Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG KALIKASAN AT ANG TAO

'' ANG DIYOS AY NILIKHA TAYONG LAHAT NG PANTAY-PANTAY''


Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo??
Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kanyang mga
likha. Ginawa ng Diyos ang Kalikasan hindi para sirain o
tapaktapakan. Dapat ang ating kalikasan ay pinapangalagaan.
Kung isa kang taong binibigyang importansya ang nilikha ng Diyos
na Maykapal, maiintindihan mo ang aking sinasabi,
mararamdaman mo ang aking pinapahiwatig at alam mo ang
gusto kong sabihin.
Ang kalikasan ay maihahalintulad mo sa isang sanggol. Malinis,
walang kasalanan at nakakatuwang tingnan. Ngunit sa paglipas
ng panahon maraming magbabago sakanya at sa maraming ito
sisiguraduhin kong hindi ka matutuwa.
Ang kalikasan ay parang isang tao rin na marunong masaktan.
Siguro kung naririnig lang natin ang sigaw ng kalikasan ay
binging-bingi na tayo. Kung nakakapagsalita lang siguro ang
kalikasan ay matagal na tayo nitong kinausap.
Tao? Hindi ka ba naawa sa ginagawa mo? Hindi sa lahat ng oras
ay nandiyan ang kalikasan para suportahan ang lahat ng
pangangailangan mo. Pinahiram ng Diyos ang kalikasan sa ating
mga tao hindi lang para sirain ng tao!!!
Isipin mo na lang akin sinasabi na ang lahat ng bagay ay may
katapusan hindi lang ang tao pati ang ating hindi binibigyang
importansyang KALIKASAN!!!!

You might also like