Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang mga Patakarang Pangkabuhayan ng mga Espanyol

blue collar job


mga gawain o trabahong manwal gaya ng pagsasaka,
pagtotroso, pagkakarpintero

buwis

takdang halagang ibinabayad ng mga mamamayan o


korporasyon sa pamahalaan upang magamit sa maayos na
pagpapatakbo ng bansa

daungan

isang lugar o parte ng karagatan, dagat, ilog o iba pang daanang


anyong-tubig na tinitigilan o hinihimpilan ng mga barko o
sasaskyang pandagat upang magsakay at magbaba ng mga
kargamento o kalakal

ekspedisyon

paglalakbay ng mga grupo ng mga taong may tiyak na layunin


gaya ng paghahanap ng lugar o mahahalagang bagay

monopolyo

sitwasyon kung saan kontrolado o hawak lamang ng isang


kompanya o may kapangyarihan ang industriya o pagtutustos ng
isang bagay o produkto

pag-aalsa

pagrerebelde o hindi pagsunod sa pamahalaan o pinuno dahil sa


pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga ginagawa nito

principalia

mga taong may mataas na antas sa lipunan noong panahon ng


mga Espanyol gaya ng mga gobernadorcillo, kapitan municipal,
at iba pa

tabako

halamang may malalaking dahong pinatuyo at ginagamit sa


paggawa ng sigarilyo

1571

ipinatupad ang mapang-aping batas ng pagbubuwis (o tributo)


ng mananakop na Espanyol

walong reales

halaga ng tributo o buwis noong una itong ipinatupad noong


1571

12 reales
halaga ng tributo o buwis noong 1851 mula sa dating 8 reales

mga katutubo sa Ilocos at Cagayan

naghimagsik laban sa mapang-aping sistema ng pagbubuwis ng


mga Espanyol

kasama

mga magsasakang nangungupahan sa kanilang lupang sakahan


(dati sila ang may-ari ng lupang kanilang sinasaka, noong
dumating ang mga Espanyol, inagaw ito sa kanila);

haciendero

may ari ng lupa sa sistemang kasama; kadalasan sila ay mga


Espanyol; sa kanila ang lupa, ang mga kasama ang nagtatanim
at nagtatrabaho sa lupa pero ang hatian sa kikitain ng
pagtatanim at 50/50, o kalahati ng kita ay napupunta sa
haciendero kahit wala siyang ginawa sa pagtatanim

polo y servicios

sapilitang paggawa; sakop nito ang lahat ng lalaki na may edad


16 - 60. Pilit silang pinagtatrabaho tulad ng pagtatayo ng tulay,
simbahan, pagkumpuni ng barko

polista

ito ang tawag sa mga naglilingkod sa polo y servicios

40 araw

ito ang bilang ng araw na inuutos ng pamahalang Espanyol


kung saan magtatrabaho ng sapilitan ang polista. Ibinaba ito ng
15 araw simula 1884.

falla

multa bilang kapalit ng hindi paglilingkod sa polo y servicios


pero dahil mas marami ang mahihirap at hindi nila kayang
magbayad ng multang ito, napakarami ang naging polista

Sumuroy sa Samar

nag-alsa noong 1649 at 1650 laban sa polo y servicios

bandala

sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol sa mga produkto


ng mga magsasaka sa napakamurang halaga, o kaya ay hindi na
binabayaran

promissory note

pangakong kasulatan na ibinibigay ng pamahalaang Espanyol sa


mga magsasaka bilang patunay na babayaran nila ang mga
produktong kinuha nila mula sa mga magsasaka. Kadalasan
hindi naman ito binabayaran ng pamahalaang Espanyol

Maynila

naging sentro ng kalakalan sa Asya dahil sa magandang


lokasyon nito noong panahon ng kalakalang Galyon.

galyon

isang malaking sasakyang-dagat ng mga Espanyol na may


lulang (sakay) na mga kalakal mula sa Maynila patungong
Acapulco, Mexico minsan sa isang taon

kalakalang Maynila - Acapulco

kalakalang monopolyo ng pamahalaang Espanyol kung saan


ang kalakalang galyon ay para lamang sa Maynila at Acapulco,
at isinara sa kalakalan ng Pilipinas sa iba pang mga bansa

boleta

tiket; tanging ang mga mangangalakal na may tiket na ganito


ang maaring lumahok sa kalakalan

100 hanggang 300 porsyento

ito ang kinikita ng mga namumuhunan sa kalakalang galyon

Obras Pias

institusyong nagpapautang na may malaking tubo; maraming


namuhunan sa kalakalang galyon ang nangungutang dito

galyong Magallanes

ito ang pinakahuling galyon ng pamahalaan na nakasali sa


kalakalan; umalis ito sa Maynila noong 1811 at nakabalik noong
1815

Haring Ferdinand VII

ipinabuwag ang monopolyo ng pamahalaang Espanyol sa


kalakalang galyon noong Setyembre 25, 1813 dahil sa hindi
magandang epekto nito sa kalakalan ng bansa

Jose Basco Y Vargas

gobernador-heneral na nagpasimula ng tunay na pag-unlad sa


kabuhayan sa bansa.

Sociedad Economico de los Amigos del Pais

Pangkabuhayang Samahan ng mga Kaibigan ng Bayan; itinayo


noong Abril 26, 1781 na gumampan ng iba't ibang tungkulin

para sa pagpapaunlad ng kalakalan. Si Ciriaco Carvajal ang


unang pangulo ng samahang ito

Monopolyo sa Tabako

itinatag ni Jose Basco noong Marso 1, 1782 kung saan nakasaad


na tanging tabako lang ang maaring itanim sa mga lalawigan ng
Cagayan, Nueva Ecija, Marinduque at Ilocos. Tumagal ng
isandaang taon ang kalakarang ito at habang kumita ng malaki
ang pamahalaang Espanyol dahil dito, nagutom naman ang
napakaraming tao sa mga lugar na ito dahil sa kakulangan ng
suplay ng pagkain.

Real Compania de Filipinas

Royal Company of the Philippines na itinatag noong Marso 10,


1785 na naglayong itaguyod ang kalakalan sa pagitan ng
Espanya at Pilipinas; walang buwis na ipinataw sa mga kalakal
dito

You might also like