Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Project In

English
Prepared By:
Valerie I.Gaspar
Grade 9 SSC DDN

Prepared To:
Mrs. Romelinda De Guzman

1. ONOMATOPOEIA

The sheep went, Baa.


The large dog said, Bow-wow!
The snake slithered and hissed.
The wolves howled at the moon.
That cat will keep meowing until you pet it.
2. ALLITERATION
The captain couldnt keep the men in the cabin.
3. ASSONANCE
I must confess that in my quest I felt depressed and restless.
4. IMAGERY
Puking infant
Whining school boy
Young, sighing lover
The "justice" or upstanding leader
Silly old man who thinks he's still young ("pantaloon")
5. REPETITION
How the danger sinks and swells,
By the sinking or the swelling in the anger of the bells,
Of the bells,
Of the bells, bells, bells, bells,
Bells, bells, bells
In the clamor and the clangor of the bells
(The Bells by Edgar Allen Poe)

ALAMAT NG DAMA DE NOCHE

Noong unang panahon, may isang maharlikang mag-asawa na biniyayaan ng


isang anak na lalaki. Sapagkat, may kaya sa buhay, lumaki ang bata na
sinusunod ng mga magulang ang lahat ng kagustuhan nito. Hanggang sa
magbinata na nga ito at natututo ito ng maraming bisyo. Kasamang mga
kaibigang tulad din niya ay mga maharlika, natututo itong uminom,
magsugal at mambabae.
Nagpatuloy sa ganitong gawain ang binata hanggang sa mamatay ang mga
magulang nito at maulila. Nag-alisan na rin ang mga kasambahay nito ng
mamatay ang mga magulang niya. Walang nakakatagal sa ugali nitong palautos at pala-sigaw sa mga kasambahay.
Sapagkat wala itong alam na gawaing bahay ay gulo-gulo na ang dating
maayos at magandang tahanan. Napabayaan na ang mga tanim at ang
buong bahay ay puno ng agiw at alikabok. Napabayaan din nito ang sarili,
nangayayat ito at naging sakitin. Maging ang naiwang pamana ng kanyang
mga yumaong mga magulang ay unti-unti na ring nauubos.
Napaisip ang binata at napagtanto nito na isa lang ang solusyon sa kanyang
problema. Ito ay ang humanap siya ng mapapangasawa nang sa ganoon ay
may mag-aalaga sa kanya. Ipinangako din nito sa sarili na kapag siya ay
nakapag-asawa ay titigil na ito sa kanyang mga bisyo.
Nakapag-asawa nga ang maharlika ng isang mabait at masipag na dalaga, si
Dama. Hindi tulad ng asawa, si Dama ay hindi ipinanganak sa mga
maharlikang magulang sa halip siya ay pangkaraniwang tao lamang kayat
sanay siya sa hirap at sa mga gawaing bahay. Mahal na mahal ni Dama ang
kanyang asawa kayat pinagsisilbihan niya ito sa abot ng kanyang makakaya.
Tinupad din naman ng maharlika ang pangakong tatalikuran na nito ang
kanyang mga bisyo.
Maayos ang pagsasama ng dalawa nang isang araw, dumalaw ang mga
kaibigan ng maharlika. Niyaya ng mga kaibigan ang maharlika na makipaginuman, magsugal at mambabae tulad ng dati. Pinagbigyan niya ang anyaya
ng mga kaibigan. Minsan-minsan lang naman daw ito sabi niya kay Dama.
Ngunit naging madalas ang paglabas ng maharlika kasama ang mga
kaibigan at kung umuuwi ito ay disoras na ng gabi at lasing. Kawawa ang
asawa niyang si Dama na naiiwan sa bahay at kadalasan ay umiiyak na
inaantay ang pag-uwi ng maharlika.
Minsan, dahil sa tagal ng pag-aantay na umuwi ang asawa ay napadasal ito
na sana ay bigyan siya ni bathala ng kakaibang ganda upang ang kanyang
asawa ay hindi na kailan pa man aalis sa kanyang tabi. Nakatulog na itong
nag-aantay na dumating ang asawa.

Madaling araw na ng umuwi ang maharlika. Inaasahan nito na sasalubungin


siya ng asawa tulad ng nakaugalian. Ngunit walang Damang may hawak na
kape ang nag-aantay sa kanya. Tinawag nito ang pangalan ng asawa ngunit
walang sumagot. Pinuntahan niya sa kanilang silid ang asawa ngunit wala
din si Dama dito. Nagtaka ang maharlika kung saan naroon ang asawa. Hindi
ugali ni Dama na lumabas ng bahay ng hindi nagpapaalam sa kanya at
lalong hindi sa ganoong disoras ng gabi.
Lalabas na sana ito upang hanapin ang asawa ng may maamoy itong
mahalimuyak na bango. Hinanap nito ang nakakahalinang amoy na
nangagaling sa bintana sa kanilang silid at nakita nito ang isang halamang
may puting bulaklak. Noon lamang niya nakita ang bulaklak ngunit noong
sandali ding iyon ay alam niyang ito ang kanyang nawawalang asawa na si
Dama. Nagsisi ang maharlika kung bakit niya iniwan ang asawa ngunit huli
na ang lahat; ang kanyang mabait na asawa ay ganap ng isang halaman.
Simula noon, tuwing gabi ay humahalimuyak ang bango ng bulaklak upang
hindi siya iwan ng asawa at hindi na nga umalis sa tabi ni Dama ang asawa.

You might also like