Rizal Kabanata 18

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA XVIII

BAKASYON SA BIARRITZ AT PAKIKIPAG-IBIGAN KAY NELLY


BOUSTED (1891)

Sa Piling ng mga Boustead sa Biarritz Dumating si Rizal sa Biarritz noong pagpasok ng Pebrero, 1981,
mainit siyang sinalubong ng mga Boustead lalo na ni G.
Boustead na tunay na malaki ang paghanga sa kanya dahil sa
angkin niya talino.
Maayos siyang tinanggap nina Gng. Boustead, Adelina, Nellie,
at Tiya Isabel (kapatid ni Gng.Boustead).
Naging maganda ang naidulot kay Rizal sa isang buwan niyang
bakasyon sa Biarritz. Nalimutan niya ang mapapait na
karanasan at Unti-unti nanumbalik ang sigla sa kanyang puso,
at bumuti ang kanyang kalusugan.
Pakikipag-ibigan kay Nellie Boustead Romantikong lugar ang Biarritzmga kaibig-ibig na hardin,
kaaya-ayang villa, at kahali-halinang kagandahan.
Nabigo si Rizal sa pag-ibig niya kay Leonor isinaalang-alang
niya ang pagsinta para kay Nellie.
Bunga ng pampalakas-loob mula sa malalapit na kaibigan,
niligawan ni Rizal si Nelly na nagpakita ng pagkagiliw sa kanya.
Sa kasamaang-palad hindi naging masaya ang kanilang pagiibigan. Hindi tinanggap ang alok na kasal ni Rizal dahil sa
dalawang bagay:
(1) Hindi pumayag si Rizal na tumiwalang sa katolisismo para
yumakap sa pananampalatayang Protestantismo, gaya ng
hiniling ni Nelly, at
(2) ayaw ng ina ni Nelly na maging manugang si Rizal.

Dahil mabuting Protestante, nais talaga ni Nelly Boustead na maging


Protestante si Rizal bago sila magpakasal. Si Rizal na may matatag na
paninindigan ay hindi naman sang-ayon dito. Habang naninirahan sa Dapitan,
bilang desterado, pinatunayan niyang mali ang paratang ni Padre Pablo
Pastell hingil sa pagiging Protestante niya.

Hindi hangad ng ina ni Nelly, tulad din ng ina ni Leonor Rivera, na itaya
ang kaligayahan ng anak sa isang lalaking salat sa mga materyal na
bagay, isang manggagamot na walang pasyenteng nagbabayad, isang
manunulat na di naman kumikita sa kanyang panulat, at isang
repormistang tinutugis ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan ng
sariling bayan.
Bagaman hindi sila ikinasal, nanatiling mabuting magkaibigan sina
Rizal at Nellie.
Nang malaman niyang lilisanin na ni Rizal ang Europa, nagpadala
siya ng liham na pamamaalam na nagsasabing:
Ngayong lilisan ka na, hinahangad ko ang masaya mong
paglalakbay, at naway magtagumpay ka sa iyong mga ginagawa, at
higit sa lahat, naway patnubayan ka ng Diyos at gabayan niya ang
iyong daraanan ng mga biyaya, at naway matuto kang masaya sa
buhay. Ang tanging pabaon ko sa iyo ang aking mga dalangin.

Natapos ang El Filibusterismo sa Biarritz Bigo sa pag-ibig, pinagtuunan ni Rizal ang pagsusulat. Patuloy ang
kanyang pagsulat ng ikalawang nobela na sinimulan niya sa Calamba
noong 1887.
Noong Marso 29, 1891, sa bisperas ng paglisan niya sa Biarritz
papuntang Paris, natapos niya ang manuskrito ng El Filibusterismo.

Sa Paris at Pabalik sa Brussels Gaya ng isinulat niya kay Blumentritt, nagpaalam si Rizal sa
mabubuting Boustead
Marso 30, 1891, at nagtuloy siya sa Paris sakay ng tren. Tumuloy
siya sa tahanan ng kaibigang si Valentin Ventura sa 4 Rue de
Chateaudum.
Mula Paris, sinulatan niya ang kaibigang si Jose Ma. Basa sa
HongKong noong Abril 4, at ipinahayag ang kanyang pagnanais na
magpunta ng kolonyang ito ng Britanya para doon na magpatuloy
ng panggagamot sa mata na siyang ikabubuhay niya.
Abril.1891, nagbalik si Rizal sa Brussels at malugod siyang
tinanggap nina Marie at Suzanne Jacoby at higit sa lahat ni Petite
Suzanne.

Pagbitiw sa Kilusang Propaganda Mula ng magbitiw sa pamumuno sa Madrid noong Enero 1891,
dahil na rin sa mga pang-iintriga ng mga naiinggit na
kababayan, nagbitiw na si Rizal sa Kilusang Propaganda, o
krusada para sa reporma.
Mayo 1.1891, ipinaalam niya ang mga awtoridad ng
Propaganda sa Maynila na ikansela ang buwanan niyang
panustos at ilan ang salapi sa mas mainam na gawain, gaya ng
pagpapaaral ng estudyanteng Pilipino sa Europa.

Huminto si Rizal sa Pagsusulat para sa La Solidaridad Kasabay sa pagbibitiw sa kilusang Propaganda, itinigil na rin ni Rizal
ang pagsusulat ng mga artikulo para sa La Solidarid.
Hinihikayat siya ng karamihan ng kanyang mga kaibigan sa Espanya
na ipagpatuloy ang pagsusulat para sa makabayang pahayagan dahil
napupukaw nito ang atensyon ng maraming bansang Europeo.
Batid mi M.H del Pillar ang pangangailangan para sa
pakikipagkolaborasyon ni Rizal sa Kilusang Propaganda at
Pahayagang La Solidaridad dahil sa pananamlay ng krusada para sa
mga reporma.
Agosto 7, 1891, sinulatan niya si Rizal, humingi ng kapatawaran sa
anumang ipinaghihinakit sa kanya ni Rizal, at hinihiling na muli siyang
sumulat para sa La Solidaridad.

Mga Rebisyon sa Fili para sa Mailathala Sa Brussels, araw-araw na inayos at binago ni Rizal ang mga natapos
na manukristo ng El Filibusterismo ng maihanda na ito para sa
pagpapalathala. Karamihan sa rebisyon ay natapos noong Mayo 30,
1891.
Sinulatan niya si Jose Ma.Basa Malapit ng mailimbag ang aking
aklat; ang unang dalawampung kabanata ay naiwasto na, at nailimbag
na at ginagawan ko na lamang ng bagong kopya ang iba.
Pagkaraan ng dalawang linggo at sumulat uli si Rizal kay Basa:
Nakipag-usap na ako sa isang imprenta at hindi ko alam kung dito sa
Belhika o sa Espanya maililimbag ang aklat ko, at sakaling hindi ko
mailimbag ipapadala ko sa iyo sa susunod kong pagsulat. Tatlo
kabanata na lamang ang aayusin at matatapos ito bago mag labinganim ng buwang ito.

You might also like