Banghay Demo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO

J.B.Zuo Campus
Namunga, Rosario, Batangas
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 8

Mga Pamantayang Pangnilalaman


I.

Mga Layunin
Sa loob ng 60- minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Pagsasalita: Nakapagbibigay reaksyon sa mga bagay na nasilayan.
2. Pag-unawa sa Binasa: Nakapagbubuod ng kwento gamit ang ibat ibang
estratihiya.
3. Pagsulat: Naipapakita ang kahalagahan ng pagsusumikap at katatagan sa mga
pagsubok sa buhay sa pamamagitan ng paglikha ng isang islogan/salawikain.

II.

Paksang Aralin
A. Paksa: Ang Karukhaan ay Hindi Isang Hadlang
Talambuhay
Josefina R. Serion
B. Kagamitan
1. Biswal
2. Aklat ng Gintong Pamana II
3. Sipi ng Akrostik
4. Sipi ng Islogan/Salawikain/Poster
C. Sanggunian
Gintong Pamana II
Nakpil, L.R., Dominguez, L.F., Pp. 86-89.
D. Metodolohiya at Estratihiya
1. Pabuod na Talakayan
2. Talasalitaan
3. Pangkatang Gawain
4. Isahan/Indibidwal na Gawain

III.

Mga Yugto ng Pagkatuto


Mga Gawain ng Guro
Panimulang Gawain
1. Pagbati at Pagdarasal
2. Pagtatala ng Liban at Pagsasaayos ng
Silid-Aralan
A. Aktibiti
Pagganyak
Sa araw na ito, panibagong aralin ang
ating bubuksan. Ngunit bago iyon, may
napapansin ba kayong kakaiba sa ating silidaralan ngayon?
Tama! Para saan naman kaya ang
kahong ito?
Mula sa huling linya, maari niyo bang
kunin ang mga bagay na nasa loob ng kahon?

Mga Gawain ng Mag-aaral

Mayroon po! May isa pong


kahon sa inyong lamesa!

Ngayon, ano ang laman ng kahon?


Mahusay! Ngayong nalaman na ninyo
kung ano ang laman ng kahon, mayroon
naman akong katanungan sa inyo:
Ano ang nabubuong kaisipan o
nararamdaman ninyo sa tuwing nagkakamit o
kaya namay nakakakita kayo ng mga bagay
na ito? Ipaliwanag.

Sash, trophy, medal, at diploma


po Maam!

Masaya po, dahil matapos ng


paghihirap ninyo ay makakamit
ninyo ang isang bagay na
pinapangarap nyo.

Mahusay! Iba pang kasagutan?

Magaling! Nakakatuwa ang inyong


mga kasagutan! Ngayon naman, gamit ang
isang salita lamang, paano naman ninyo
papakahulugan ang mga bagay na ito?
Mahusay! Nakuha mo ang
pinakaangkop na kasagutan. TAGUMPAY!
Bigyan natin siya ng limang bagsak.

Para po sa akin, kapag po


nagkakamit ako o nakakakita ng
mga bagay na iyan ay lalo akong
namomotivate na pagbutihin ang
aking pag-aaral at kahit na ano
mang gawain ko kasi alam kong
may matatamo ako pag natapos
ko ang mga iyon.

Mapapakahulugan ko po ang
mga bagay na ito gamit ang
salitang TAGUMPAY.

Ang mga bagay na ito ay


nagrerepresenta ng tagumpay. At ngayong
araw na ito, ang ating pagtatalakayan ay isang
talambuhay na may kaugnayan sa pagkakamit
ng tagumpay.
Ano nga muli ang talambuhay?
Magaling! Ang talambuhay ay
pinagtambal na salitang talaan ng buhay,
samakatuwid ay nauukol ito sa kasaysayan o
kabuhayan ng isang tao o biography. Sa
puntong ito ay babasahin na natin ang
talambuhay na ating pagtatalakayan. Ang
lahat ay magsi-upo ng maayos at ihanda ang
sarili sa pagbabasa.
(Pagkatapos basahin)
B. Analisis
Upang masubok ang pag-unawa sa
inyong binasa, magkakaroon tayo ng

Ang talambuhay po ay
pagsasalaysay ng sariling buhay
o maaring buhay ng iba.

pangkatang gawain. Ang lahat ay pumunta sa


kanya-kanyang pangkat ng matahimik.
Ang bawat lider ay pipili ng isa sa mga
bagay na nanggaling sa kahon. Ito ang
magsasabi kung ano ang gawain na inyong
isasagawa.
Ngayon, ang unang pangkat ay
(Pupunta sa kanya-kanyang pangkat)
naatasang gumawa ng balangkas gamit ang
positibo at negatibong pagtingin sa
karukhaan,
PA
5
4
3
2
1
ang
MA
ikalawang
NTA
pangkat ay
YAN
1. Kasiningan
paggamit ng
2. Kagandahan
talahanayan
3. Presentasyon
upang
4. Partisipasyon
mabalikan
ang mga
pahayag sa talambuhay na naglalahad ng
sanhi at bunga. Ang ikatlong pangkat, gamit
ang isang graphic organizer, ay ibibigay ang
mga kabiguang dinanas at kongklusyon dito
at ang huling grupo ay magtatala ng mga
naging hadlang at paraan kung paano
mapaglalabanan ang mga hadlang na ito sa
pagtatagumpay. Bibigyan ko lamang kayo ng
8 minuto para gawin ang mga aktibiti.Ang
aktibiti na ito ay nangangailangan ng
kasiningan at kooperasyon ng bawat
miyembro. Ang mga pamantayan sa
pagmamarka ng inyong ginawa ay:
Nauunawaan ba nang lahat ng grupo?
Kung ganon? Magsimula na ang lahat.
Gumawa ng tahimik. Ang inyong walong
minuto ay nagsisimula na.

(Matapos talakayin ang pangkatang gawain)


Mahusay! Bigyan ng limang bagsak ang
inyong mga sarili. Ang lahat ay nakasunod sa
pamantayan sa pagmamarka. Nakikita ko na
naunawaan niyo nga ang ating binasang
talambuhay.
C. Abstraksyon
Para sa sunod na gawain, mayroon akong
inihandang concept map kung saan ating
pagninilay-nilayan at pagtatalakayan ang

Opo, Maam!

salitang TAGUMPAY na mula naman sa


inyong pananaw. Kung kanina ay tungkol
sa talambuhay ang gating pinagbasehan,
ngayon naman ang inyong mga sagot ay
manggagaling mismo sa inyong mga
sarili.
Upang simulan ang ating gawain, _____,
maaari mo bang pangunahan ito?
Una, ano ang kahulugan sa iyo ng
tagumpay?

Paano mo naman makakamit ang iyong


tagumpay?

Kailan mo naman masasabi na naabot mo na


ang iyong tagumpay? Magbigay na
halimbawang sitwasyon.

Magaling! Bigyan natin siya ng limang


bagsak. Sino pa ang nais magboluntaryo?
D. Aplikasyon
Matapos ninyong magbahagi ng inyong mga
kaisipan at pananaw tungkol sa pagkakamit sa
tagumpay, hinihiling ko na maghanda ng
isang malinis na papel para sa susunod na
gawain. Ito ay indibidwal na gawain kaya
inaasahan ko na gagawa kayo sa inyong mga
sarili lamang.
Bumuo ng isang islogan o
salawikain hinggil sa kahalagahan
ng pagiging matatag sa mga
pagsubok sa buhay.

Opo Maam!

Para po sa akin ang kahulugan ng


tagumpay ay ang pagtatamo ng mga
bagay na pinapangarap at ninanais
nyo pagkatapos mo itong
paghirapan.

Makakamit ko po ang aking


tagumpay sa pamamagitan ng
pagsisikap at pagtitiyaga na
maabot ang lahat ng pangarap ko.
Masasabi ko po na natamo ko na
ang aking tagumpay kung
naibabahagi ko ito sa mga taong
pinag-aalayan ko nito halimbawa
nakapagtapos na ako ng pagaaral at kumikita na,
nasusustentuhan ko na ang aking
pamilya at nakatutulong na ako
sa pangangailangan nila.

Tapos na ba ang lahat? Kung tapos na ipasa


na ito pauna.
E. Pagtataya

Opo, Maam!

Piliin sa kahon sa ibaba ang salitang


kasingkahulugan ng salitang nakalimbag nang
pahilig.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

isang paslit lamang


salat sa kayamanan
hindi maaaring ipagmarangya
nakapugong sa ulo
walang maipag-aagdong sa buhay
hindi isang sagabal
halos gula-gulanit na
naligtas sa pagkatiwalag

kulang
hadlang

nakatali pagkaalis
punit-punit
nakatalukbong
musmos ipagmamalaki
pantawid-gutom

F. Kasunduan
Bigyan ng sariling pakahulugan ang
salitang TAGUMPAY sa pamamagitan ng
isang akrostik. Isulat ng pababa ang mga
titik. Gagawin ito sa isang malinis na
papel. Maghanda sa paglalahad ng inyong
ginawa bukas.

Inihanda ni:
Maria Angelika N. Cerezo
BSED- Filipino 3101

Inihanda para kay:


G.Jeffrey S. Delen
Guro/Principles of Teaching 2

You might also like