Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BALANGKAS NG PAGSUSURI

1 Panimula

a.Pamagat ng Katha – Saranggola

b.May akda – Efren R. Abueg

c.Sanggunian o aklat na pinagkunan – Libro

2 Buod ng Katha

May isang batang lalaki, walong taong gulang na anak ng may-ari na kaisa-isang estasyon ng gasoline at
machine shop sa bayan. Ang batang lalaki ay humiling ng isang guryon sa kanyang ama. Ngunit mas
mainam ang saranggola sabi ng kanyang am. Ibinili siya ng papel at kawayan at tinuruang gumawa at
magpalipad ng saranggola ang anak. Nang mapalipat na niya ang saranggola nalampasan niya ang ilang
guryon at ang ibang naming guryon na lumipad ng pagkataas –taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak,
bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.kaya tandaan na ang taas at tagal ng pagpapalipad ng
saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Nakalimutan na ng bata iyon tungkol sa saranggola nang
maging katorse anyos na siya. May iba na siynag hilig: damit, sapatos, malaking baon sa iskwela,
pagsama-sama sa mga kaibigan. Ngunit ang magulang niya ay lagi siyang tinitipid sa lahat ng bagay.
Nagkaroon siya ng hinanakit sa kanyang magulang ng maging labing walo na siya. Napagkaisahan ng
kanyang mga kabarkada na kumuha ng commerce at samasama sila sa isang unibersidad mungkahi ng
isa sa limang magkakaibigan. Ngunit tumutol ang kanyang ama mas nararapat na kunin niya ay
engineering dahil sa may machine shop sila at balaw araw siya ang magmamana nito. At ito ay ang
kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang barkada. At napag-isa siya sa pag-aaral sa
lungsod at ngayong binata na siya hindi na hinanakit kundi panghihimagsik sa ama ang kanyang
nadarama. Nang makatapos siya sa pag-aaral binigyan siya ng sampung libong piso bilang puhunan niya.
Siya ay nagtayo ng machine shop sa dulo ng kanilang bayan at ito ay nalugi dahil sa kakompitensya sila
ng kanyang ama. Bumalik ito sa kanyang ama para humingi ng pera ngunit hindi na ulit siya binigyan.
Siya ay naghimagsik at naglayas. Naghanap siya ng trabaho makalipas ang ilang taon nakaipon siya ng
puhunan at nagtayo uli ng machine shop at pagkalipas ng tatlong taon ito ay nakilala na at ang pangarap
ng kanyang ama para sa kanya ay natupad na.

3. Pagsusuri

a. Uri ng pampanitikan – Ito ay isang uri ng maikling kwento

b. Estilo ng paglalahad - daloy ng isipan


c. Mga Tayutay

a.Pagtatanong – Makabubuti bas a akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?

b. Pagtanggi - Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama Pero sa tingin ko engineering nga ang bagay sa
iyo.

2. Pagtatanong - ang pagpapahayag na ito ay ginagamit upang taggapin o di tanggapin ang isang bagay

Pagtanggi - ang pagpapahayag na ito ay karaniwang ginagamitan ng panangging hindi upang bigyang
diin ang makabuluhan ang sang-ayon sa sinasabi.

D. Sariling Reaksyon

Mga Panain at puna sa:

A. Tauhan - ang batang lalaki sa nabanggit ditto sa maikling kwento ay isang masunuring bata at
ang ama’t ina ay hinangatna mapabuti ang kanilang anak/
B. Istilo ng awtor - ito ay para mapukaw an gating isipan na hindi salapi at kapangyarihan ang
mahalaga kundi edukasyon sa ating tatahakin, katatagan at mabuting asal ito ang pinakamatibay
na patnubay upang marating natin ang patutunguhan.
C. Galaw ng mga pangyayari – Upang mapaunlad natin an gating mga sarili.
PROYEKTO
SA
RETORIKA

Ipinasa ni: Rojan D. Sanchez BPA-2A

You might also like