral na pinangingitlogan ng mga isda at iba pang lamang-dagat
C. nahahalo ang mga basura sa mga nahuhuling mga isda
D. nahihirapan ang mga mangingisda sa paggamit ng lmabat na may maliliit na butas
34. Alin sa mga sumusunod na gawain ang hindi nakatutulong sa pangangalaga sa kapaligiran?
A. pagtatanim ng mga halaman sa mga bakanteng lote sa pamayanan
B. pagpaparami at pagpapalahi ng ibat ibang uri ng hayop at halaman
C. pasasagawa ng wastong pangangasiwa at pamamahala sa mga basura
D. pamumutol at pagsusunog sa mga halaman at puno sa mga kabundukan
35. Ano ang gagawin mo sa iyong mga basura upang ang mga ito ay maging kapaki-pakinabang?
A. sunugin ang mga ito
B. itambak ito sa mga bakanteng lote
C. i-recycle ang mga ito
D. ibaon ang mga ito sa lupa
36. Kinakailangang pumutol ng punongkahoy para makagawa ng papel. Upang hindi maubos ang puno sa
gubat, ano ang dapat gawin pagkatapos putulin ang mga ito?
A. magtanim ng ng bagong puno
B. maghanap ng bagong lugar na pagpuputulan ng puno
C. ireport ito sa kinauukulan
D. palitan ang mga pinutol na puno ng mga artipisyal
37. Ano ang maaaring mangyari kapag patuloy ang mga tao na magtatapon ng basura sa ilog at dagat?
A. magiging kaakit-akit ang ilog at dagat
B. malalason at mamamatay ang mga isda
C. magiging mas malinis ang tubig sa mga ito D. bibilis na mangitlog at dadami ang mga isda
38. Inaasahang dadalo sa susunod na mga araw ang meyor ng iyong lugar. Bilang isang bata, ano ang
maaari mong maitulong sa iyong pamayanan upang masiyahan ang meyor sa pagbisita nito?
A. tumulong sa paglilinis at pagpapaganda sa mga kalsada
B. makipagplano sa mga opisyal ng barangay para sa gagawing paghahanda
C. magbigay ng perang donasyon sa barangay para sa pagpapayos ng paligid
D. panuorin lamang ang mga kabaranggay na naglilinis sa at naghahanda para sa pagbisita
39. Kailangang dumalo ang iyong nanay sa seminar tungkol sa Pangangalaga sa Kalusugan ng Pamilya
ngunit hindi siya makaaalis dahil marami pa siyang gawain sa inyong tahanan. Ano ang sasabihin mo
sa kanya?
A. Pumunta na po kayo at ako na po ang gagawa ng iyong gawain.
B. Bahala po kayo kung dadalo kayo o hindi, wala po akong pakialam.
C. Bakit po kayo dadalo kung hindi pa ninyo natapos ang iyong gawain?
D. Gawin nyo na lang ang iyong trabaho at ako na lang po ang dadalo sa seminar.
40. Bakit mahalagang dumalo ka sa mga seminar sa paaralan tulad ng seminar tungkol sa ipinagbabawal
na gamot?
A. Mahalagang dumalo upang malaman ang mga hakbang para maiwasan ang paggamit ko ng bawal
na gamot.

B. Mahalagang dumalo upang malaman ang mga bawal na gamot na angkop kong gamitin.
C. Mahalagang dumalo upang malaman ko kailan ako magsimulang gumamit ng mga bawal na gamot.
D. Mahalagang dumalo upang malaman ko ang magandang dulot ng paggamit ng bawal na gamot.
41. Paano ka makatutulong sa inyong pamayanan sa pagpuksa ng nakamamatay na sakit na dengue?
A. Anyayahan ang mga kaibigan na sama-samang patayin ang mga lamok nang isa-isa.
B. Sunugin ang mga basura uang maitaboy ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
C. Makipag-ambag sa mga kapitbahay para sa pambili ng mga insektisidyong pamuksa ng lamok.
D. Makipagtulungan sa paglilinis sa mga lugar na pinangingitlogan at pinamumugaran ng mga lamok.
42. Habang pauwi ka sa inyo galing paaralan ay hinarang ka ng ilang tambay at inaalok ka ng sigarilyo.
Ano ang nararapat mong gawin?
A. Tanggihan ang alok dahil nakasasama ito sa iyong kalusugan.
B. Makipagsuntukan sa mga tambay na umaalok sa iyo ng sigarilyo.
C. Subukang humitit upang malaman ang pakiramdam ng naninigarilyo.
D. Pagbigyan ang mga nag-aanyaya upang hindi ka sasaktan o aawayin.
43. Sa pagdiriwang ng bagong taon, paano ka makaiiwas sa panganib na dulot ng paggamit ng mga
paputok?
A. magbasag na lang bote imbes na paputok B. magsunog ng goma at mga plastic
C. gumamit na lamang ng torotot
D. magpatulong sa mas nakatatanda sa paggamit ng
paputok
44. Paano mo ipaliliwanag sa kapatid mo and islogan na Say No To Drugs?
A. Huwag magtapon ng basura kahit saan.
B. Huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot.
C. Walang pag-asang umunlad ang taong tamad.
D. Mag-aral nang mabuti para hind imaging
mangmang.
45. Ano ang iyong magiging batayan sa pagbili ng pamuksa sa mga mapaminsalang kulisap nang hindi
naapektuhan ang kalusugan ng iyong pamilya?
A. marami ang laman ngunit mura
B. mabagsik ang amoy upang lalong mabisa
C. gawa sa natural na sangkap
D. mahal ngunit garantisado
46. Sa panahon ng tag-ulan, nagiging marumi ang tubig at laganap ang sakit tulag ng diarrhea at cholera.
Ano ang maimumungkahi mo sa iyong mga kasambahay upang maging ligtas sa mga naturang sakit?
A. mag-imbak ng maraming tubig
B. pahanginan ang iniinom na tubig
C. pakuluan ang inuming tubig
D. humingi ng inuming tubig sa health center
47. Ano ang maitutulong mo sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa pag-iwas sa sakit na dengue?
A. Gumawa at magpaskil ng poster tungkol sa mga impormasyon sa pag-iwas sa sakit.
B. Magpanawagan sa mga istasyon ng radio at telebisyon sa pagpapalaganap ng impormasyon.
C. Mag-imbita ng doktor na magiging tagapagsalita sa isang seminar tungkol sa dengue.
D. Magbahay-bahay sa pagbibigay-impormasyon tungkol sa pag-iwas sa sakit.
48. Kung nadiskubre mong ang isang bagay o gamit na binili ay may depekto, ano ang gagawin mo?
A. magreklamo agad sa tindahan at papalitan ito
B. huwag na lang pansinin dahil nabili na ito
C. hindi na bibili ulit sa pinagbilhang tindahan D. awayin ang tindera ng tindahang nagtinda ng depekto
49. Kung ang inyong kapitbahay ay grabe kung manakit ng mga anak nang madalas, ano ang maaari mong
gawin?
A. Hindi ako makikialam dahil baka ako ang susunod na saktan.
B. Ipapaalam ko sa mga kinauukulan upang imbestigahan ang pananakit.
C. Iiwasan kong makipaglaro at makipagkaibigan sa mga anak ng aming kapitbahay.
D. Isusumbong ko sa aking mga magulang upang awayin ang nanakit naming kapitbahay.
50. Upang hindi malulong sa mga masasamang bisyo ang mga kabataang katulad mo, ano ang maaari
mong gawin?
A. Mag-istambay sa computer shop kasama ang barkada.
B. Makipagkaibigan sa mga lasenggo at drug addict na kabataan.
C. Mamasyal sa mga mall tuwing pagkatapos ng klase araw-araw.
D. Magkaroon ng regular na palaro sa basketball court ng barangay.
Inihanda ni:
CRISANTO R. OROCEO
Master Teacher I

You might also like