PATAWAD ANAK - Docx Maikling Kwento

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PATAWAD ANAK".

Si Lina ay maganda at magaling kumanta pero may katigasan sa ulo, mahirap lang ang kanilang buhay,
lumaki sya sa probinsya sa liblib na lugar. Mula nung bata pa siya wala ng siyang ibang pinangarap kundi
yumaman, magkaroon ng magandang bahay, sasakyan at negosyo. Pagkatapos niya sa high school dahil
wala siyang panggastos sa kolehiyo napagdesisyonan niyang lumuwas sa manila para makipagsapalaran
sumama siya sa kaibigan niya na may kamagkanak sa manila, kahit ayaw ng mga magulang niya
nagpumilit parin siya. Pagdating sa manila ibang trabaho ang napasok niya sa murang edad niya
nagtrabho siya sa club, club ang bagsak niya at dahil bata pa maganda at magaling kumanta medyo
malaki ang kita hangga't nakakuha siya ng sariling apartment. Isang araw may nagkagusto sa kanya na
kano at ang akala niya sa pamamagitan ni kano matutupad na ang matagal niyang pangarap kaya kahit
kakakilala palang niya sa kano na iyun sumama na ito pero isang buwan lang ang pagsasama nila dahil
drug adik pala at ang pagsasama nila nabuo ang isang baby, nabuntis siya at gusto niyang ipalaglag ang
bata kaya lahat ng paraan ginawa nya pero hindi nalaglag ang bata kaya wala siyang nagawa kundi
isilang ang pinagbubuntis. Baby boy ang anak at ang pangalan ZAIN WYLON.
Pagkatapos ng isang buwan mula ng nanganak pumasok ulit sa club yun lang kasi ang alam niyang
paraan para mabuhay silang mag-ina, sa gabi binabayaran nya ang kapit bahay nila para may
magbanatay sa anak, pagdating niya sa umaga aalis na ung tagabantay sa anak. Dahil puyat basta
nalang ilalagay ang bata sa crib nito tapos matutulog na siya. Nagising sa hapon, ang anak niyang iyak
ng iyak dahil gutom na pero wala siya pakialam dito. Kung kailan magising sa hapon yun lang din ang
oras na padedehin ang bata at habang nagtitimpla ng gatas dakdak ng dakdak ito at ito ang laging linya
niya tuwing gagawa ng milk ni baby '"Lintik kang bata ka bakit ka pa nabuhay? Bakit hindi ka nalang
nalaglag para wala akong prolema? Halos lahat na kinikita ko napupunta sayo paano ako yayaman nito,
hindi na dahil sayo! Sabay kurot sa baby." Pag naiyak sa sakit tinatakpan ang bunganga, gutom na gutom
na nga ang baby sinasaktan pa ito. Ganun lagi ang nangyayari sa baby laging nagugutom o laging
nalilipsan ng gutom kaya napakapayat ito, laging sinasaktan na kahit walang kasalanan, anong malay ng
isang baby? Wala! Kundi pag-mamahal at pag-aaruga ang kailangan nito pero ni minsan hindi nagawa ng
ina ito, hindi niya maramdman ang pagmamahal ng kanyang sariling ina kundi puro pasakit.
Lumipas pa ang araw, buwan at taon, 6 yrs old na si Zain gwapo, magaling na bata, mabait at mana sa
ina na magaling kumanta pero sa edad na 6 hindi pa pumasok sa paaralan dahil ayaw ng nanay niya,
gastos lang daw pero kahit ganun natuto siyang sumulat at bumasa sa sariling paraan dahil matalino ito
magaling pumickup sa mga salita na kahit sa TV lang. sa murang edad ni Zain marunong na siya sa lahat
na gawain sa bahay siya ang tagalaba ng kanyang ina parang katulong ito sa sariling ina, pagnakagawa
ng kasalan inihanda na nya ang kanyang tiyan dahil sigurado hindi na naman papakainin ng nanay nito,
kahit sana parusahan basta pakainin pero hindi, madalas na nanatulog ang bata na walang laman ang
tiyan.
Isang gabi natulog na walang laman ang tyan at syempre pag-gising sa umaga gutom na gutom na ito
nakita niya na may pagkain sa mesa dali dali itong umupo sa mesa isusubo na sana niya yung kanin
nung biglang tinabig ng ina ang kamay kaya nagkalat ang mga kanin sabay batok sa anak (naluha si zain
habang tinitignan ang mga nagkalat na kanin) at ang sabi ng ina ''Sinong nagsabi na kakainin mo yan?

Hindi ka pwedeng kumain hanggat hindi mo nagawa ung sinabi ko!'' nakiusap si Zain sa kanayang ina
''Nay gutom na gutom na po ako pwede ho bang....'' Pero sabi ng ina ''Letse! Tumayo kana at gawin mo
na yun lintik ka! Bakit ka pa nabuhay? Bakit kapa dumating sa buhay ko? Bakit hind ka nalng nalaglag
noon?'' Tuluyan ng bumagsak ang luha ng bata sa mga narinig, nagtanong ito sa ina kung ano ba ang
gusto niya para lang mawala ang galit nito, sabi ng ina ''Sasaya lang ako kung mabigyan mo ako ng
bahay, sasakyan, etc o kaya'y mawala ka sa paningin ko! Kaya mong gawin yun? HaHa!'' Sabay alis ng
kanyang ina sa harapan niya. Hindi maampat ang luha ng bata sa mga masasakit na salita mula sa ina,
ang gutom niya kanina nawala na naplitan ng sobrang lungkot. Umiiyak habang ginigiwa ang gawain niya
sa loob ng bahay pagkatapos nun lumabas sa bahay naglakad lakad na hindi alam kung saan tutungo at
habanag naglalakad naramdaman niya ulit ng pagkagutom, hanggat nakita niya ung isang Ale si Aleng
Jin naghuhugas ng maraming bote nilapitan niya ito at sabi niy ''Pwede po bang ako nalang maglinis sa
mga bote ma'am pakainin mo lang ako hindi pa kasi ako kumain mula kagabi.'' Naantig ang puso ni Aleng
Jin niyaya niya si Zain sa kusina at pinakain, habang kumakain ang bata nagkwento ito, sinabi lahat lahat
kay Aleng Jin naluha si Aleng Jin sakwento ni Zain dahil sa murang edad nito naransan niya lahat ng mga
iyon, ang nasabi nalang niya sa bata "Huwag kang mawalan ng pag-asa Zain basta manalig ka lang sa
Panginoon." Ngumiti ang bata. Pagkatapos nun naghugas na siya sa mga bote ayaw ni Aleng Jin pero
nagpumilit si Zain at habang naghuhugas ng bote kumakanta ito, narinig ni Aleng Jin si Zain at sabi nito
na isasali niya sa TV sa pagkanta ang prize 2M pesos. Noong una ayaw ng bata tatanungin daw muna
niya ang kanyang ina pero ang sabi ni Aleng Jin "Wag na basta ako ang bahala sayo, malay natin baka
yun ang paraan para matupad na ang pangarap ng iyung ina." Kaya nag OO na siya, agahan mo bukas
ha kailangan maaga tayo pumila para sigurado na makapasok tayo dahil maraming tao. Kinabuksan dahil
4am palang hindi na ginawa ni Zain ang mga gawain niya tuwing umaga gaya ng paghahanda sa mga
kailangan ng ina. Masaya siya dahil natanggap siya at bukas na bukas din kakanta na siya, pero ang
sayang iyun napalitan ng lungkot dahil pagdating niyavsa bahay galit na galit ang nanay pagpasok palang
sa pinto sampal na ang inabot nito. "Saan ka galing lintIk kang bata ka?" "Nay pumunta po ako sa ano
gusto ko kasi sumali sa con..." Hindi na niya naituloy dahil binatukan na naman ito at ang sabi ng ina wala
akong pakialam na kahit saan kapa pumunta na kahit magpasagasa ka pa basta gawin mo muna mga
obligasyon mo! Walang ibng sinagot kundi ''Opo inay.'' Nakasali sa pacontest si Zain nakaposk sa semi
finals at ganun din sa grandfinal, ang araw ng grand finals na gaganapin ngaun, araw din mismo ng Birth
day ni Zain. Si Lina galit na galit sa anak dahil hindi nya nadatnan ito sa bahay. 11 am na siya umuwi
dahil dumaan ito sa kanyang kaibigan, dahil walang makain lumabas ito para bumili ng makakain at dahil
galit ito habang naglalakad ibinubulong na ''Hindi ka kakain ngaun lintik kang bata ka bahala ka sa buhay
mo!'' Pagdting sa restoran narinig niya ang pangalan ng kanyang anak mula sa TV, ZAIN WYLON
VALDEZ kitang kita niya ang anak na naglalakad sa gitna ng stage hawak hwak ang mikropono, nakasuot
ng americano gwapong gwapo sa suot nito napatitig sa TV at nung kumanta ang anak pumatak ang luha
nito, for the first time na naluha dahil sa anak, lalo na nung marinig ang bawat mensahe sa kantang pinili
ni Zain ang ''HABANG MAY BUHAY''.
"NAIS KONG MABUHAY SA HABA NG PANAHON KUNG ITO'Y LILIPAS NA IKA'Y KAPILING KO
HABANG MAY BUHAY, ANG AKING BUHAY SAYO IBIBIGAY ANG TANGI KONG PANALANGIN AY ANG
PAGSAMO MO KAILAN MA'Y DI MAGMAMALIW ANG APOY SA PUSO KO HABANG MAY BUHAY..."
Hindi maampat ang luha ni Lina habang pinapakinggan at tinitigan ang anak, bumabalik sa ala ala niya
kung paano niya pinagmalupitan ang anak mula nung baby pa ito, kung paano nya tinitiis na nagugutom
ito na nagsasaripsyo, kung paano niya ito inalipin.

"IBIG KONG MALAMAN MO HANGGANG SA DULO NG MUNDO ANG PANGARAP KO'Y SAYO
HABANG MAY BUHAY, ANG AKING BUHAY HANGGA'T ANG DUGO KO AY DUMADALOY SA'YO
LAMANG IAALAY ANG AKING BUHAY SA'YO IBIBIGAY..."
Tuluyan ng napahagulgol si Lina sa iyak at nasambit ang ''PATAWAD ANAK'' na kahit pinagtitinginan na
ng mga tao lalo na nung itinanghal ang kanyang anak na siya ang nanalo, naiiyak hindi dahil matutupad
na ang kanyang mga pangarap kundi umiiyak dahil ang pinagmalupitan na anak siya pala ang katuparan
sa kanyang mga pangarap o siya pala ang naging ilaw at daan sa matagal ng pinapangrap. Tinanong ng
mga judges kung aanhin ni Zain ang napanalonan niya ang sabi nya ''Para sa pangarap ni nanay na
magkaroon ng bahay, sasakyan at negosyo.'' At ikaw anong gusto mo? Sagot niya ''Wala po, ang
mahalaga matupad na ang gusto ni nanay mahal na mahal ko po kasi siya.'' Kitang kita sa mata ng bata
na naluluha na ito at pagtanong sa kanya kung nasaan ang nanay, dun na tuluyang bumagsak ang
kanyang mga luha gustong magsalitabpero hindi na nya maibuka ang bibig dahil sa lungkot, dahil sa
pananabik sa pagmamahal ng isang ina na hindi niya alam kung kailan maramdaman. Hindi lang sya ang
naiyak pati na rin ang mga nanonood at mga judges. Lalo na ang ina na nanonood lang sa TV. Walang
ibang sinasambit sa oras na yun kundi ang ''PATAWAD ANAK''.
Paguwi ni Lina nagmamadli siya na naghanda para sa anak naalala niya kasi na kaarawan nito, ibiniili ng
mga damit ng anak at napakaraming pagkain gusto niya kasi bago dumating ang anak nakahanda na ang
lahat surpresa ika nga.
Sa araneta kung saan naganap ang grandfinals, paglabas nina Zain at si Aleng Jin sa gate malakas ang
hangin nabitawan ni Zain ang papel na hawak nito at lumipad, hinabol ni Zain ang papel at sa
kamamadali hindi na niya napansin ang bus na parating nasagasahan si Zain dead on thebspot, dahil
hindi nila alam ang number ng kanyang Ina basta nalang nila dinala ito sa funeral, pagkatapos ng lahat
sila na mismo ang naghatid sa bahay nito kasama ang ilan sa mga emplyado sa paligsahang iyun,
hinanap pa nila ang bahay ng mga ito kasi address lang alam ni Aleng Jin.
Sa bahay nina Lina punong puno ng ballon at mga iba't ibang pagkain sakto naman nabnatapos na siya
nung may kumatok, pagbukas niya ng pinto kabaong ang bumungad sa kanya, sabi nito ''Ba? Bakit ano
yang kabaong, baka po nagkakamali kayo?" Si Aleng Jin ang nagsalita, ikaw ba nanay ni Zain? Siya po
ang nasa kabaong, ipinaliwang nila kay Lina yung nangyari, hindi makakibo nantiling tulala, sabay tulo ng
kanyang mga luha at bawat patak ang kanayang luha bumabalik na naman ang mga kalupitan niya sa
kanyang anak ang mga eksena tuwing pinapahirapan ang anak.
Ibinigay sa kanya ang 2M na napanalonan ng kanyang anak, matutupad na ang kanyang pangarap pero
wala na ang anak, ang anak na ni minsan hindi pinaramdam ang pagmamahal nito dahil pinairal niya ang
galit sa kanyang dibdib ibinuhos ang galit sa anak na walang kaalam alam dahil sa mga pagsubok sa
kanyang buhay ngayon wala na siya. Isinisigaw niya na ''AANHIN KO PA ANG KAYAMAN KUNG WALA
NA ANG AKING ANAK NA AKING PINAGMALUPITAN? AANHIN KO PA ANG PERA KUNG WALA NA
AKONG KASAMA KUNG NAG-IISA NA AKO? PANGINOON, BAKIT NGAYON KO PALANG NAREALIZE
ANG AKING KAMALIAN. BAKIT NGAYON GUSTO KONG IPARAMDAM ANG PAGMAMAHAL KO SA
AKING ANAK. BAKIT NGAYON GUSTO KONG PUNUAN ANG PAGKUKULANG KO SA KANYA SAKA
MO NAMAN KINUHA? BAKIT? Iyak siya ng iyak pero huli na ang lahat! Nasa huli talga ang pag-sisisi.

Bumili man siya ng bahay, sasakyan at may negosyo na siya pero kulang pa din hindi siya masaya dahil
nanatili sa kanyang puso at isip ang paghihirap na pinadanas niya sa kanyang anak at hindi niya alam
kung kailan makakalimot siguro panahon lang makapagsasabi o kaya'y saka lang mawala yun kung
sumakabilang buhay na rin siya. WAKAS!

You might also like