Pagbabanghay NG Pandiwa 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pagsasanay sa Filipino

Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagbabanghay ng Pandiwa
Kakayahan: Naibabanghay ang pandiwa upang mabuo ang pangungusap

Banghayin ang pawatas na pandiwa na nasa loob ng panaklong upang


mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. (umasa) Bakit hanggang ngayon ay __________________ ka pa rin sa


mga magulang mo?
2. (dalawin) __________________ nina Ina at Cris ang kanilang lolo at
lola sa Batangas sa darating na Linggo.

3. (makipagdebate) Balita ko _______________________ ka na naman


sa kaibigan mo kanina.
4. (banggitin) _____________________ ba sa iyo ni Eduardo kahapon ang
plano niya?

5. (hanapin) Siya ang suspek na ___________________ ngayon ng mga


pulis.
6. (ilihim) __________________ niya sa akin ang tunay niyang layunin.
7. (buksan) ___________________ ko na ngayon ang mga bintana.

8. (kumain) Huwag ka munang lumangoy dahil ___________________


mo pa lang ng tanghalian.
9. (magsaing) Pagkatapos ko manood ng teleseryeng ito, _____________
na ako.

10. (paglaruan) ______________________ ngayon ng mga bata ang


kanilang bagong Lego set.
11. (maligo) __________________ mo pa lang, pinapawisan ka na?
12. (hiramin) Kay Helen mo ba _________________ ang aklat na binabasa
mo?
13. (manalangin) Gabi-gabi kaming ____________________ sa harap ng
altar sa sala.
14. (umutang) Bakit ubos na ang pera mo? Hindi ba __________________
mo pa lang kay Kuya Berto?
15. (matuto) ___________________ ka rin tumugtog ng gitara kung
magsasanay ka araw-araw.
2014 Pia Noche

samutsamot.com

Pagsasanay sa Filipino
Pangalan _________________________ Petsa ___________ Marka ______

Pagbabanghay ng Pandiwa (Mga Sagot)


Kakayahan: Naibabanghay ang pandiwa upang mabuo ang pangungusap

Banghayin ang pawatas na pandiwa na nasa loob ng panaklong upang


mabuo ang diwa ng pangungusap.

umaasa
1. (umasa) Bakit hanggang ngayon ay __________________
ka pa rin sa
mga magulang mo?
Dadalawin
2. (dalawin) __________________
nina Ina at Cris ang kanilang lolo at
lola sa Batangas sa darating na Linggo.

nakipagdebate
3. (makipagdebate) Balita ko _______________________
ka na naman
sa kaibigan mo kanina.
Binanggit
4. (banggitin) _____________________
ba sa iyo ni Eduardo kahapon ang
plano niya?

hinahanap
5. (hanapin) Siya ang suspek na ___________________
ngayon ng mga
pulis.
Inilihim
6. (ilihim) __________________
niya sa akin ang tunay niyang layunin.
Bubuksan
7. (buksan) ___________________
ko na ngayon ang mga bintana.
kakakain
8. (kumain) Huwag ka munang lumangoy dahil ___________________
mo pa lang ng tanghalian.
magsasaing
9. (magsaing) Pagkatapos ko manood ng teleseryeng ito, _____________
na ako.
Pinaglalaruan
10. (paglaruan) ______________________
ngayon ng mga bata ang
kanilang bagong Lego set.
Kaliligo
11. (maligo) __________________
mo pa lang, pinapawisan ka na?
hiniram
12. (hiramin) Kay Helen mo ba _________________
ang aklat na binabasa
mo?
nananalangin
13. (manalangin) Gabi-gabi kaming ____________________
sa harap ng
altar sa sala.
kauutang
14. (umutang) Bakit ubos na ang pera mo? Hindi ba __________________
mo pa lang kay Kuya Berto?
Matututo
15. (matuto) ___________________
ka rin tumugtog ng gitara kung
magsasanay ka araw-araw.
2014 Pia Noche

samutsamot.com

You might also like