2 Analysis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANALYSIS

Ang Laudato Si ay isang encyclical letter ni Papa Francisco, ang pinuno ng Simbahang
Katolika sa kasalukuyang panahon. Ang Laudato Si ay nangangahulugang Praise Be To You sa Ingles o Ikaw
ay Purihin naman sa Filipino. Tinatawag din itong On Care for our Common Home ni Papa Francisco dahil
ito ay naglalaman ng mensahe ni Papa Francisco sa lahat ng tao sa mundo tungkol sa pagkakasira ng
relasyon ng tao sa tao, tao sa kapaligiran, at higit sa lahat, tao sa Diyos.
Mayroong dalawang daan at limamput anim na pahina ang Laudato Si. Hindi siyentipikong paliliwanag ang
ginawa ni Papa Francisco, bagkus isang pananaw ng isang pinuno ng Simbahan. Sa unang kabanata nito
na namamagatang What is Happening to Our Common Home, nakasaad ang isa sa mga layunin ni
Papa Francisco kung saan nais niyang maibalita sa mundo ang mga kaganapan tungkol sa mga isyung
pangkapaligiran na nagsasanhi ng Climate Change. Nasabi ni Papa Francisco ang mga kahirapang
nahaharap ng mga bansang paunlad pa lamang dahil sa unti-unting pagkasira ng kalikasan.
Sa ikalawang kabanata na The Gospel of Creation, makikita lalo ang pagiging relihiyoso ni Papa
Francisco. Naisaad ni Papa Francisco ang relasyon ng siyensiya at relihiyon, na ang bawat mamamayan ay
may misyon na pangalagaan ang kapaligiran hinggil na rin sa labis na pag-unlad ng bawat lugar sa mundo
dahil ang mundo ay iginawa ng Diyos, at walang karapatan ang tao na sirain ito.
Sa ikatlong kabanata na The Human Roots of the Ecological Crisis, ipinasok ni Papa Francisco ang
kaugnayan ng mga gawa ng tao sa pagkasira ng kapaligiran. Ito ay ang pagiging gahaman ng tao kung
saan nagiging magkatunggali ang tao at tao para lamang makuha ang pansariling mithiin. Kahit na
magkaroon ng kahirapan, patuloy pa rin ang pagiging makasarili ng mga tao.
Sa ikaapat na kabanata na Integral Ecology, ang relasyon ng tao at ang lipunan, na hinding-hindi
maiaalis ang isyung pangkapaligiran sa tao, pamilya, trabaho, at sa pamahalaan, kung saan ang bawat

indibidwal ay may koneksyon sa kapaligiran. Ang isyu tungkol sa transgender at abortion ay nakasaad din
sa kabanatang ito kung saan ito ay hindi nakabubuti sa pananampalataya.
Sa ikalimang kabanata na Lines of Approach and Action, ang mundo dapat ay may isang karaniwang
layunin upang maibalik ang kaayusan ng kapaligiran, ngunit ito ay hindi masolusyonan kahit na mahigit
ang pag-unlad ng teknolohiya dahil na rin sa pagkakawatak-watak ng ibang mga estado dahil na rin sa
kahirapan at kaguluhan kung kayat hindi makabuo ng pangkalahatang sensus na mas kinakailangan
upang makagawa ng solusyon.
Sa huling kabanta na Ecological Education and Spirituality, layunin ni Papa Francisco na dapat ang
lahat ng tao sa mundo ay magbago upang magkaisa. Sabi pa ng papa, tayo ay hindi mulat sa ating
pinagmulan, pati na rin sa kinabukasan ng bawat isa. Ang pagkamulat ng bawat isa ay pagbabago tungo
sa isang magandang relasyon ng tao at ang bawat bagay sa kapaligiran, kung saan naiwawasto ang
kasalanan at pagkakamali na siyang pagnanais ng pagbabago at pag-asa.

You might also like