Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ama Namin, pakinggan Mo po

Ang pagtawag namin


Sa Iyong Banal na Pangalan.
Basbasan mo po ang aming pagdiriwang
Ng world teachers day
At kamiy kaluguran mo
Sa umagang ito.
Pagyamanin Mo po, Panginoon
At maging nakaayon sa iyong kalooban
Ang aming pagkikita-kita,
Mula sa simula hanggang katapusan.
Masalamin nawa namin
Ang layunin mong dakila sa aming buhay
At maisagawa namin ngayon
Ang aming mga gawain
Na may kabutihan at pag-ibig
Sa aming kapwa .
Kami poy naninikluhod sa iyong harapan
Na kamiy iyong patnubayan
At iwaksi sa aming kaisipan
Ang anumang masasamang kaisipan
Inggit at pakikipag-alit
Sa aming mga kasama.
Bigyan mo kami
Ng sapat na lakas at katalinuhan
Upang maibahagi naman namin
Ang aming makakaya
Sa aming mga kasama
Sa pagtitipon na ito.
Ilagay mo po sa aming diwa at puso
Ang pagmamahal
Na hindi naghihintay
Ng anumang kapalit
Bagkus ay bukas-palad
Na magkakaloob ng anumang tulong.
Panalangin namin ang lahat ng ito
Sa pangalan ng Iyong Bugtong na Anak na si Hesus.
Amen.

You might also like