Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Magagawang

Aksyon
Ang Climate Change at Global Warming ay tunay nga na nararanasan at nararamdaman na dito sa
mundong kinabibilangan ng mga tao. Hindi ito dapat na isawalambahala dahil ito ay isang malaking
problema na hinaharap at haharapin pa ng lipunan. Walang spesipiko na paraan kung paano ito mawawala
ngunit may magagawa ang bawat isa para ito ay mapigilan o mabawasan man lang. May magagawang
mga paraan o hakbang para dito, mga aksyon na tunay nga na magbibigay ng "difference".

A. Sa Tahanan
1. Magtipid ng Kuryente. Malaki ang maiitutulong nito sa pagsagip ng ating kalikasan. DAhil sa kuryente, nagagamit ang mga
fossil fuels na non-renewable resources. Paano na lamang kung maubos ang mga ito?

Bawasan ang paggamit ng aircon


Huwag magsabay-sabay ng gamit ng appliances
Tanggalin ang saksak ng mga di ginagamit na appliances

2. Magtipid ng Tubig. Alam ng lahat na sa ating mundo ay may 75% na tubig ngunit ito ay unti-unti ng nababawasan dahil na
rin sa gawa ng tao. Ang ibang mga bodies of water ay tinatambakan at ginagawang mga buildings, subdivision at kung anu, ano

pa. Ang mga Freshwater naman at patuloy ng mga narurumihan gaya ng Ilog Pasig, Ilog Marikina. Ang mga coral reefs at kung
anu-ano pa sa mga saltwater ay nasisira na rin. Kung magtitipid ng tubig, malaki ang maitutulong nito.
3. Makiisa sa Earth Hour. Ang Darating na Earth Hour sa March 26, 2016 ay isang paraan upang maipakita natin ang suporta
sa pagsagip sa kalikasan. Hindi naman magiging kawalan ang isnag oras na pagpatay ng ilaw mula 8:30- 9:30 PM diba?
4. Kolektahin ang mga plastic bottles, lata, at kung anu-ano pa. Ibenta ito sa junkshop imbis na itapon lamang kung
saan saan. Sa junkshop kasi ay narerecycle nila ito at naicoconvert sa mas useful na mga bagay. Nagkaroon na ng pera ang
nagbenta, nakatulong pa siya sa kalikasan.
5. Gawing mga fertilizer ang mga balat ng mga prutas. Bukod sa bawas kalat ito dahil angg mga balat ng prutas ay
biodegradable, epektibo din silang fertilizer sa mga pananim.
6. Gumamit ng eco bags o anu man na narerecycle. REUSE. REDUCE. RECYCLE.
7. Bumili ng mga pagkain na dito galing sa bansa. Mas mainam na bumili ng locally grown na mga pagkain kaysa sa imported
dahil ang mga fuels na ginagamit para lang mai-import ang mga imported na mga pagkain ay sobrang higit na mas marami
kaysa sa locally grown food. ANg mga locally grown food din ay mas fresh at mas mainam para sa kalusugan.

B. Sa Paaralan
1. Itapon ang basura sa tamang tapunan at isegregate ito sa Biodegradable, Non-Biodegradable at Recyclable. Napakasimple
ngunit hirap sundin ng mga tao. Hindi naman napakahirap ng gawaing ito, isipin mo nalang icinlassify mo lang nang maayos ang
iyong basura, malaking kontribusyon na iyon sa Inang Kalikasan.

2. Maaring isang aircon na lamang ang gamitin kapag umuulan. Pwede naman ito dahil sobrang malamig na kapag umuulan
hindi ba? Kesa nangangatog sa lamig dahil dalawa ang aircon, mainam na isa na lamang. Hindi naman araw-araw ay umuulankonting sakripisyo lamang.
3. Mag-commute na lamang pag papunta sa paaralan. Ang mga Private Vehicles ay tumatagdag lamang sa usok. Kung sa public
vehicle ay marami na kayong nakasakay, isang sasakyan lang ang gamit.
4. Magplano ng mga activities gaya ng Tree Planting at kung anu-ano pa. Hindi lang yung isnag club lang ang may tree planting,
bawat isa, siguro ay isingit sa Outbound ay magkaroon ng Tree planting Activity.

C. Sa Simbahan
1. Ipalaganap ang mga paraan kung paano pa masasagip ang ating kalikasan gamit din ang mga salita ng Diyos. Ipaalam sa
mga tao kung bakit ang mga resources na nasa ating paligid ay napakahalaga.
2. Makiisa sa mga paraan na ito. Syempre hindi sapat na ipalaganap lamang ito, dapat pati ang Simbahan ay kaisa rin sa mga
paraan- pagkakaroon ng activities na pangsagip sa kalikasan, pagtitipid ng kuryente at kung anu-ano pa.
3. Patuloy na ipagdasal ang ating kailikasan. Hindi ito kakayanin ng tao at ng mundo kung hindi isasama ang Diyos sa bawat
hakbang na gagawin. Marapat lamang na ipagdasal ito.

D. Sa Bansa
1. Magkaroon ng transportasyon na eco-friendly. Siguro ay transportansyon na gumagamit ng enerhiya na galing sa araw o mga
biogas na fuel.
2. Pahalagahan pa rin ang agrikultura ng bansa. Mahalaga ang agrikultura ng bansa natin at dito tayo kilala. Sa isnag ekonomiya
ng bansa, mainam ang agrikultura, kaya't pangalagaan ang mga sakahan ng bansa hindi yung pinapatayuan ng mga gusali at
kung anu-ano pa.
3. Gumawa ng para mapalinis ang mga daan, ilog, at kung anu-ano pa.
4. Kailangan ay magkaroon ng ideya ang mga mamamayan, magconduct ng mga seminar and workshops tungkol dito.

5. Magkaroon ng mas marami pang proyekto ang pamahalaan tungkol dito. Isa rin sa dapat na pagtuunan ng pansin ng
Gabinete ng Pangulo ng bansa at ng Legislative na snagay ng pamahalaan.

E. Sa Mundo
1. Magkaroon ng pagpupulong ang ang lider ng iba't ibang bansa at ang Climate Change ang maging pangunahing topic dito.
Hindi ito mahirap pag-usapan dahil pangkalahatan ito na suliranin hindi lamang ng isang bansa, kundi ng buong mundo.
2. Magtulung-tulungan. Ang mga bawat hakbang ay magiging epektibo lamang kung lahat ay may ginagawang hakbang para
dito.

You might also like