Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

HAIKU

isang uri ng tula na may lima pito- lima (5-7-5) na pantig at


binubuo ng tatlong taludtod.

PANANAMPALATAYA
Mabuting gawa
Mayroong gantimpala
Galing sa AMA.
Ama sa langit
Ikaw ngayoy magalit
Sa malulupit.

SINING
Mahirap pala
Ang lima-pito-lima
Pantig na tula.
Kakaiba nga,
Ganitong mga tula
Nakakasigla.

PAG-IBIG
Diwa kot puso,
Ay para lang sa iyo,
Minamahal ko.
Iyong alindog
Sa akiy tumatagos
O, aking irog.

PAG-AASAWA
Madaling-araw
Nang umuwi ng bahay,
Lasing na naman.
Pag-aasawa
Di kaning iluluwa,
Kapag ayaw na.

KAIBIGAN
Ang kaibigan
Iyong malalapitan
Sa kagipitan.
Pakikisama
Sa iyong mga kapwa
Dulot ay saya.

KAMATAYAN
Saan tutungo
Itong buhay ng tao,
Sa ibang mundo?
Kabilang buhay,
Totoo ba o sablay
Kapag namatay.

TANAGA

mga tulang may pitong (7)


pantig at apat (4) na taludtod

WALANG MALAY

Ang ulan ay pag-asa,


Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingiy pinsala?

TUNAY NA SAKIT

Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat bang dahilan
Baha sa kapatagan?

INOSENTE

Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.

ULING

Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

NILILIYAG

Ang kanyang tinging titig,


Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

LAS 22: Tula ng Aking


Damdamin!
Sa isang buong papel, kopyahin
ang sumusunod na katuturan.
Matapos ay bumuo ng tig-isang
halimbawa ng Haiku at Tanaga.
Ipasa sa subject monitor.

HAIKU
isang uri ng tula na may lima pito- lima (5-7-5) na pantig at
binubuo ng tatlong taludtod.

PAG-IBIG
Diwa kot puso,
Ay para lang sa iyo,
Minamahal ko.
Iyong alindog
Sa akiy tumatagos
O, aking irog.

TANAGA

mga tulang may pitong (7)


pantig at apat (4) na taludtod

NILILIYAG

Ang kanyang tinging titig,


Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

You might also like