Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon at daan para
magkaintindihan tayong mga Pilipino. Mahalaga na ang wikang Filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na may sariling wika na ipinagmamalaki ang mga Pilipino. Mahalaga rin sa ating mga Pilipino ang ating wika dahil ito ang instrument upang tayo ay magkaintindihan at maunawaan ang isat-isa. Sinasabi nila na ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda, kaya kailangan natin itong pagyamanin at payabungin. Ito ang nagsisilbing tulay o daan na nagdudugtong sa isang bansa.Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawa sa bawat Pilipino ay lalong napagyayaman ito rin ang magiging daan sa ating pagkakakilanlan. Dito rin makikilala ng mga dayuhan kung sino tayo. Marami mang linguahe sa pilipinas tulad ng bisaya,ilonggo,Ilocano,bicolano at kung ano-ano pa ngunit sa lahat ng mga linguahe ng mga Pilipino, ang wikang Filipino ang malimit na ginagamit upang maintindighan ng buong kapuluan. Kailangan nating hasain ang ating wika dahil ito ang magiging daan natin sa kaunlaran at tagumpay. Pinag-aaralan natin ang akademyang Filipino upang mas lumawak ang ating kaalaman at pangunawa sa pakikipagusap sa ibang tao. Ang wika nating ang syang magiging gabay sa pagunlad natin lalung-lalo na kung may pinag-aralan tayo. Isa rin ito sa magandang regalo na binigay na sa atin nang Diyos dahil kung walang wika hindi tayo magkakaunawaan at hindi natin maipapahayag ang nais nating iparating. Ginagamit din ang wika para makipaghalubilo sa iba at makipagusap na maiintindihan ng kausap natin at maipahayag ang ating nararamdaman sa iba. Hindi lamang sa pamamagitan ng pagbikas ng mga salita natin maipapahayag ang ating nais sabihin maaari rin nating ipahayag sa pamamagitan ng pagsusulat na maaaring magdala sa ating sa pagiging maunlad na bansa dahil sa kakayahan at talino nating mga Pilipino. Ipagmalaki natin at tangkilikin ang sariling atin dahil ito ang paraan upang maging maunlad ang ating bansa. Ang wika natin ang magiging daan sa maayos na pakikipag-ugnayan sa ating
Filipino: Wikang Pambansang Kaunlaran
kapwa na. Mahalaga rin na may alam tayong linguahe upang makipag uganayan sa mga dayuhan. Wika natin ay ang magiging daan tungo sa kaunlaran at pagkakaisa sa bawat isa sa atin.