Salik

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MGA SALIK NA

DAPAT
ISAALANGALANG

Sa panahon ng pagdadalaga,
mahalagang isaalang-alang hindi
lamang ang pangangalaga sa sarili
sa panahon ng pagreregla kundi
maging ang wastong pagkilos,
pananamit, pananalita at
paninindigan.

PAGKILOS
Kumilos nang kanais-nais saan ka
man naroroon. Ang iyong katawan
ay hindi dapat makatawag pansin
upang hindi makaakit nang
seksuwal sa mga kalalakihan.
Lumakad nang maayos at may
wastong tikas. Iwasan ang sobrang
pagkembot ng balakang. Umupo
nang magkadikit ang mga hita at
tuhod

Upang hindi mapansin ang mga


kasuotang panloob. Kumilos
nang may paggalang sa sarili sa
lahat ng pagkakataon.

PANANAMIT
Magsuot ng damit na bagay sa iyo
ang kulay at disenyo. Iwasan ang
pagsuot ng maninipis na damit na
nakikita o nababakas ang mga
kasuotang panloob, mga malalalim
ang leeg o litaw ang tiyan at dibdib o
walang manggas. Magsuot ng palda
na may katamtamang iksi. Ang
pantalon ay di dapat hapit sa
katawan. Iwasang magsuot ng

PANANAMIT
sobrang iksi na mga shorts. Ang
hindi wastong pananamit ay
nakatatawag ng masamang
kaisipang maaaring maging dahilan
nang hindi paggalang sa iyo.

PANANALITA
Maging magalang at mapili sa
pananalita kung nakikipag-usap sa
tao. May mga paraan ng pagsasalita
na nakatatawag pansin at ang
kasunod noon ay paglait at di
paggalang sa iyong pagkababae.
Ang pagtawa nang sobrang lakas ay
di kanais-nais sa isang babae.

PANININDIGAN
Ang pagkakaroon ng prinsipyo sa
buhay ay dapat magsimula sa
murang isipan upang maging gabay
sa pagpapahalaga sa dangal ng
buhay.

PANAHON NG PAGTUTULI
Ang pagtutuli ay isinasagawa sa
lalaki upang maging makinis at
maalis ang kulubot ng dulo ng
tunod. Ang pagtutuli ay isang
simpleng operasyon kung saan
inaalis ang sobrang balat na
bumabalot sa gland o ulo ng tunod.
Itoy ginagawa upang mapanatiling

PANAHON NG PAGTUTULI
Malinis ang dulo ng tunod at
maiwasan ang impeksyon. May
mga batang tinutuli matapos
ipanganak, ngunit may paniniwala
rin na ang pagtutuli ay palatandaan
ng pagbibinata kayat ginagawa ito
sa gulang ng 10 hanggang 14 na
taong gulang.

PANAHON NG PAGTUTULI
Maaring isagawa ang pagtuli sa
ospital o sa klinika. Mayroon ding
mga albularyo na nagsasagawa
nito. Pero kapag ang sugat ay
namaga, kailangang ikunsulta agad
sa doctor upang malapatan ng
dagliang lunas ng antibiotics laban
sa impeksyon.

Pangangalaga sa Bagong Tuli


Mahalagang pangalagaan nang
wasto ang sarili kapag bagong tuli
upang mapabilis ang paghilom ng
sugat. Dapat gumamit ng
maluwang na pantalon, shorts o
padyama, upang mahanginan at
matuyo agad ang sugat. Kailangan
palitan ang balot ng tunod at linisin
ito araw-araw.

Mga dapat tandaan kapag


bagong tuli:
Magsabon at banlawang mabuti
ang mga kamay bago hawakan
ang sugat.
Linisin ang sugat ng katas ng
pinakuluang dahon ng bayabas
habang ito ay sariwa pa.

Tiyaking malinis ang tunod matapos


umihi. Gumamit ng malinis na bulak o
gasa sa pagpunas nito.
Kumain ng masustansiyang pagkain
upang mapabilis ang paghilom ng
sugat.
Iwasang kumain ng malalansang
pagkain tulad ng hipon, bagoong,
malasadong itlog, at iba pa. Itoy
magiging sanhi ng pangangati at kapag
di na mapigilan ang pagkamot, itoy
maaring maimpeksyon.

Kumunsulta sa doktor kapag namaga


ang tinuli.

You might also like