Ilang Impormasyon Tungkol Sa Wika Summary

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Fil 40 8/4/2015

ILANG IMPORMASYON TUNGKOL SA WIKA


Depinisyon ng Wika
Bagay na pinakamisteryoso at pinakamakapangyarihan.
Kasangkapan sa mabisang komunikasyon.
Edgar Sturtevant (lingguwist)
Ang wika ay isang sistema (konsistensi o pagkakaroon ng
patern) ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa
komunikasyon ng mga tao.
Palatunugan at Semantika
Batayan ng iba pang sistema sa loob ng wika
Ang mga simbolong ito ay pawang arbitraryo sapagkat walang
rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito
sa kahulugan.
Kahit onomatopeya na ay iba iba din ang pagtukoy sa mga ito.
Kombensyon (iyon ang napagkaugaliang gamitin sa mga komunidad
na kung saan ginagamit ang wikang naturan) ang nagtatakda kayat
napakahirap hulaan o ipredik.
Makabuluhang pagsasama ng tunog.
Ang mga tunog na maaaring walang kabuluhan para sa iyo ay
maaaring likha ng mga speech organs (mga bahagi ng katawan na
ginagamit sa pagpapahayag tulad ng baga, gulung-gulungan,
ngalangala, ilong, dila, ngipin at labi).
Pinagmulan ng Wika
Kung paano nagsimula sa tao, ang wika ay walang tiyak na
paliwanag.
May mga hakahaka at ispekulasyon base sa mga inderektang patunay
(gaya ng wika ng mga bata, wika ng mga primitibong lipunan, mga
uri ng pagbabagong nagaganap sa mga wika, paguugali at kilos ng
ibang mga hayop na may mataas na antas ng karunungan).

Base sa inderektang katibayang nabanggit pitong teorya ng


wika ang bagamat hindi tahasang tinatanggap ay napag-uukulan
ng pansin:
1. Teoryang Bow-wow: panggaya sa mga likas na tunog
(ngiyaw, tilaok, tagiti)
2. Teoryang Pooh-pooh: ang wika ay galing sa instiktibong
pagbulalas na nagsasaad ng sakit, galak, at pithaya. Ang
unang mga pananalitang nalikha ay mga padamdam na
naghahayag ng biglang sulak ng damdamin.
3.
Teoryang
Ding-dong/Natibistiko:
mayroong
misteryosong ugnayan ang mga tunog at katuturan ng
isang wika. Ang mga primitibong tao raw ay may pekulyar
na instiktibong kakayahan na kapag may impresyong
galing sa labas ay tumutugon ang tao sa pamamagitan ng
tunog.
4. Teoryang Yo-he-ho: unang nahinuha ni Noire, isang
iskolar noong ikalabinsyam na dantaon. Ang wika ay
nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong
magkakatuwang sa kanilang pagtratrabaho (gaya ng
pagbuwal ng kahoy o ang pagaangat kaya ng malaking
bato).
5. Teorya ng Muestra: ang pagsasalita ay nauna sa
pagmumuwestra at ang sentro sa utak na kumukuntrol sa
paggalaw at pasasalita ay magkalapit at magkaugnay
kayat hindi katakatakang magkapanubay na bumuway ang
pagsasalita at pagmumuwestra.
6. Teorya ng Musika (at 7. Teorya ng Pakikihalubilo o
Kontak): ipinapalagay ni Otto Jespersen isang linguist na
Danish na ang mga naunang wika o yaong
pinakamatandang wika ay lubhang napakalalawig at
napakahahaba. Karaniwan ng may melodia at tono at hindi
nakakakomunika subalit madamdamin at mapagpahayag.
Kulang sa mga detalye at impormasyon subalit matulain,
emosyonal at lagi nang pag-ibig ang siyang
nakapangyayaring emosyon.

7. Teorya ng Pakikihalubilo o Kontak/Pakikisalamuha:


ayon kay G. Revesz, isang propesor sa Sikolohiya sa
Amsterdam, tinitingnan niya ang wika na nagmumula sa
likas na pangangailangan ng tao para makisalamuha sa
kanyang kapwa. At gumawa ito ng mga hakbang na siyang
nagsilang sa mga wika:
Tunog na kontak, di nakikipag-usap subalit
mapagpahayag ng hangarin ng taong makisalamuha a
kanyang kapuwa.
Panawagan, nakikiusap ng tahasan sa kapaligiran
subalit hindi sa kanyang kapuwa.
Pakiusap, itinutuon sa kanyang paunawa at umaasam
ng kasiyahan sa kanyang mithiin
Ang mga salita na ang gamit na panagisag ay totoo
lamang sa mga tao.

Wika, Dayalek at Idyolek


Dayalek
Dapat mabago ang nakaugalian nang pagbibigay ng leybel na
dayalek sa mga wikang Hiligaynon, Bikol, Ilokano at Ivatan (may
kani-kaniyang ponolodyi, morpolodyi, sintaks at semantiks ang mga
ito tulad ng Filipino, Pranses, Ruso at Niponggo). Hindi sapagkat
ang iisang wika ay ginagamit sa isang baranggay o baryo, tribu,
lalawigan o rehiyon ay hindi na ito wika.
Dala ng sosyo-heograpikang kadahilanan nagkakaroon ng mga
subgrupo ang isang wika.
Ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika. Ang pagkakaibiba ay maaaring nasa aksent, leksikograpiya o kayay nasa
pagbibigkas lamang.
Basehan ng dayalek ng isang wika:
1. Rehiyonal (Base sa lugar)
2. Sosyal ( Base sa uri ng grupo ng mga nagsasalita sa isang

lipunan)
Sa mga bansang industriyalisado:
Pormal: ang uri ng wikang sinasalita ng mga
nakapag-aral o cultured.
Impormal: wika ng mga ordinaryong mamamayang
hindi nakapag-aral
Pampanitikan: wika ng mga manunulat
Siyentipiko: wika ng mga sayantist
Istilo ng pananalita sa araling retorika
Pagkakaiba sa loob ng dayalek.
Ang pagkakaiba sa paraan ng pagpapahayag ng isang tao ay
maaaring magpakita ng pagkamagalang, pagkasalbahe, o
pagkatarantado kung hindi naman pagkaberde na siyang
impluwensiya ng kaniyang kapaligirang kinamulatan.
Maaaring napakaligoy, napakasimple o napakakomplikado ng mga
pangungusap kung hindi man punong-puno ng superlatibo o kayay
maraming pandiwa sa halip na pang-uri ang pananalita.
Idyolek
Tawag sa indibidwal na paggamit ng isang tao sa isang wika.
Walang taong masasabing pareho ang idyolek sa iba.
Ang pangkalahatang katipunan ng mga lingguwistik na pekulyaridad
ng isang tao.
Pangalan ng mga Wika at Dayalek
Ang mga pangalan ng wika ay karaniwan nang hango sa pangalan ng
tribo, baryo, lalawigan, rehiyon at bansa o kayay sa katangian o
tawag sa isang grupo ng tao na ikinakikilala dito.
Hindi kinikilala ng wika ang hanggahing politiko-geograpikal.
Halimbawa:
Base sa pangalan ng bansa: Aleman, Ingles, at Hapon
Base sa rehiyon: Bisaya, Bikol at Tagalog
Base sa mga tribo at maliit na komunidad: Abalog at Kalinga


Mga Taong Nagsasalita ng Isa o Maraming Wika
Sa isang Pilipinong namulat sa Hiligaynon:
Hiligaynon: Katutubong wika, unang wika o Inang Wika
(wikang kinamulatan at natutunan at sinalita sa kanyang
kamusmusan).
Ilokano: Banyaga.
Susunod na wikang Hiligaynon na matutuhan: Pangalawang
wika, pangatlo, pangapat, etc.
Maaaring mawala o mapanatili hanggang sa pagtanda ayon sa
kapalaran ang isang wika (madalas mangyari sa batang palipat-lipat
ng tirahan ang mga magulang).
Ang isang Pilipino na kapwa Pilipino ang magulang subalit
ipinanganak sa Pransiya at unang natutunan ang Pranses sa kanyang
kabataan:
Pranses: Inang wika.
Tagalog: Pangalawang wika (na katutubong wika ng kanyang
mga magulang).
Bilingual: Marunong magsalita ng Pranses at Tagalog
Monolingual: Pranses lamang ang kaya niyang salitain.
Trilingguwal: Maaaring wika sa kanyang rehiyon, ang Tagalog at
Ingles (tatlong wika). Maaari ring may mga Pilipino na nagpalipatlipat sa ibat ibang bahagi ng kapuluan para sa edukasyonal at
ekonomikong kadahilanan (Poliglot ang tawag sa mga taong ito).
Gayunpaman, walang garantiya na kapag ang isang taoy nagsasalita
ng dalawang wika o lalo na ng maraming wika ay masasabing
matatas siya o fluent sa mga wikang kanyang sinasalita o pareho
kaya ang katatasan niya sa dalawang wika.
Para sa Komunikasyon ang Wika
Tagapagsalita: Pagsasalin ng impormasyon mula sa isang tao tungo
sa isa pang tao.

Tagapakinig: Grupo ng mga tao na karaniwang sinusuklian ng


reaksiyon na pinatutungkulan.
Ang wika ay binubuo ng mga makabuluhang mensaheng
ipinahihiwatig sa pamamagitan ng pagsasama ng mga ponema ng
bubuo sa mga morpema o mga salita kaya.

Lingua Franca
Maaaring ang wika ay isang lingua franca ng dalawang taong
kabilang sa dalawang speech community o kayay multilingual na
komunidad.
Wika ng interkomunikasyon.
Griyego: Lingua franca sa buong Mediterranean at Kanlurang Europa
noong panahon ng Antiquidad.
Latin: Lingua franca sa buong Mediterranean at Kanlurang Europa
noong Middles Ages.
Ingles, Pranses at Aleman: Opisyal na kilalang lingua franca sa
daigdig.
Pranses: Lingua franca sa Africa ngayon.
Ruso: Lingua franca sa Rusya kahit hindi ito ang katutubong wika sa
mga Ruso.
Dalawang klase ng lingua franca sa Pilipinas:
1. Rehiyonal na lingua franca: Komon na wika sa rehiyon kung
saan ibat iba rin ang wika na sinasalita.
2. Nasyonal o pambansang lingua franca: Filipino o Ingles.
Sabir: Lingua franca na hindi ganap na wika subalit sa pamamagitan
ng ilang salik na pangwika ay nagagamit sa pakikipag-unawaan.
Hindi ganap na kompleto subalit may maayos na gramar kahit konti
ang bokabularyo.
Inatandang wikang sinasalita sa mga pier sa Mediterranean:
Popular na sabir noong unang panahon. Binubuo ito ng mga
salita at terminong galing sa wikang Italyano at wikang
Romances.
Pidgin (sinalaulang anyo ng salitang business) English:
Pinakapopular na sabir sa kasalukuyan. Sinasalita sa dulong

Silangan o Far East ng mga komersiante at mangangalakal.


May mga lingua franca na dahil sa katagalan at kombensyon ay
nagkaroon na ng hiwalay na gramar at nagiging isang ganap na wika
at kalaunay nagkakaroon na ng katutubong tagapagsalita:
Ang mga wikang Creole: nabubuo mula sa mga wikang Italyano
o kayay Kastila. Kabilang sa ganitong uri ng wika ang
Chahakano sa Zamboanga.
Ang lingua franca kapag kinikilalang pangkalahatang midyum ng
komunikasyon sa isang bansa ay nagkakaroon ng magandang
posisyon upang mabilis na mapaunlad.
Pambansang wika: Pagsasabatas sa pagkilala sa lingua franca.
Ang pagtanggap o pagtakwil; sa wika bilang isang wikang pambansa
ay nagkakaroon sosyo-politikal na implikasyon. Sikolohikal ang
negatibong reaksyon sa ganitong krisis at bagamat magkaminsay
politikal o racial. Maaaring grabe sa multilinggual na lipunan ang
problemang ito subalit lalong higit sa mga bansang may dalawang
kandidato sa pambansang wika (malaking problema ng Canada at
Norway).
Sapagkat ang pambansang wika ay nakalilikha ng malaking suliranin
sa isang bansa, magkaminsay hinahango ito sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng dalawa, tatlo o higit pang bilang ng mga wika.
Sa ganitong paraan ng pagplaplanong pangwika maraming gulo ang
kinakaharap.
1. Gayunpaman, sa siyentipikong paraan, maaaring ang
pambansang wikang itoy ibase sa isang wika sa pagsisimula
saka pasukan ng mga elemento ng iba pang wika o kayay
simulan sa dalawang wikang basehan.
2. Maaari ring sabay-sabay na tatlo o higit pang wika subalit ang
pagsasama-sama ay marapat na graduwal.
3. Maaaring isaalang-alan muna ang ponolohikal na antas, ang
morpolohikal, istruktural o semantikal o bukabolaryo kaya, o
kumbinasyon ng alin man sa nabanggit na sistema.

Ang lingua franca ay maaaring maging opisyal na wika gaya ng


karaniwang nangyayari sa maraming bansa. Nangangahulugang ito
ang ginagamit sa opisyal na komunikasyon sa estado sa kanyang
mamamayan o sa ibang mamamayan at ibang bansa sa daigdig.
Maaaring politikal, sosyal, ekonomikal, o kultural na transaksyon
ang nasangkot. May mga bansa na isa lamang (Hapon at Aleman)
ngunit mayroon rin namang dalawa o tatlo (Pilipinas) ang opisyal na
wika., palibhasa target ng gobyerno ay ang mga mamamayan o ang
internal na komunikasyon. Sa ganitong paraan may mga interpreter
para sa pakikipagtalastasan sa ibang bansa o mamamayan ng ibang
bansa.
Karaniwan din na ang lingua franca na siyang opisyal na wika ang
ginagamit na midyum ng pagtuturo. Ang inang wika ang
pinapaborang maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan
sapagkat madalas na ang pagkatuto o paggamit ng banyagang wika
lalo na yaong wika ng ibang kultura ay nagkakaroon ng alienating
effect sa isang indibidwal gaya ng anomie kung hindi man ng
lubusang pagbabago sa sensibilidad o pag-iisip ng isang estudyante
bunga na rin sa pagkakalantad sa sining , agham at teknologi ng
ibang bansang nasasangkot.

You might also like