Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AKOY WIKA

Wikang Pilipino ang aking pangalan


Ipinanganak ko itong kalayaan
Ako ang ina at siyang dahilan
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan.
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglaw
Sa iyong tahanang iyong tinanaw
Katulad ng inang sayo ay ilaw
Nagbibigay siglat buting sumasaklaw
Ako rin ang ama at haligi
Ng mga sundalo at mga bayani
Sa digmaan noon sa araw at gabi
Ako ang sandatang nagtaas ng puri
Pagkat akong wika ng lakas mot tuwa
Akoy lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salita
Ligtas ako sa uring luksong masasama.
Sinasalita ako at gamit ng lahat
Upang magtaksil ay maisiwalat
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng siyudad
Pati sa Mindanao ako ay nag-usap.
At nakamit mo ang hangad na laya
Mula sa dayuhang sakim at masama
Dilim na sumakop sa bansa

Dagling lumiwanag, pintig ay huminga


Wikang Pilipino ginto mo at hiyas
Panlahat na wika saanman bumagtas
Ilaw na umaalab sa dilim ay lunas
At lakas patungo sa tuwid na landas.

You might also like