Maikling Kwento 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Si Paruparo At Si Langgam

Takang-taka si Paruparo habang minamasdan niya si Langgam na pabalik-balik sa


paghahakot ng pagkain sa kanyang lungga sa ilalim ng puno.
Ano ba iyang ginagawa mo, kaibigang Langgam? Mukhang pagod na pagod ka ay di
ka man lang magpahinga? tanong ni Paruparo. Bakit di ka magsaya na tulad ko?
Naku, mahirap na, aniya. Malapit na ang tag-ulan. Iba na ang may naipon na
pagkain bago dumating ang tag-ulan.
Kalokohan iyan. Tingnan mo ako. Hindi natitigatig, pagmamalaki ni Paruparo.
Bakit nga ba? Nagtataka si Langgam.
Ganito iyon, e. Nakikita mo ba ang kaibigan ko sa damuhan? inginuso niya ang
nasa di kalayuan.
Sino? tanong ni Langgam.
Si Tipaklong, kaibigan ko iyan, Alam mo, matapang ang kaibigan ko. Nabibigyan
niya ako ng proteksyon. Baka akala mo, dahil sa kanya walang sigwang darating sa
akin, pagyayabang ni Paruparo.

A, ganoon ba? sabi ni Langgam.


Utak lang, utol. O, di pakanta-kanta lang ako ngayon dito. Ikaw lang e, sabi ni
Paruparo.
Wala akong inaasahan kundi ang aking sarili. Kaya kayod dito, kayod doon,
mababa subalit madiin ang tinig ni Langgam. O, sige, ipagpapatuloy ko muna ang
aking gawain.
Pagkatapos ng usapang iyon nagkahiwalay ang dalawa.
Ang mga sumusunod na araw ay maulan. Hindi lamang mahabang tag-ulan. May
kasama pang bagyo at baha. Mahirap lumabas at kung makalabas man wala ring
matagpuang pagkain.
Lalong umapaw ang tubig. Walang madaanan ang tubig dahil malalim din ang mga
ilog at dagat. Tumagal ang baha. Palubha nang palubha ang kalagayan dahil
malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan.

Ano kaya ang nangyari kay Langgam? Naroon siya sa guwang ng puno.
Namamahinga. Sagana siya sa pagkain. Naisipan ni Langgam ang dumungaw
upang alamin ang kalagayan ng paligid. Aba, ano ba ang kanyang nakita?
Nakita niya si Paruparo at Tipaklong na nakalutang sa tubig. Patay ang dalawa.
Mayamayay dalawang mabilis na ibon ang mabilis na dumagit sa kanila.
Napaurong sa takot si Langgam sa kanyang nakita. Subalit nasabi pa rin niya sa
kanyang sarili: Kung sino ang may tiyaga, siya ang magtatamong pala.

Ang Manok At Ang Uwak

Alam ba ninyo kung bakit ang manok ay lagi nang nagkukutkot sa lupa? Alam din ba
ninyo kung bakit kapag may lumilipad na uwak sa itaas ay takut na takot ang
inahing tatawagin sa ilalim ng pakpak niya ang mga sisiw? Ganito ang pangyayari.
Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang
uwak kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw nito.
Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang
ibon. Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang ganda-ganda! sabi niya sa uwak.
Sige, iiwan ko muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli, sagot ng uwak na
mabilis na lumipad uli.
Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing
niya nang lumapit ang isang tandang. Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay
hindi manok na tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan diyan. Itapon mo
ang singsing!
Sa kapipilit ng tandang, itinapon ng inahin ang singsing. Kinabukasan, napansin
agad ng uwak na di niya suot ito. Nasaan ang singsing ko? tanong ng ibon.
Ewan ko, takot na sagot ng manok. Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala
sa mga kuko ko. Luwag kasi.
Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. Alam ko,
itinapon mo siguro dahil ayaw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa
akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang singsing, kukuha ako ng makikita kong
sisiw mo at ililipad ko sa malayo.

Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang
itinapong singsing. Pati ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap
din. Kapag may lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang tawag ng inahin sa mga
sisiw at tinatakluban agad ng mga pakpak dahil baka danggitin ng uwak.

Ang Nawawalang Prinsesa


Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta.
Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang
anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay
ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbabantay,
pupugutan siya ng ulo.
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang
matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay
nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hatinggabi.
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng
isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang
napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. Maganda pong
talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.
Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga
balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at
pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang
magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang
napakagandang binibini.
May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa
ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon ng
halaman.
Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang
maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang
balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na palabas
sa palasyo.
Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay kasama
ang binata dahil hindi niya nakikita ito.
Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan huminto
ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon
doon at nagsasaya.
Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng
maskara.

Nilapitan niya ang prinsesa at silay nagsayaw.


Nagsayaw sila nang nagsayaw hanggang mapagod
ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng
sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na
ang karwahe at silay bumalik sa palasyo.
Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa
sa hating-gabi? tanong ng hari nang humarap sa
kanya ang binata kinaumagahan.
Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga
gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan-itong
halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na
makasayaw siya.
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang nagpakita
ng katunayan. Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata,
ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang
nagdaang gabi.
Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng prinsesa
na masaya namang yumakap sa kanya.

Isang Aral Para Kay Armando


Laging naiisip ni Armando na napakarami namang ipinagbabawal ang ina sa kanya.
Madalas niyang marinig ang Huwag mong gawin ito, Huwag mong gawin iyan.
Sumasama ang loob niya kapag naririnig niya ang mga ito.
May isang bagay na talagang lagi niyang gustong gawin kahit ipinagbabawal ng ina
ang maligo sa ilog. Napakabilis ng agos ng tubig sa ilog. Maliit ka pa at kaya kang
ianod nito, laging paalala ng ina.
Ngunit naniniwala si Armando na kaya niya. Marunong naman siyang lumangoy
dahil tinuruan ng Tito Manuel niya. Matatakutin lang talaga si Nanay, sabi niya sa
sarili. Ang sarap siguro talagang lumangoy sa ilog. Mukhang kay lamig ng tubig.

Kaya nga, isang araw, kasama ng apat na kalarong bata, nagpunta sila sa ilog.
Masaya silang naghubad ng kamiseta at tumalon sa tubig. Ang sarap maglaro sa
tubig. Wiling-wili ang mga bata. Maya-maya, naisip ni Armando na lumangoy sa
banda-bandang unahan. Unti-unti siyang umusad.
Bigla na lamang bumilis ang agos ng tubig at siyay tinatangay na palayo, patungo
sa malalim na parte ng ilog. Pinipilit niyang pigilan ang katawan ngunit hindi niya
makaya ang malakas na agos ng tubig.
Ben! sigaw niya. Saklolo!
Ngunit hindi rin magaling lumangoy ang mga kasama niya. Napamulagat na lang
sila sa di-masaklolohang kababata. Mabuti na lang at may biglang tumalong lalaki
mula sa mga kahuyan. Naroon pala ang isang kanayon nila na may paiinuming
baka.
Nasagip si Armando ng lalaki ngunit may ilang sandali bago siya nahulasan.
Salamat po, Mang Tacio. Akala koy katapusan ko na. Nagdasal po ako at kayo ay
dumating. Dapat nga pala akong sumunod sa sinasabi ni Nanay.

Tama si Armando. Batid ng mga magulang ang nararapat sa mga anak kaya dapat
silang sundin. Ang isa pang natutuhan ni Armando ay kapag nasa panganib,
tumawag agad sa Diyos at ang tulong ay darating.

Ang Sapatero At Ang Dwende


May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares
na sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin
sa umaga ang sapatos.
Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga
sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at
nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares.
Inihanda na uli ang mga gagamitin para
sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga
nakita uli na yari na ang dalawang pares
na sapatos.
Naipagbili niyang madali ang mga
sapatos at bumili naman siya uli ng mga
gamit para sa apat na pares. Inihanda
niya uli ito sa mesa para magawa sa
umaga.

gumaling ang buhay ng sapatero.

Ganoon na naman ang nangyari, na tila


may tumutulong sa kanya sa paggawa ng
mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng
mahiwagang mga sapaterong panggabi,

Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin, tanong niya sa asawa.


Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung
sino nga siya? alok ng babae.
Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng
makapal na kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang
tumugtog ang alas dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong
dwende.
Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at
pasayaw-sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang natapos
ang mga sapatos at mabilis din silang tumalon sa bintana.
Mga dwende pala! sabi ng babae. Kay babait nila, ano?
Oo nga. Paano kaya natin sila pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao.
Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa
sa gabi.
Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae
para sa mga matutulunging dwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at
nangubli uli sila sa likod ng kurtina.

Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan
nilang para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak.
Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis silang
tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon hindi na bumalik
ang dalawang dwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng magasawa na marunong gumanti sa utang na loob.

Slogan
Pangkalinis
an
Malinis na
kapaligiran,
maaliwalas na
pamayanan.

Magandang
kalusugan,
dulot ng malinis na
kapaligiran.

You might also like