Ang sakit niya ay brain tumor na ang tawag nila ay
neuroblastoma. Siya ay dumaan sa radiation at 8-cycle chemotherapy. Ngayon, di ko muna siya [pinahinga], kasi gusto ko totally magpahinga muna siya tapos pahinga sa chemo, pahinga sa lahat, para makabawi-bawi siya. Para next time, conditioned na conditioned na siya. Parang habang nagrorotate kasi kami roon, nakita naming malungkot yung mga bata. So I thought na kailangan nating gumawa ng proyekto na ma-a-address naman is yung mental health ng mga batang diagnosed with cancer. SIyempre iba yung masabihan ka na may cancer, iba kasi yung tunog nun e. Pero, ang pinaka ang nakikita ko dun kasi ay nawawalan sila ng pag-asa para bumalik sa dati nilang mga ginagawa So nag-isip lang ako ng isang creative na paraan na magiging entertaining na rin para sa mga bata. So what better way to spread awareness, and at the same time makapag-provide ka ng some sort of an entertainment para sa mga pasyenteng nakaconfine sa Cancer Institute, than the use of comics. Ang intention naman talaga natin dito - number 1, its to empower pediatric cancer patients. Pangalawa, hopefully we can help spread awareness. Kasi maraming mga Filipinos, siyempre alam nila may cancer, alam nila kasi one way or another meron silang relative na nagkaroon ng cancer. Pero I dont think they understand the full scope and the impact of the illness. Yung third nun, siyempre were hoping na sana ma-educate the parents, kasi may mga info ka rin na makikita dun sa comic book itself. Kumonsulta kami ng mga eksperto, mga child psychologist, mga dalubhasa sa language, sa grammar. At siyempre nag-recruit kami ng mga magagaling, mga beteranong comic book artists sa DC at Marvel, yung dalawang sikat na comic books ngayon. Kapag nailabas niyo na yun, mababasa ng mga bata, lalawak ang pag-unawa nila. Malalaman nila na may mga bata pala na hindi kagaya nila, na hindi ma-enjoy yung buhay dahil sa mga pinagdadaanan nila. Ang masasabi ko lang, wag silang susuko. Sa mga katulad kong mga magulang din, na may pinagdadaanan, wag kayong susuko kasi andyan ang Panginoon. Hindi tayo pababayaan. God will provide what we need. Sana po gumaling sila. Gumaling sila. At sana? Lumaban din. Mabuhay Phi Kappa Mu. I congratulate you sa inyong endeavor na ito. This is a first. I know you are full of brilliant ideas. Thank you so much for your help in sharing the burden of cancer - because our burden is really so much. Hindi pwedeng nag-iisa lang. And I know that you embody that idea na magkasama-sama ang lahat para sugpuin ang problema natin tungkol sa cancer.