Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ANG PAGSUSURI NG

TATLONG PILING AKDA NI


GENOVEVA EDROZAMATUTE

Ipinasa ni: John Henrick V. Guinto


Ipinasa kay: G. Christoper Detera

Genoveva Edroza-Matute

Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebangay isang


magiting na kuwentista sa wikang Filipino at
tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas.Isinilang
siya noong 13 Enero 1915. Iginagalang siyang guro sa
elementarya, sekondarya at hanggang sa kolehiyo. Nagretiro
siya bilang Dekana sa Philippine Normal College (na kilala
ngayon bilang Philippine Normal University). Marami na
siyang parangal na inani at ilan dito ang Gantimpalang
Palanca atCultural Center of the Philippines ng Gawad CCP
Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Tatlong Piling Akda ni Genoveva Edroza-Matute

Parusa ang teoryang pampanitikan na sa tingin ko ay wasto


sa pagkakabuo ng akdang ito ay ang Teoryang Moralitiko.
Ugat ang teoryang pampanitikan na akin namang napili sa
akdang ito ay ang Teoryang Eksistensiyalismo.
Walong Taong Gulang ang teoryang pampanitikan na sa
akin ay wasto sa kathang ito ay ang Teoryang Sosyolohikal.

Parusa

Tauhan - Haring Molave, Haring Leon, Acacia, Buri


Tagpuan tuktok ng bundok
Saglit na Kasiglahan Inutusan ni Haring Molave ang Acacia na tawagin ang lahat
ng kanyang nasasakupan upang magpulong sapagkat may mahalagang bagay
siyang sasabihin. Dumating ang lahat ng punongkahoy at halaman maliban sa
halamang buri.
Suliranin Ang hari ay naghintay ngunit nainip din sapagkat ilang araw na ang
lumipas ngunit hindi pa rin niya nasisilayan ang buri.
Kasukdulan Matapos ang ilang araw na paghihintay, ang buri ay nagpakita rin sa
hari. Tumindi ang galit ng hari ng makita niya ang buri. Sa galit niya, pinarusahan
niya ang buri gamit ang isang sumpa na kung saan ay mamatay siya kung
magsimulang tumubo ang kanyang mga buto. Ito ay nangangahulugan lamang na
hindi na niya kailanman masisilayan ang kanyang mga supling.
Kakalasan Higit na nagsisi ang buri sa labis na pagbabalewala sa utos ng hari.
Wakas Sa huli, pumanaw ang buri na hindi nasilayan ang kanyang mga supling.

Ugat

Tauhan Tatay Tasio, Kardo, Ricky, Lina, Tasing


Tagpuan tahanan ni tatay tasio sa pilipinas
Saglit na Kasiglahan si tatay tasio ay tila sumuko na sa pag-aasam na
magbabago pa ang pilipinas mula sa mga sakim na pinuno nito.
Suliranin nais niyang magpakalayu-layo na mula sa pilipinas dahil hindi
na niya kayang tiisin ang paulit-ulit na pang-aapi ng mga pinuno rito.
Kasukdulan nalaman ni tatay tasio na nananalantay din sa kanyang dugo
ang sakit halintulad sa mga naging at kasalukuyang pinuno ng pilipinas.
Kakalasan napagtanto niya na kahit saan man siya magpunta, hindi niya
matatakasan ang sarili at ang sakit na nasa kanyang mga ugat.
Wakas nais gamutin ni tatay tasio ang sarili mula sa sakit sa tulong ni
tasing.

Walong Taong Gulang

Tauhan Bb. De La Rosa, Leoncio Santos


Tagpuan - paaralan
Saglit na Kasiglahan inagaw ni Leoncio Santos, isang maitim at mapayat na
estudyante ang atensyon ng gurong si Bb. De La Rosa.
Suliranin napagalaman ng guro na palaging walang baon si leoncio at tilay
parang araw-araw na lamang may sakit.
Kasukdulan nalaman ng guro ang tunay na kalagayan ng kanyang
estudyante.
Kakalasan nais tulungan ng guro ang kanyang estudyante sapagkat sadyang
hindi wasto ang kalagayan ni leoncio para sa isang batang kagaya niya.
Wakas nagkaroon ng mabuting pagsasamahan ang guro at ang kanyang
estudyante.

You might also like