Bawat bansa ay may natatanging lugar na hindi maiwasang
tumatak sa isipan ng isang tao, turista man yan o mamamayan ng naturang bansa. Pwedeng ito ay isang lugar na may ipagmamalaking dagat na ang buhangin ay sing puti ng perlas, pwede ring isang lugar na kung saan makikita ang isang tampok na bundok, o kaya naman isang lugar na kung saan ang nakaraan nitoy maituturing na kayamanan. Ang Pilipinas ay maituturing na isa sa pinakamayamang bansa pagdating sa mga makasaysayang pook nito. Espanya, Amerika at Hapon, iyan ay ilan lamang sa mga bansang sumakop sa ating bansa na nag-iwan ng malaking pagbabago hindi lang sa ating kultura at kaisipan pati na rin sa buong kasaysayan ng ating inang bayan. Isa sa pinakatampok na makasaysayang lugar sa ating bansa ay ang pulo ng Cebu. Ito ang kauna-unahang permanenteng tahanan ng mga Espanyol sa Pilipinas. Dito sa lugar na ito ay nangyari ang isa sa pinakamakasaysayang laban sa kasaysayan ng Pilipinas sa pagitan ng mga Espanyol na pinamumunuan ni Magellan at ng mga katutubong Pilipino na pinamumunuan naman ni Lapu-Lapu. Sa lugar na ito ay marami kang mapapasyalang makasaysayang pook na magbibigay at magpapakita sa iyo ng mga pangyayari ng nakaraan. Noong Mayo ng taong 2014, lumuwas ako kasama ang iba pang mga Girl Scout at Troop Leader ng aming bayan tungo sa pulo ng Cebu. Akoy lubos na nasasabik bago pa man kami sumakay ng sasakyang panghimpapawid sapagkat alam kong marami akong magiging karanasan sa pagpunta ko sa Cebu na hindi mabibili ng kahit anong bagay, at tiyak na aking dadalhin sa aking pag-uwi sa probinsya. Karanasang talaga namang nakapagbigay ng ngiti sa aking mga labi at ligaya sa aking puso na habambuhay tatatak sa isang tulad kong probinsyana.
Ang presyur na aking nararamdaman sa aking dalawang
tainga at ang pagpulupot ng aking tiyan ay indikasyon lamang na ang aming eroplanong sinasakyan ay papalapag na sa MactanCebu International Airport. Hindi masukat na kasiyahan ang aking naramdaman sa mga oras na iyon dahil sa wakas ay mapupuntahan ko na ang mga pinapangarap kong lugar tulad ng: Magellans Cross, Basilica del Santo Nino, Fort San Pedro at Chapel of San Pedro Calungsod. Mga lugar na datiy nababasa ko lang sa libro naming Araling Panlipunan at napapanood lamang sa telebisyon ngunit ngayon ay makikita ko na ng personal. Ang una naming tinungong lugar sa Cebu ay ang Magellans Cross. Akala ko noong una, itoy ubod ng laki, ngunit mali aking hinala. Itoy hindi kalakihan pero sa aking opinyon makakapasok naman ang mahigit 50 na katao. Ang labas nitoy maka-luma sa istruktura ngunit sa loob namay sobrang ganda. Ang kisame nito ay gawa sa bato na may mga imaheng inilalarawan ang pagtatatag ng Kristiyanismo sa ating bansa. Makikita mo din sa loob nito ang isang Kristyanong krus na tinanim ng mga manggagalugad na Portuges at Espanyol na pinangunahan ni Fernando de Magallanes nang marating nila ang Cebu sa Pilipinas noong Marso 15 , 1521. Ikalawa naming tinungo ay ang Basilica del Santo Nino na kung saan matatagpuan ang Sto. Nino na binigay ni Magellan kay Juana, ang asawa ni Raha Humabon, noong 1521. Ang harapan nitoy maka-luma at talaga namang ibabalik ka sa nakaraan samantalang ang loob nitoy sobrang linis at napakaraming daanan na pwedeng dahilan ng iyong pagka-ligaw. Napakaraming Pilipino ang dumadagsa sa basilicang ito na nagpapatunay ng ating pagiging makadiyos. Ikatlo naming pinuntahan ay ang Chapel of San Pedro Calungsod. Si San Pedro Calungsod ay isang Pilipinong Katolikong martir. Isa siyang akolito sa Hesuwitang misyonero na si Diego Luis de San Vitores. Pareho silang pinatay ng dalawang tubong
Chamorro habang nangangaral ng Kristiyanismo sa Guam. Ang
harap ng kapilyang ito ay napaka-simple ngunit ang linis tignan dahil sa kulay ng pintura nitong puti. Ang loob naman ay sobrang linis, maluwang at naka-air conditioned. Isa ito sa mga kapilyang napuntahan ko na masasabi kong may halong pagka-moderno ang disensyo. Sa pinaka-huli naman naming pinuntahan isa lang ang aking masasabi, Wow!. Akoy lubos na humanga sa lahat ng aking nakita sa ikatlong lugar na pinuntahan namin, ang Fort San Pedro, mapa-istruktura man yan o mga bagay at impormasyon sa loob nito. Ito ang naging pinaka-sentro ng bansang Espanya ng silay nasa bansang Pilipinas. Itoy itinayo ni Miguel Lopez De Legazpi noong ika-08 ng Mayo, taong 1565. Ito ay isa na ngayong maliit na museo at pook pasyalan. Sa loob nitoy iyong makikita ang mga ibat ibang memorabilia ng mga ibat ibang tao rin, mga simbolo ng kagitingan gaya ng watawat na ginamit noon ng mga katutubong Pilipino at mga imahe nina Lapu-lapu, Juana at iba pa. Sadya ngang napaka-yaman ng ating bansa pagdating sa mga makasaysayang pangyayari. Pangyayaring maituturing na yaman nating mga Pilipino dahil sa mga aral na taglay at binibigay nito sa atin na makakatulong sa pagsulong ng pagkakaisa, pagtutulungan at higit sa lahat, pagiging makabayan nating mga Pilipino. Naway ang nakaraay gawing sandigan at lakas ng bawat isa sa atin nang sa gayon ay maibalik ang mga tatak Pilipinong pag-uugali na alam kong natutulog lang sa ating mga katawan naghihintay lamang na pakawalan.