Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 17

butiki, bituka, botika

(lizard, intestine, drugstore)

Nakakapagpabagabag
(worrisome, troublesome)

Palakang Kabkab,
Kumakalabukab;
kaka-kalabukab pa lamang,
kumakalabukab na naman.
(A Kabkab Frog, croaking; it was just croaking, now it's
croaking again.)

PONOLOHIYA
FIL 1, Unang Semestre 2014-2015
Prop. Mar Anthony Simon dela Cruz

Ponolohiya Pag-aaral ng mga tuntuning sinusunod sa


pagsasama-sama ng mga tunog na nililikha (theoretical
linguistics)
Ponetika Paano nagsasalita o lumilikha ng tunog ang
mga tao (descriptive linguistics)

Ponolohiya, Ponetika

Ponema Yunit ng makabuluhang tunog ng isang wika


phoneme = phone (tunog) + eme (makabuluhan)
Bawat ponema ay maaaring makapagbago ng kahulugan ng
isang salita.
nasa-pasa, tama-sama, sala-tala
Maari ring hindi makapagpabago.
babae-babai, lalake-lalaki, bibe-bibi

Ponema

Ponemang Katinig Binubuo ng 16 na ponema


/b/, /p/, /k /, /g/, /d/, /t/, /h/, /s/, /l/, /r/, /m/, /n/,
/ng/, /w/,/y/, / ?/.
Ponemang Patinig - Ayon sa mga lingguwist at ilang
mananaliksik, tatatlo lamang ang patinig ng
Filipino; /a/, /i/, at /u/. Ayon kay Cubar (1994) ang
ponemang /e/ at /o/ ay hiram na salita sa Kastila at
English

Uri ng Ponema

Ang bibig ng tao ay may 4 na bahaging mahalaga


sa pagbigkas ng mga tunog.
Dila at panga
Ngipin at labi
Matigas na ngalangala
Malambot na ngalangala

Mga Bahaging Ginagamit


sa Pagsasalita

Inilalarawan sa punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig


nangyayari ang saglit na pagpigil o pag-abala sa papalabas na
hangin sa pagbigkas ng ponemang katinig.
1. Panlabi Dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas. /p, b, m/
2. Pangngipin Dumidiit ang dulo ng dila sa loob ng mga ngiping
itaas. /t, d, n/
3. Panggilagid Lumalapit ang ibabaw ng dulong dila sa punong
gilagid. /s, l, r/
4. Pangngalangala Dumidiit ang ibabaw ng punong dila sa
malambot na bahagi ng ngalangala. /k, g/
5. Glottal Paglikha ng paimpit na tunog /?/

Punto ng Artikulasyon

Inilalarawan sa paraan ng artikulasyon kung paano lumalabas


sa bibig o sa ilong ang hininga sa pagbigkas ng mga ponemang
katinig.
1. Pasara Harang na harang ang daanan ng hangin /p, t, k, ?,
b, d, g/
2. Pailong nahaharang ang hangin dahil sa pagtikom ng mga
labi /m/, pagtukod ng dulong dila sa mga ngiping itaas /n/, o
pagbaba ng malambot na ngalangala /ng/
3. Pasutsot nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at
ngalangala /s/ o ng mga babagtingang pantinig /h/
4. Pagilid lumalabas sa mga gilid ng dila ang hangin /l/
5. Pakatal hinaharang at pinababayaang lumabas ang hangin sa
pamamagitan ng pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila /r/
6. Malapatinig - /w, y/

Paraan ng Artikulasyon

Tsart ng Ponemang Segmental na Katinig

Diptonggo Tumutukoy ito sa pinagsamang


tunog ng isang patinig /a, e , i, o, u / at tunog ng
isang malapatinig /w, y/ sa iisang pantig. (aw,
iw, ow, ay ey, oy, uy) Halimbawa: araw, ayaw,
baboy, reyna, baliw

Diptonggo

Klaster (o kambal-katinig) ito ay


magkasamang tunog ng dalawang magkaibang
ponemang katinig sa iisang pantig. Halimbawa:
blusa, kwento, nyebe, pwede, dyosa, gwapo,
sweldo, komandant, atbp.

Klaster

Pares Minimal Magkatugmang salita na


may hindi magkaugnay na kahulugan subalit
tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang
ponema. Halimbawa: pala-bala, hari-pari,
mura-kura, sarap-harap

Pares Minimal

Allophone Mga ponemang malayang nagpapalitan


Hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita
/e/ at /i/
lalaki-lalake, babae-babai
/o/ at /u/
totoo-tutoo, noon-nuon
/d/ at /r/
dangal-rangal, dunong-runong
Nagbabago ang kahulugan ng mga salita
/e/ at /i/
mesa-misa, tela-tila
/o/ at /u/
uso-oso, bos-bus

Allophone

Ponemang Suprasegmental Mga tunog na hindi tinutumbasan ng


mga titik. Ito ang pampalasa ng pakikipagtalastasan (Santiago at
Tiangco, 2003).
Tono at Intonasyon Pagtaas at pagbaba ng tinig.
Ngayon ka lang? Ordinaryong pagtatanong
Ngayon ka lang! May pagkabigla
Ngayon ka lang? May pagdududa
Haba Haba ng bigkas sa pantig ng salita na may patinig o katinig.
/pa:sa/ pasa (to pass something)
/pasa/ pas (to pass a test)

Ponemang Suprasegmental

Diin pagbibigay-diin sa pagbigkas ng mga pantig


/pa:sa/ pasa (to pass something)
/pasa/ pas (to pass a test)
/pasa?/ pas (contusion)
Hinto Saglit na pagtigil
Hindi Tito Juan Anton ang pangalan niya.
Hindi, Tito Juan Anton ang pangalan niya.
Hindi, Tito Juan, Anton ang pangalan niya.
Lets eat grandma.
Lets eat, grandma.

Ponemang Suprasegmental

You might also like