Unemployment Sa Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isa sa mga suliraning panlipunan ngayon ay ang lumalalalang isyu ng unemployment sa

bansa. Karamihan sa mga Pilipino ay walang mapasukang trabaho. Kahit patuloy na


umuusbong ang ekonomiya ng Pilipinas, tumaas pa rin ang bilang ng mga walang
trabaho.
Karamihan sa mga walang trabaho ay mga nakapagtapos lamang ng high school, mga
hindi natapos ang kolehiyo at pati na rin ang mga nagtapos ng kolehiyo .
Isa sa mga dahilan kung bakit maraming walang trabaho sa Pilipinas ay dahil sa hindi
pagtatapos ng pag-aaral. Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, nahihirapan ang mga
pamilyang Pilipino na mapagaral ang kanilang anak.
Maraming maaaring gawing solusyon ang pamahalaan para mabawasan ang pagdami
ng mga walang tranaho sa Pilipinas.
Una, bigyang pansin ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas upang sila ay makalinang
ng mga matatalino at magagaling na mga manggagawa. Sa paraang ito, maraming mga
institusyon ang maaaring tumanggap sa mga nakapagtapos ng pag-aaral.
Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya ng Pilipinas at magbukas ng mga kumpanya
upang maraming mapasukan ang mga manggagawa.
Ikatlo, ang pamahalaan sa tulong ng pribadong sektor, ay dapat ipagpatuloy ang
pagsasagawa ng job fare upang mabilis na makahanap ng trabaho ang mga
manggagawa ayon sa kanilang kalakasan o kakayahan.
Ang isyu ng kawalan ng trabaho ay repleksyon ng kalagayan ng ating bansa. Maraming
mga tao ang maghihirap kung wala silang trabaho. Makatutulong ng malaki ang mga
solusyon na aking inilatag, hindi man nito lubusang matigil ang isyu ng kawalan ng
trabaho, malaki ang magiging epekto nito sa pagbawas ng bilang ng mga walang
trabaho o mapasukang trabaho sa bansang Pilipinas.

You might also like