Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 22

YUNIT 2 : Pagpipinta

Aralin Bilang 2 : Kasuotan at Palamuting Etniko


I.

Layunin
A. Natatalakay ang kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa isang
pamayanang kultural sa bansa. (A4EL-IIb)
B. Nakakalikha ng sariling disenyo ng isang katutubong kasuotan.
C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kasuotan ng mga pangkat-etniko
sa pamayanang kutural sa pamamagitan ng pagsusuot ng
likhangsining na kasuotan.
II.

Paksang Aralin
A. Elemento ng Sining: Hugis at Kulay
B. Kagamitan : lapis, manila paper, gunting, watercolor, crayon

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ipatukoy ang foreground, middle ground, at background sa
sumusunod na larawan.

2.

Paggany
ak

Magpakita ng larawan ng mga batang Pilipino na may ibat ibang


palamuti sa katawan. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan ang
katangian ng mga palamuti sa kaniyang katawan.

(Hal. kuwintas, hikaw, damit, singsing, at


iba pa.)

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin sa mga bata na ang bawat pamayanang kultural ay may
kani-kaniyang kasuotan at palamuti.
Ang bawat pook o komunidad ay may produktong likhang-sining na
maipagmamalaki ng kanilang mamamayan dahil sa taglay na kagandahan
at pambihirang uri nito.
Ipakita ang makukulay na kasuotan at palamuti ng pangkatetniko.
Tboli
Ang mga Tboli ay makikita sa Cotabato sa Mindanao. Pangangaso,
pangingisda, at pangunguha ng mga prutas sa kagubatan ang kanilang
ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka. Naghahabi sila ng
tela para sa damit na ang tawag ay tnalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.
Sila ay tanyag sa kanilang kasuotan at palamuting kuwintas, pulseras, at
sinturon na yari sa metal at plastik. Ang kuwintas ay yari sa maliliit na butil
na tinuhog. Karaniwang kulay ng mga butil ay pula, itim, at puti. Ang
kuwintas na ito ay nilalagyan ng palawit na yari sa tanso. Nangingibabaw sa
mga kulay na ginagamit ng Tboli ang pula, itim, at puti.
Ipasuri sa mga bata ang hugis at kulay na makikita sa mga disenyong
kasuotan at palamuti ng mga pangkat-etniko. Pag-usapan ang larawan at
ang mga makikita rito.

Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paningin kung


maganda ang pagkakadisenyo ng mga elemento ng sining tulad ng hugis at
kulay. Ang paggamit ng overlap ay nakatutulong upang makatawag pansin
ang isang disenyo.
Ang overlap ay ang pagpapatong-patong ng mga hugis at bagay sa
larawan.
Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan at
makatotohanan sa pamamagitan ng tamang proporisyon.
Nakatutulong din ang pagpili ng kulay sa kagandahan ng disenyo. Ang
paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang mapusyaw na kulay ay
nakatutulong upang mapansin ang hugis o bagay sa larawan.

Itanong:
Anong hugis at kulay ang makikita sa larawan?
Paano nagiging maayos sa paningin ang pagkakaayos ng hugis at
kulay?
Hayaang magbigay ang batang sariling kaisipan tungkol sa pagkakaiba
ng ayos ng mga bagay sa larawan.
2. Gawaing Pansining
(Sumangguni sa GAWIN.)
3. Pagpapalalim ng Pag-unawa
Itanong:
Paano nagiging kaakit-akit ang mga disenyong pangkat-etniko?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang paggamit ng pagpapatong patong ng mga hugis
(overlapping) at matitingkad na kulay ay nakatutulong upang maging
kaakit-akit ang disenyo sa paglikha ng disenyo ng kasuotan
(Sumangguni sa TANDAAN.)
2. Repleksyon
Paano mo maipagmamalaki ang mga kasuotan at palamuti ng
pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural sa ating bansa?
IV.

Pagtataya
(Sumangguni sa SURIIN.)
Ipasuot sa mga bata ang kasuotan na kanilang ginawa at magkaroon
ng munting parada sa loob ng silid-aralan.
Itanong:
1. Ano ang mga kulay na kasuotan na maganda sa paningin?
2. Ano-anong hugis ang magandang gamitin sa bawat disenyo?
3. Ipatukoy ang mga overlap sa disenyo ng kanilang kasuotan.

ARTS 4
TOPIC:

DAY: _______

DATE: _______________

Kultura ng Pangkat-Etniko
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 3 : Kultura ng Pangkat-Etniko
I.

Layunin
A. Natatalakay ang kultura ng mga pangkat-etniko sa pamayanang
kultural sa bansa. (A4EL-IIC)
B. Naiguguhit at naipipinta ang larawan ng kultura ng mga pangkatetniko sa pamamagitan ng watercolour
C. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kultura ng mga pangkat-etniko sa
pamamagitan ng watercolor painting

II.

Paksang Aralin
A. Elemento at Prinsipyo ng Sining: Kulay (Katangiang Value o
kapusyawan o kadiliman ng kulay)
B. Kagamitan : Lapis, papel, watercolor, brush, tubig, basahan, lumang
diyaryo, mixing plate o recyclable container

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga gawain sa kasalukuyan. Ipatukoy ito sa
mga bata at ipalarawan ang katangian ng bawat isa. Hayaan din silang
magkuwento ng kanilang karanasan kapag ginagawa nila o nakikita ito.

Sabihin sa mga bata na ang mga gawaing ito ay ilan lamang sa mga
gawain na ginagawa din ng mga tao sa pamayanang kultural bilang bahagi
ng kanilang kultura
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang ibat ibang pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural ay may
mga sinaunang kultura na pinagyayaman pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Karamihan ay sinaunang gawain o nakagisnang Gawain upang ipagdiwang
ang kahalagahan ng buhay.
Kadalasan, ang kultura ng mga pangkat-etniko ay may kaugnayan sa
kanilang hanapbuhay. Kaingin, pagsasaka, pangingisda, pangangaso na
pangunahing pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay.
Maraming pangkat-etniko ang naniniwala sa dasal at
pananampalataya. Sila ay nagdaraos ng selebrasyon at ritwal tuwing may
kasalan, panggagamot, kapanganakan, paglilibing, at paglalakbay. Nag-aalay
din sila ng hayop bilang pasasalamat sa mga pangyayari.
Magpakita ng kultura ng pangkat-etniko

Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito.


(Sumangguni sa ALAMIN MO.)
2. Gawaing Pansining
(Sumangguni sa GAWIN.)
3. Pagpapalalim sa Pagkaunawa
Itanong:
1. Paano naipakikita ang value ng kulay sa pagkulay?
2. Paano mo nagagawang madilim at mapusyaw ang disenyo?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat

Naipakikita ang tamang value sa pagkulay gamit ang watercolour sa


mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng pagdadagdag ng tubigupang
maging mapusyaw at konting tubig upang maging mas madilimang kulay ng
likhang sining.
(Sumangguni sa TANDAAN.)
2. Repleksiyon
Itanong:
1. Ano ang nakatutuwang karanasan mo habang isinasagawa ang
watercolor painting?
2. Ano ang kakaibang epekto ng paglalagay ng mapusyaw at madilim
na kulay sa paglikha ng larawan sa pamamagitan ng watercolor?
IV.

Pagtataya
(Sumangguni sa SURIIN.)
Ipagamit ang rubrik sa pagsukat ng sariling kakayahan sa pagguhit.

V.

Takdang Aralin
Gumuhit ng isang gawain o tradisyon na ginagawa sa inyong paaralan.
Pintahan ito sa pamamagitan ng watercolour

ARTS 4
TOPIC:

DAY: _______

DATE: _______________

Pista ng mga Pamayanang Kultural


SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 4 : Pista ng mga Pamayanang Kultural
I.

Layunin
A. Napaghahambing ang ibat ibang pagdiriwang sa mga pamayanang
kultural sa bansa. (A4EL-IIF)
B. Nakalilikha ng isang myural ng isang selebrasyon o pagdiriwang
C. Naipagmamalaki ang pagdiriwang ng mga pamayanang kultural sa
pamamagitan ng likhang sining

II.

PaksangAralin
A. Elemento : Kulay
B. Kagamitan : lapis, papel, watercolor, cardboard, gunting, goma
C. Sanggunian : Sining sa Araw-araw 6, DECS PRODED

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Itanong:
1. Ipaliwanag ang value sa pagkulay.
2. Paano nagiging mapusyaw ang isang kulay? Madilim?
2. Pagganyak
Magpahula sa mga bata tungkol sa sumusunod na bagay. Ipatukoy ito
sa mga bata at ipalarawan ang katangian ng bawat isa.
Itanong sa mga bata kung saan nila ito madalas makita. Hayaan din
silang magkuwento tungkol sa kanilang karanasan pag may ganitong
okasyon.

1.

(pagkain)

2.

(banderitas)

3.

(magarbong kasuotan)

4.

(sayawan)

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ang mga Pilipino ay sadyang masayahin. Nakakapagbuklod tayo
dahil sa mga selebrasyon at pagdiriwang tulad ng panahon ng pagtatanim
at pistang bayan. Ang mga tao ay sama-samang nagsasaya, nagbabatian,
at gumagawa upang maisakatuparan ang layunin ng kanilang
pagdiriwang.
Pistang Bayan
Ang bawat lugar o bayan ay may kani-kanilang panahon ng pista.
Ito ay parangal sa santong patron ng bayan at ginagawa isang beses
sa isang taon. Ang mahahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang misa
at prusisyon. Dito nagkakasama ang magkakaibigan at magkakamaganak. Lahat ay nagsasaya dahil sa mga palaro at masasayang tugtugin
ng mga musikong umiikot sa buong bayan habang ang iba naman ay
nagsasalo-salo sa masaganang pagkain.
PAHIYAS

ng

Ang Pahiyas ay isang makulay na pista na ipinagdiriwang


tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon. Sa pamamagitan
pistang ito, pinasasalamatan ng mga magsasaka ang
kanilang patron dahil sa kanilang masaganang ani. Bahagi

ng selebrasyon ang pagdidisenyo ng mga bahay kung saan ito ay napapalamutian


ng kanilang sariling ani tulad ng mga prutas, gulay, palay, bulaklak, dahon, pako
at kiping na siyang nagdadala ng isang makulay na kabuuan.
PANAGBENGA
Ang Pistang Panagbenga o ang Baguio
Flower Festival ay ang taunang kapistahan sa
Lungsod Baguio na idinaraos sa buong buwan ng
Pebrero. Ipinagmamalaki ditto ang kasaganahan
ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang
mayamang kultura nila kung kaya ito ay dinarayo
taon-taon ng mga turista.
Ang salitang panagbenga ay may kahulugang, panahon ng
pagyabong, panahon ng pamumulaklak. Sa selebrasyong ito makikita
ang mga magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, eksibi
ng bulaklak, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pag-ayos ng bulaklak,
maningning na pagsabog ng mga paputok, at iba pa.
Pag-usapan ang larawan at ang mga makikita rito.
Itanong sa mga bata kung anong pakiramdam nila tuwing may mga
ganitong pagdiriwang. Ipapansin din sa mga bata ang mga kulay na
nangingibabaw kapag may mga pagsasaya tulad ng pista.
(Sumangguni sa ALAMIN MO.)
2. Gawaing Pansining
(Sumangguni sa GAWIN.)
3. Pagpapalalim sa Pagkaunawa
Itanong:
1. Paano nagagawa ng isang pintor na maipakita ang damdamin sa
kaniyang sining?
2. Ano-anong mga kulay ang nagpapahiwatig ng kasayahan na
kadalasang ginagamit sa mga pista?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Naipakikita ang damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng paggamit
ng kulay. Ang mga kulay tulad ng dilaw, dalandan, pula, at iba pa ay
ginagamit sa mga masasayang pagdiriwang o selebrasyon tulad ng pista.
(Sumangguni sa TANDAAN.)
2. Repleksiyon

Paano mo maipagmamalaki ang mga tanyag na pista sa ating bansa?


IV.

Pagtataya

(Sumangguni sa SURIIN.)
ARTS 4
TOPIC:

DAY: _______

DATE: _______________

Krokis ng Pamayanang Kultural


SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 5 : Krokis ng Pamayanang Kultural
I.

Layunin
A. Nakikilala ang pamayanang tinitirhan
B. Nakaguguhit ng isang krokis na nagpapakita ng kanilang kapaligiran, ayon
sa wastong gamit ng espasyo, proporsyon, sukat, at iba pang detalye sa
pagguhit ng isang landscape. (A4EL-IIe)
C. Naipagmamalaki ang mga pamayanang kultural sa pamamagitan ng
likhang-sining

II.

Paksang Aralin
A.
B.
C.
D.

III.

Elemento ng sining : Espasyo


Prinsipyo ng Sining : Proporsyon
Kagamitan : lapis, papel, bond paper, ruler
Sanggunian : Umawit at Gumuhit 5, BA pp.100, 111

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Paano nakatutulong ang mga kulay at hugis sa paglalarawan ng kultura
ng isang pamayanang kultural?
2. Pagganyak (pagsusuri sa larawan)
Narito ang mga larawan ng pamayanang kultural mula sa Luzon,
Visayas, at Mindanao. Suriin ang bawat larawan. Ano ang pagkakatulad ng
bawat isa?

Pamayanan sa tabing-dagat

Pamayanan sa urbanisadong lungsod


Sabihin:
1. Sa mga larawan na nakikita ninyo, ano-ano ang mga
pagkakaiba sa uri ng kanilang kapaligiran?
2. Batay sa inyong obserbasyon, paano binuo ang krokis o
detalye ng apat na larawan?
3. Ano ang inyong napupuna sa mga linyang ginamit?
Sa sukat ng mga bagay sa larawan?
Paghambingin ninyo ang tao, puno, tahanan, at iba pang likas na
istruktura sa bawat larawan. Gaano kalaki/ kaliit ang tao kung ikukumpara sa
mga punungkahoy at tahanan na nasa kanilang likuran.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Kung magmamatyag ka sa iyong kapaligiran, mapapansin mong
iba-iba ang hugis, laki, at kulay ng ibat ibang bagay tulad ng bundok,
dagat, gusali, at iba pang likas at di-likas na istruktura. May mga bagay
na malapit at mayroon ding mga bagay na malayo. Ang mga
malalayong bagay ay nagiging maliit sa paningin habang ang mga
bagay naman na malalapit ay mas malaki sa paningin kung
pagmamasdan mong mabuti ang isang tanawin. Sa sining, tinatawag
itong ilusyon ng espasyo.
Ang landscape ay tanawin sa isang pamayanan o lugar na
itinatampok ang kapaligiran na karaniwang mga tanawin tulad ng mga
puno at bundok ang paksa. Magiging mas makatotohanan ang iyong
larawang iginuhit kung isasaalangalang mo ang prinsipyo ng
proporsiyon.
Ang proporsiyon ay ang kaugnayan ng mga bagay-bagay base sa
taas at laki ng mga iguguhit. Kung guguhit ng isang puno at taong
magkatabi, mas mataas ang puno kaysa sa tao gayundin ang bahay at
ng mga tao nang sa gayoy mas makatotohanan ang dibuho.
Proporsiyon ng tao, bahay at, puno.

2. Gawaing Pansining
Sabihin:
Ngayon ay papangkatin ko kayo sa apat. Ang unang pangkat ay
guguhit ng landscape ng pamayanan sa kabundukan. Ang
pangalawang pangkat ay pamayanan sa tabing-dagat, pamayanang
kultural sa urbanisadong lungsod ang sa ikatlong pangkat, at
pamayanan sa kagubatan naman sa pang-apat na pangkat.
Bago ang inyong pagawa, ibigay ang ating mga pamantayan na
dapat sundin sa pagguhit. (Sumangguni sa LM Aralin 5).
3. Pagpapalalim sa Pag-unawa
Itanong :
1. Paano nakatutulong ang proporsiyon sa paggawa ng krokis ng
isang tanawin?
2. Sa ginawa mong mga detalye, paano ginagawang malayo ang
isang bagay at gayon din, paano mo ginagawang mas malapit
ang isang bagay sa iginuhit mong larawan?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang kahalagahan ng proporsiyon sa paggawa ng krokis ng
landscape ng isang tanawin?
2. Repleksyon
1. Paano mo maipagmamalaki ang pamayanang iyong kinabibilangan?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang paggalang at
pagpapahalaga sa kultura ng ating mga kapatid na kabilang sa mga
pamayanang kultural?
IV.

Pagtataya

Pagsukat sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral batay sa tinalakay na


aralin na nasa LM.
V.

Takdang Gawain / Kasunduan


Magdala ng mga pangkulay (krayola, watercolor, o colored pencil)

ARTS 4
TOPIC:

DAY: _______

DATE: _______________

Kulay ng Kapaligiran
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 6 : Kulay ng Kapaligiran
I.

Layunin
A. Natutukoy ang mga kulay na matingkad at malamlam.
B. Nakukulayan at nabibigyang-buhay ang iginuhit na tanawin gamit ang
matingkad at mapusyaw na kulay. (A4EL IIf)
C. Nagagawang inspirasyon ang tanawin sa pamayanang kultural sa
pagkukulay ng iginuhit na larawan.

II.

Paksang Aralin
A.
B.
C.
D.

III.

Elemento ng sining: Kulay (Katingkaran at kalamlaman ng mga kulay)


Prinsipyo ng sining: Proporsiyon
Kagamitan : Papel (Maaaring cartolina o bond paper, pangkulay
Sanggunian : Umawit at Gumuhit 4, BA p.95
Umawit at Gumuhit 5, BA p.103

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagguhit ng krokis ng isang
larawan?

2. Pagganyak
Suriin ang larawan sa ibaba.

(Maaaring magpakita ang guro ng isang halimbawa ng landscape


na nagpapakita ng mga kulay matingkad, mapusyaw, malamlam, o
madilim.)
Sabihin:
1. Ano ano ang mga kulay na ginamit?
2. Paano ginamit ang bawat kulay?
3. Paano ginamit ang kulay para ilarawan ang espasyo?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Lahat ng makikita natin sa paligid ay may ibat ibang kulay. Ang
kulay ang siyang nagpapatingkad o nagbibigay-buhay sa ating
kapaligiran. Bukod sa kagandahang naidudulot ng mga ito, mayroon
din itong kahulugang ipinapahiwatig. Ang mga kulay ay nakakatulong
din sa pagpapahayag ng damdamin.
Ang mga maiinit na kulay tulad ng pula, dalandan, at dilaw ay
nagpapahiwatig ng kasiyahan at kaganyakan. Ang mga kulay ring
malalamig tulad ng bughaw at lila ay nagpapagaan ng pakiramdam.
Ang matingkad na kulay ay maaaring gawing madilim,
mapusyaw o malamlam. Nagagawang madilim ang matingkad na kulay
kung ito ay dinaragdagan ng itim habang puti naman ang idinaragdag
upang gawing mapusyaw ang kulay.
2. Gawaing Pansining
(Sumangguni sa LM.)
3. Pagpapalalim sa Pag-unawa
Itanong:
1. Paano mo ginamit ang mga kulay sa iginuhit mong landscape
ng pamayanang kultural?
2. Paano mo nagagawang madilim at mapusyaw ang mga kulay
na ginamit mo sa inyong iginuhit?

3. Ano ang epektong matingkad at mapusyaw na kulay kapag


inilapat na sa larawang iyong binalangkas?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Anong damdamin ang naipahahayag kapag gumamit ka ng matingkad
na kulay sa iyong larawan?
Ano naman ang ipinahahayag na damdamin kapag ang larawan ay
nagtataglay ng mapupusyaw o madilim na kulay?
2. Repleksiyon
Kung ikaw ay guguhit ng larawan ng tanawing makikita sa iyong
sariling pamayanan, anong uri ng kulay kaya ang aakma sa iyong
paglalarawan? Bakit?
IV.
Pagtataya
Pagmamarka ng guro sa mga ginawa ng mga bata.
(Sumangguni sa LM.)
V.

Takdang Gawain / Kasunduan


A. Mag-isip ng mga paraan kung paano mo magagawang mas makabuluhan
at makahulugan ang larawang iyong iginuhit gamit ang mga kulay na
matingkad at malamlam, madilim at mapusyaw.
B. Bawat grupo ay magdala ng mga sumusunod:1 buong cartolina, Manila
paper o lumang kalendaryo, marking pen, lapis at pambura, pangkulay
(watercolor, crayon, oil pastel, o anumang pangkulay na makikita sa
paligid) at ruler.

ARTS 4
TOPIC:

DAY: _______

DATE: _______________

Myural ng Tanawin sa Pamayanang Kultural


SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 7 : Myural ng Tanawin sa Pamayanang Kultural
I.

Layunin
A. Natutukoy at nagagamit ang mga elemento at prinsipyo ng sining sa
paggawa ng myural.
B. Naipamamalas nang buong husay ang paggawa ng myural nang naaayon
sa tema.
C. Naipakikita ang pagpapahalaga sa kultura ng sariling pamayanan sa
pamamagitan ng isang Myural exhibit. (A4EL - IIg)

II.

Paksang Aralin

A. Elemento ng Sining: Linya, hugis, kulay


B. Prinsipyo ng sining : Balanse
C. Kagamitan : mga likhang-sining na ginawa sa natapos na aralin, marker,
pandikit
D. Sanggunian : Umawit at Gumuhit 6, BA p.133
III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Anong kulay ang akma sa iginuhit na larawan kapag ito ay
nagpapahayag ng kalungkutan? Kasiyahan?
2. Pagganyak
Mayroon akong dalawang larawan. Masdan ninyong mabuti at suriin
ang bawat isa.

Paano ginagawa ng bata sa unang larawan ang kaniyang likhang-sining?


Sa ikalawang larawan, paano ginagawa ng mga bata ang kanilang
obra?
Ano-ano ang pagkakaiba ng dalawang likhang-sining na ito?
Ano-ano naman ang kanilang pagkakatulad?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin:
Sa unang larawan, ang bata ay nagpipinta ng larawan ng isang
tanawin sa maliit na canvas. Sa ikalawang larawan, mapapansin
ninyong ang mga bata ay nagpipinta sa dingding. Paggawa ng myural
ang tawag dito. Ang myural ay paraan ng pagpipinta sa dingding o
walls.
Maraming Pilipinong pintor ang tanyag sa larangang ito ng
sining. Ilan sa kanila ay ang mga Pambansang Alagad ng Sining na sina
Fernando Amorsolo na gumawa ng myural sa Bulwagan sa Lungsod ng
Maynila, Juan Luna sa kaniyang obra na Spoliarium, at Vicente S.
Manansala, modernong Pilipinong pintor na may-ari ng obrang Stations
of the Cross na nasa UP Diliman Chapel.

Kabilang din sa mga sikat na Pilipinong pintor na gumagawa ng


Myural ay ang Triumvirate ng Makabagong Sining sa Pilipinas na sina
Victorio C. Edades, Galo B. Ocampo, at Carlos Botong
Francisco.Karaniwang tumatalakay sa mga isyung panlipunan, paraan
ng pamumuhay ng mga Pilipino, at kagandahan ng kapaligiran ang
paksa ng mga obra nila. Dahil sila ay mga kinilala at natanyag sa
ganitong larangan, marami pang Pilipinong pintor ang nagsisikap na
gumawa rin ng mga makabuluhang obra.
Itinatampok nila sa kanilang obra ang kawili-wiling pagdiriwang
ng pistang bayan, payak na pamumuhay sa kabukiran, kabundukan, at
larawan ng patuloy na umuunlad na pamayanang kultural.
Sa pamamagitan ng mga obrang ito, nalalaman natin ang
angking yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi.
Ngayon ay gagawa tayo ng myural na nagpapakita ng kultura ng
ating pamayanan. Gagamitin natin ang malaking espasyo o papel
(Illustration board o pinagdugtong dugtong na manila paper bago ito
isa-dingding).
(Maaaring magpakita ang guro ng ilang halimbawa ng mga nabanggit
na obra kung mayroong available na larawan)
1. Gawaing Pansining
Paggawa ng myural.
Talakayin ang paraan ng paggawa.
(Sumangguni sa LM.)
2. Pagpapalalim sa Pag-unawa
Paano ninyo ginamit ang mga elemento at prinsipyo ng sining sa
inyong myural?
Bakit kailangang akma ang mga disenyo at kulay na gagamitin mo sa
pagpipinta ng larawan?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
1. Ano ang natutunan ninyo sa inyong ginawa?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang kaalaman sa
paggawa ng myural upang maipahayag ang iyong damdamin?
2. Repleksiyon
Ano ang naramdaman mo habang ginagawa nang tulongtulong ang
inyong myural? Ano ang kabutihang dulot ng pagkakaisa at pagtutulungan?

IV.

Pagtataya
Ilagay ang mga myural na ginawa sa dingding upang makita ng buong klase.

V.

Takdang Gawain / Kasunduan

Magsanay sa paggawa ng myural na isinasaalang-alang ang prinsipyo at


elemento ng sining na napag-aralan na.

ARTS 4
TOPIC:

DAY: _______

DATE: _______________

Malikhaing Pagpapahayag
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________
SECTION:_________________ TIME: ______________

YUNIT 2 : Pagpipinta
Aralin Bilang 8 : Malikhaing Pagpapahayag
I.

Layunin
A. Nailalarawan ang mga katangian ng sariling pamayanan sa pamamagitan
ng malikhaing pangmaramihang talakayan.
B. Napahahalagahan ang pamayanang kultural sa pamamagitan ng mga
likhang-sining.

C. Naibabahagi ang sariling pananaw sa nasaliksik nang impormasyon at


karanasan batay sa mga likhang-sining na ginawa. (A4EL Iih)
II.

Paksang Aralin
A. Elemento ng sining: Lahat ng elemento na ginamit sa buong markahan
B. Kagamitan : larawan/myural ng mga pamayanang kultural, cd/cassette,
awitin ng Bandang Asin na Kapaligiran

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Ano-ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng myural?
2. Pagganyak (picture analysis)
Muli nating balikan ang ibat ibang tanawin sa mga pamayanang
kultural sa pamamagitan ng inyong mga natapos na likhang-sining.
Mapapansin ninyo ang inyong mga larawang ginawa na nakapalibot sa
ating silid. Ano ang inyong nararamdaman na muli ninyo itong namamalas?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin:
Ngayon ay magsasagawa tayo ng paglalakbay-aral dito mismo sa ating
silid. Pupuntahan natin ang mga pamayanang kultural na inyong
iginuhit.
(Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapaglibot sa gallery ng
kanilang likhang-sining.)
2. Gawaing Pansining
Papangkatin ko kayo sa tatlo. Ang unang pangkat ay tatawaging
Pangkat Luzon. Ang ikalawa ay Pangkat Visayas, at Pangkat Mindanao naman
ang ikatlo. Umupo kayo sa ayos na pabilog at magkaroon ng talakayan at
pagbabahagi ukol sa pansariling karanasan hinggil sa mga lugar na ating
pinuntahan kanina.
(Magpatugtog ng Kapaligiran ng Bandang Asin)
Ipapasa ninyo sa inyong katabi ang bolang ibibigay ko sa bawat
pangkat. Ang pagtigil ng awit ay hudyat upang ang huling may hawak ng
bola ay magbigay ng kaniyang kuwento o karanasan hinggil sa larawang
napili ng inyong pagkat.
3. Pagpapalalim sa Pag-unawa

Ano ang inyong naramdaman habang isinasagawa ang pagbabahagi ng


inyong karanasan?
Paano ninyo iniugnay ang inyong pansariling karanasan sa mga likhang
sining na inyong ginawa?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Paano natin matutulungang mapayaman ang kultura ng ating
pamayanang kultural?
2. Repleksiyon
Bilang isang mag-aaral, ano ang inyong magagawa upang ibahagi sa
iba ang mayamang kultura ng inyong pamayanan?
IV.

Pagtataya
Pagmamarka sa mga mga-aaral sa pamamagitan ng rubrics.

V.

Takdang Gawain / Kasunduan

Upang lalo kayong maging mahusay sa paggawa ng mga likhang sining,


ipagpatuloy ang pag-eensayo sa pagguhit at pagpinta ng mga bagay na nais
ninyong gawin sa pamamagitan ng matamang pagmamasid sa kapaligiran.

You might also like