Darna at Ding451

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Jed Charles G.

Maderazo
MC-22
Eseng
Nagising ako dahil sa ingay sa labas, sanay naman na ko kasi lage namang ganito
sa Tondo, ako nga pala si Eseng, Isang Probinsyano na lumuwas dito sa maynila
para maghanap ng trabaho. Di pa man ako nakakapaghilamos, radyo agad ang
hinanap ko, youre all I need to be with Forevermore yan agad yung kantang
narinig ko kasunod ang programang lage kong pinapakinggan (radio Dj) Isa sa
mga nagpadala ng liham ngayong araw ay si Ding ,ako nga po pala si Ding
nagsimula ang aming istorya ng pag iibigan noong nakilala ko si Zsa zsa Zaturna isa
syang prostitute sa pitong gatang habang ako namay batang quiapo laki sa
mausok, magulo at maingay na kalsada. Pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho
ay dumiretso na ko sa paboritong cabaret, Ang Scorpio nights lage akong
pumupunta doon upang mag alis ng pagod. Pagkatapos kong uminom ay tinawag
ko ang suki kong masahista pero wala daw sya noong mga panahon na yun. Inalok
nila ako kung gusto ko raw umarkila na lang ng isa sa mga comfort women nila para
magmasahe saken. Napansin ko agad isang babaeng napakaganda , si Zsa Zsa
mabait sya at talagang maalaga, naisip ko na siguradong babalik balikan ko sya sa
cabaret na iyon. Ilang buwan pang panunuyo at napasagot ko sya, wala na akong
pakialam kahit anu pang sabihin ng ibang tao tungkol sa relasyon namen. Pumunta
ako sa bahay nila upang magpakilala sa pamilya niya, masungit ang Madrasta niya,
yun din ang pumilit sakanya para magtrabaho sa cabaret. Ang tatay naman niyang
si Andres ay wala ng ibang alam gawin kundi uminom. Nagalit sila sa akin dahil ako
daw ang dahilan kung bakit ayaw nang maghanap-buhay ni Zsa zsa para sa kanila.
Noong minsan nga na akoy dumalaw sa kanila ay naabutan ko pang nag-iinuman
ang kanyang tatay at ang mga katropa nito na Moron 5, mga lasinggero din ito ,
malalaki ang katawan at palaging nakikipagaway sa kalsada. Napadaan lamang ako
noong akoy kanilang tawagin.
Andres: Hoy Ding ! uminom ka muna dito !
Ding: ay sorry ho pero di ho ako umiinom
Andres: aba, tarantado ka ipinapahiya mo ako sa mga kaibigan ko
Ding: hindi naman ho sa ganun di lang tlga ako umiinom
Andres: Ah hindi pala ah, etong sayo!
*sinuntok sa tiyan*
Ding: hindi ho ako lalaban
Moron 5: duwag pala to eh, gulpihin pa naten
Pagkatapos ng gulo ay umalis na lamang ang mga lasinggero.
Ding: Babangon akot dudurugin kita
Yan na lamang ang nasabi ni ding dahil sa mga suntok at sipa na inabot niya sa
tatay ng nobya niya.
Kinabukasan ay kinausap ni Ding ang kanyang tatay para maghinganti sa mga nang
gulpi sa kanya , anak pala siya ni panday ang pinakasikat na hitman sa lugar nila

pero matagal na siyang nagretiro, si Ding lamang ang nag udyok sa Pagbabalik ng
panday. Walang kahirap hirap nilang tinalo ang tatay ni Zsa zsa at ang Moron 5.
Nag-uusap ang dalawa.
Ding: Aishite imasu.
Zsa zsa: Ha? Anung ibig sabihin nun?
Ding : Di ko din alam eh pero mukhang sweet pakinggan dba? Okay na yun.
Zsa Zsa: Ako din meron Sayonara.
Ding: Ano yun?
Zsa zsa: Goodbye, kase hihiwalayan na kita pag di ka tumigil sa mga kalokohan mo
Ding: Joke lang naman eh
Zsa zsa: Paano kung sabihin kong bukas nalang kita mamahalin?
Ding: Edi maghihintay ako , kahit pahiram lang ng isang umaga para makasama ka
Zsa zsa: wow! Hugot , tigilan na naten to kase medyo nagiging korni yung istorya .
Ilang taon na rin kameng nagsasama ngayon at mayroon ng 3 anak, OFW ako
ngayon sa Madagascar at lagi silang pinadadalhan ng pera panggastos nila. Sanay
nagustuhan niyo ako aking kwento Mr.DJ, palage akong nakikinig sa inyo . Lovingly
yours, Ding
Hays ang panget naman nung kwento sa radyo ngayon, makapagbukas na nga lang
ng t.v. naiinis na talaga ako sa ingay sa labas , Kasal, kasali, kasalo , ayoko niyan
comedy yan eh, Wanted perfect father parang andrama naman masyado . Basa sa
dagat, aba, parang okay tong pelikula na to ah,
babae: ligaya ang itawag mo sa akin, dahil papaligayahin kita buong magdamag.
Ay! Bastos pala tong palabas na to! Papatayin ko na sana ang t.v. ng magsalita ang
El presidente
President: Panandaliang pinuputol ang programang ito dahil sa mahalagang
impormasyong sasabihin ko, umaatake ngayon sa maynila ang ibat ibang klase ng
nilalang , lahat ay mag ingat at kung maaari ay wag na lamang lumabas ng
kanilang mga bahay .
Natakot ako sa narinig ko, totoo ba to? Talaga bang nangyayari to? Binuksan ko ng
bahagya ang bintana at tumabad sa akin ang nakakakilabot na mga
nilalang ,aswang , tiktik at yung mga tinatawag nilang zombading , alam ko
nakakatawang pakinggan yung huli pero totoo sila ,mga baklang namatay pero
muling nabuhay . di ko na alam ang gagawin ko naisip kong magtago nalang pero
alam ko na makikita din nila ako . Tinawagan ko yung kaibigan kong pulis si
Praybeyt Benjamin para tulungan ako. Mabilis naman siyang nakarating para
madala ako sa ligtas na lugar. Paglabas ko ng bahay ay madilim ang
paligid,makikita sa kalangitan ang mga bituing walang ning ning, tanging ang
buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag. Naabutan kame ng isang zombading , at
sumigaw ng Patikim ng pinya mo ! Hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa
dahil sa sinabi niya. Bago pa niya ako mahabol ay binaril na agad siya ng kasama ko
. ilang minuto rin kameng nagtatatakbo, sobrang nagkakagulo na kaya
nagkahiwalay kame ni Praybeyt Benjamin at dahil hindi ako armado ay naghanap
ako agad ng bahay na mapagtataguan ko. Sa di kalayuan ay may nakita akong

malaking bahay, kumatok agad ako sa pinto.


Eseng: Tao po! tao po! tulungan niyo ko!
Dahan dahang bumukas ang pinto at may babaeng sumalubong sa akin.
Ang pangalan daw niya ay Corazon.
Corazon: Tumuloy ka
Eseng: Salamat!
Corazon: Ligtas ka dito wag kang mag alala.
Pumasok na ko sa malaking bahay na yun, medyo creepy siya kase katulad sya dun
sa mga napapanood ko sa mga palabas, yung isa sa mga katulong niya kuba tapos
nakakatakot pa yung itsura.
Corazon: Gusto mo ba munang kumaen iho?
Eseng: Busog pa ho ako eh.
Corazon: Kumaen ka.
Eseng: Pero busog pa--Corazon: Kumaen ka sabe !
Eseng: Opo! opo! Eto na nga eh ! kakaen na nga diba ??
Iginala ko yung mga mata ko para makita ang kabuuan ng bahay naku, langya
mukhang Haunted house pa yata tong napasok ko.
Nagpakilala na si Corazon sa akin at pinakita ang tunay niyang katauhan, siya pala
ang unang aswang , siya din ang may gawa ng iba pang nilalang na nagkakalat ng
lagim sa labas . Balak na sana niya akong gawing isa sa mga nilikha niya.Takot na
takot ako hindi ako makakilos habang nakatitig lang sa akin yung chop chop lady sa
isang sulok . Sa isip isip ko mukhang katapusan ko na .. Biglang bumukas ang pinto!
Pumasok ang isang babaeng pamilyar ang mukha , parang nakita ko na sya ..siya
nga si Darna! Di ako makapaniwalang totoo siya pero nandito na sya sa harap ko .
ililigtas niya ko! Ilang minuto din syang nakipag laban sa mga masasamang nilalang
bago niya ko malapitan.
Darna: Okay ka lang ba?
Eseng: Oo naman, maraming salamat ah, di ko to makakalimutan.
Darna: Sige madame pa kong tutulungan sa labas.
Eseng: Salamat ulet, kahit saglit ka lang lumabas dito sa istorya ko.
Umalis na si Darna pagkatapos noon, Masaya ako dahil sa tingin ko magiging ayos
na ang lahat. Biglang bumalik ang takot ko ng makarininig ako ng malalaking yabag
ng paa. Pagtalikod ko nakita ko na ang nagdudulot ng pagyanig ng bahay. Isang
Giant!

You might also like