Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Pokus ng Pandiwa

Isang Pagbabalik-Aral

Kahulugan ng Pokus
Pokus ang tawag sa relasyong
pansemantika ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangungusap. Naipapakita ito
sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng
pandiwa.

Mga Dapat Tandaan!


Nagkakaroon ng ibat ibang pokus ang
pandiwa ayon sa kung ano ang kaganapan ng
pandiwa sa pusisyong pampanitikan o
pansimuno ng pangungusap. Halimbawa, kapag
ang kaganapang tagaganap ay ginawang paksa
o simuno, ang pokus ng pandiwa ay pokus ng
tagaganap.

Halimbawa
Pangungusap Blg. 1 Ipinagdiwang ng
mga kabataan ang unang anibersaryo ng
kanilang samahang sibiko.

ng mga kabataan paksa o simuno

ng / ang mga kabataan


1.

Nagdiwang ng unang anibersaryo ng


kanilang samahang sibiko ang mga
kabataan.
2. Nagdiwang ang mga kabataan ng unang
anibersaryo ng kanilang samahang sibiko.
3. Ang mga kabataan ay nagdiwang ng unang
anibersaryo ng kanilang samahang sibiko.

7 kaganapan ng pandiwa
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Pokus sa tagaganap
Pokus sa layon
Pokus sa ganapan
Pokus sa tagatanggap
Pokus sa gamit
Pokus sa sanhi
Pokus sa direksyon

1. Pokus tagaganap
Paliwanag panaguring nasa pokus sa
tagaganap ang pandiwa + paksa. Ang pandiwa
ay nasa pokus sa tagaganap kapag ang paksa
ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na
isinasaad sa pandiwa.
Halimbawa Kumain ng suman at manggang
hinog ang bata.
( Ang bata ay kumain ng suman at manggang hinog.)

Halimbawa Alamin kung anong pokus


nalalagay ang mga sumusunod na
pangungusap

1. Pinuntahan noong Sabado ng mga


guro ang magandang lugar ng
Zambales.
2. Ikinagalit ng punong-guro ang
madalas na pagliban niya sa klase.

2. Pokus sa Layon/Gol
Paliwanag panaguring nasa pokus sa
layon ang pandiwa + paksa. Ang pandiwa
ay nasa pokus sa layon kung ang layon
ay ang paksa o ang binibigyang-diin sa
pangungusap.
Halimbawa Kinain ng bata ang suman at
manggang hinog.
( Ang suman at manggang hinog ay kinain ng bata. )

3. Pokus sa
tagatanggap/benepaktib
Paliwanag panaguring nasa pokus sa
tagatanggap ang pandiwa + paksa. Ito
naman ay tumutuon sa tao o bagay na
nakikinabang sa resulta o kilos na
isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa Ibinili ko ng ilaw na maganda ang
pinsan kong nagbalikbayan.
( Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw
na kapis.)

4. Pokus sa
ganapan/lokatib
Paliwanag panaguring nasa pokus sa
kaganapan ang pandiwa + paksa. Ang
pandiwa ay nasa pokus sa ganapan kung
ang paksa ay ang lugar o ganapan ng
kilos.
Halimbawa Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong
ang bakuran.
( Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming
katulong )

5. Pokus sa
kagamitan/instrumental
Paliwanag panaguring nasa pokus sa
kagamitan ang pandiwa + paksa. Ito ay
tumutukoy sa kasangkapan o bagay na
nakikinabang sa resulta ng kilos o
pandiwa na siyang paksa ng
pangungusap.
Halimbawa Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang
malinis.
( Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga kasangkapan. )

6. Pokus sa sanhi/kusatib
Paliwanag panaguring nasa pokus sa
sanhi ang pandiwa + paksa. Ang pandiwa
ay nakapokus sa sanhi kung ang paksa
ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng
kilos.
Halimbawa Ipinagkasakit niya ang labis na
pagkababad sa ulan.
( Ang labis na pagkababad sa ulan ay ipinagkasakit
niya. )

7. Pokus sa
direksyon/direksyunal
Paliwanag panaguring nasa pokus sa
direksyon ang pandiwa + paksa.
Pinagtutuunan ng pandiwa ang direksyon
o tinutungo ng kilos.
Halimbawa : Pinagpasyalan ko ng aking mga
panauhing kabilang sa Peace Corps ang
Tagaytay.
( Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga
panauhing kabilang sa Peace Corps. )

Katuturan ng Ibat ibang


pokus ng pandiwa.
pokus

panlapi

1. tagaganap

mag-,-um,um-,mang-,maka-,makapagi-,-an,ipa-,in

2. layon
3. ganapan
4. tagatanggap

-an,-han,pag-an/han,mapagan/han, pang-an/han
i-,ipang-ipag

5. gamit

ipang

6. sanhi

i-,ika-,ikapang-

7. direksyon

-an, -han

You might also like