Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan ng Pananaliksik
Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya
o paglutas ng isang suliranin.
Ayon naman kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isanmg sistematiko, kontrolado,
emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong
haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang
pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula, pagtulong sa mga
suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik
ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano.
Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng pananaliksik.
Uri ng Pananaliksik
1. Emperikal o mala-siyentipiko - Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga
ibedensya at paktwal na datos. Ito'y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos
upang makita ang relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong siyentipiko.
2. Applied Research - Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito'y kalkulasyon at estatistika.
Karaniwang ito'y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang
magaling na halimbawa nito'y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na
nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang mabisang
resulta nito ay depende sa serbey at sa napiling sampling.
3. Pure Reseach - Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang
bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.
Mga Paraan ng Pananaliksik
B. Paraang Pagtatanong
Pinakaangkop ang pagtatanong kung layunin ay humanap ng impormasyon sa panlabas na
antas. Pili at maayos na pagkakasulat ng mga tanong ang kumakatawan sa pinakamahusay at
epektibong paraan ng pagkuha ng datos
Mga Katanian ng Epektibong Tanong
1. Dapat na maging malinaw ang lenggwaheng gagamitin.
2. Ang nilalaman o paksa ng tanong gayundin ang panahon ay dapat na tiyak. Madalas na hindi
alam ng respondent kung paano sasagutin ang tanong dahil sa ang nilalaman ay hindi gaanong
tiyak, gayundin ang tinukoy na panahon.
3. Ang tanong ay dapat nagpapakita ng isang layunin.
4. Dapat na malaya ang tanong sa anumang palagay.
5. Ang tanong ay dapat na bukas sa mungkahi.
10.
11.
12.
13.
14.